CHAPTER ONE

528 5 1
                                    

AGAD naupo si Benedict sa tabi ni Dyson. Nag-umpisa na ang karera sa field, halos mabingi siya sa hiyawan ng mga kapuwa  manunuod sa drug racing car.

Natitiyak niyang malaki na naman ang pustahan sa nasabing laro.

"Your late,"wika ni Quinx. Bahagiya lang siyang nilingon nito.

"Na-traffic lang,"dahilan niya. Tuluyan na niyang ipinasok sa bulsa ang pinapaikot niya sa daliri na susi ng kotse niya. Tumutok na rin ang pansin niya sa ibaba kung saan nagaganap ang matulin na takbo ng mga car racer sa field. Katulad ng nakasanayan ay halos wala na naman bakanteng upuan na nakahilera sa bawat panig ng field. Halo-halo ang mga tao sa lugar, ngunit iisa lamang ang ipinunta ng mga naroon. Iyon ay abangan ang mananalo.

"Ang sabihin mo ay may kinantot na naman iyang si Bimbi. . . "Malakas na pambubuska ni Sancho.

Sa kanilang apat ay ito ang pinakamadaldal sa magkakaibigan. Nagmeet silang apat noong mga nagsisipag-aral pa lamang sila ng kolehiyo.

Sa isang minor subject sila nag-umpisang maging  close na apat. Dahil iisang sosyalidad ang iniikutan nila at pawang nanggaling sa mga kilalang angkan ay hindi naman sila nahirapan na maka-get along sa trip ng bawat isa.

Bagkus ay pinatatag ng limang taon na nakalipas ang naging samahan nila.

Nang makatapos ay napagkaisahan na nilang magpatayo ng mga business. Food production ang sakop ng kumpaniya nila, kaya isang Milk shake and Tea Restaurant ang pangunahing ivene-venture nilang magbabarkada.

Naging successful naman iyon, patuloy ang pagdagdag ng mga branch nila sa dito sa Manila sa may Tagaytay, La Union, Ilocos at maging sa Palawan ay nagkaroon na rin ng expansion doon. . .

Agad niyang siniko ito dahil sa lakas ng bunganga nito. Mabuti na lamang at sadiyang maingay at malakas ang volume ng anouncer ng mga sandaling iyon. Dahil na rin sa kasalukuyang nagaganap na laro.

"Tang ina mo, pinagmumukha mo naman akong dugas sa babae!"naiiling na sabi niya. Napatutok ang pansin niya sa dalawang babae na dumaan.

Nakafitted sando black ang isa na tinernuhan ng leather skirt, unang napansin niya ang malalaking boobs nito. Para kay Bimbi ay turn on sa kaniya kapag ganoon. Namukhaan niyang isa ito sa mga model ng isa sa malaking billboard sa may Roxas na lagi niyang nadadaanan. Sopistikada ang dating nito at galing sa isang kilalang pamilya.

Habang ang kasama nitong babae ay nakaspaghetti white strap naman na hanging iyon. Maliit na babae kumpara sa babaemg kasama nito. Dumako hangaang sa may baba ang pansin niya. Nakasuot ito ng maong pants na hapitang, napasipol siya ng wala sa oras nang mapasadaan niya ang matambok na puwetan ng babae.

Tila naman kinilig lalo ang dalawang babae sa inasal niya.

"Asus! Kita mo 'tu andito pa lamang tayo, pero umaandar 
na ang kamanyakan!"pamumuna naman ni Dyson.

"Ulol"sagot ni Bimbi.

"Yaan mo nga pare, kapag napapayag naman nitong si Bimbi ang dalawang babae matapos ang game na sumama sa atin. Tiyak may mahahatak tayo. . ."pang-aayon naman ni Sancho.

"Oo nga nuh! tumpak ka riyan!"si Dyson.

Naiiling na lamang siya sa itinatakbo ng usapan nila, tinapunan naman niya si Quinx na tutok pa rin sa panunuod.

Sa kanilang apat ay may steady girlfriend na ito at mukhang seryuso ang mokong sa latest nito. Dati-rati'y ito pa ang nangunguna sa mga kalokohan nila.

Ewan ni Bimbi kung ano ang nakita ni Quinx kay Lilina, sa isang shopping center lang naman ito nagtratrabaho pero wala naman espesyal rito. Ang ibinalita pa sa kaniya ni Sancho ay galing lamang sa mahirap na pamilya ang babae.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon