CHAPTER SEVENTEEN

146 6 0
                                    


NAGTATAKANG pinagtitinginan nila Sancho at Dyson si Bimbi. Kanina pa kasi ito pangiti-ngiti.

"Mukhang maganda ang mood mo ngayon ah Pre."si Dyson na umakbay pa sa kaibigan.

"Halata ba?"Itinaas-taas pa ni Benedict ang mga makakapal na kilay.

"Oo eh! Diba Sancho! Bakit nga ba?"pangungulit nito.

"W-Wala. . . don't mind me okay. Kayo, ano balita sa inyo."agad pag-iwas ni Benedict. Naalala niya ang ipinangako niya kay Rachelle na wala siyang pagsasabihan kaninuman ng relasyon nila ngayon.

"Wala naman balita sa akin,"sagot ni Dyson na bumalik na sa puwesto.

"Heto nagpapakasarap sa buhay single! Yes!"sabad naman ni Sancho na muling bumalik sa inaatupag nitong page-scroll down sa social media sites.

"Bakit mo pala naitanong, mukhang ikaw itong may ibabalita sa amin."Pamumuna naman ni Dyson kay Benedict.

"Ano ba! Wala! M-Masaya lang ako now, that's it!"Patuloy na pagkakaila ni Bimbi sa mga kaibigan.

"Kung gayon labas ta'yo, balita ko may pool party sa place nina Grecca sa Salvacion. Tara!"Pangyayakag ni Sancho.

"Good idea, wait lang natin si Quinx. Mukhang mala-late iyon."si Dyson na abala na rin sa hawak nitong aparato.

"Past muna ako. . ."agad na pamamagitan ni Benedict sa usapan.

"Oh! bakit may lakad ka?"si Sancho na nagtataka.

"O-Oo eh, pupuntahan ko si Mamita,"mabilis niyang dahilan para hindi na makapag-usisa ang dalawang kaibigan.

Gusto niya kasing mag-stay rito sa QUIDYSABE, mas mapapanatag kasi ang binata na nakikita lagi ang girlfriend niya.

Sa kaalaman na nobya na niya ang babaeng kinahuhumalingan niya this past few weeks ay tinalo pa niya ang feelings na tila nanalo sa lotto!

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala, lately akala niya'y hindi na niya makukuha ang babae. Kaya isang desisyon ang ginawa niya, sa isang katulad niyang never na magco-commit sa isang relasyon ay tila napakadali sa kaniyang gawin iyon ng basta-basta ng dahil lang sa katulad ni Rachelle. Pero paano nasilo ang puso ng isang playboy na katulad niya.

Sa ngayon ay marami siyang plinaplano sa relasyon nila ng babaeng first time niyang seseryusuhin. Kinakabahan siya na naeexcite.

Mas matutuwa pa siya kung totohanin na talaga din siya ni Rachelle.

Halata pa kasi dito na mukhang hindi pa ito handa sa isang relasyon. Na nakikisakay lamang ito sa mga gusto niya, marahil dahil sa usapan nilang dalawa.

Titiyakin niya makalipas lamang ang ilang Buwan na pagiging mag-on nila ay mahal na siya nito.

Nabaling ang tingin ni Benedict ng mapansin ang pagpasok ni Quinx. Maging ang pagtayo ng dalawa niyang kaibigan.

"Sige una na kami ni Dyson, bahala na muna kayo nina Quinx dito!"agad na paalam ni Sancho na tinapik pa sa balikat si Quinx na kakaupo lamang sa area nito.

Tumango na lamang si Benedict, matapos makaalis ang dalawa at abala rin naman si Quinx sa pwesto nito ay muli na niyang binalikan ng pansin ang android phone niya.

Unti-unting lumawak ang ngiti sa mga labi nito. Nang tuluyan niyang mapagmasdan ang kuha niyang stolen shot kay Ellechar noong isang araw.

Hindi na napansin ni Bimbi ang naiiling at nakangiting mukha ni Quinx na huling-huli siyang nakatitig sa magandang mukha ng isang staff nila na si Rachelle.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon