CHAPTER TWENTY NINE

141 3 1
                                    


MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON. . .

MANAKA-NAKANG iminulat ni Benedict ang mga mata ng maramdaman niya ang paglundo ng king size bed niya.

"Daddy wake up! Late na oh! hindi ka pa babangon?"Ang matinis na sabi ng isang batang babae na patuloy lamang sa pagtalon sa kaniyang kama.

"Nah sweetheart! inaantok pa ako,"napapaos ang tinig na wika ni Benedict sa anak nitong si Herschel.

Dalawang taon na ang bata, lumaking malambing at napakaganda nito. Sa paglipas ng panahon ay lalong minahal ito ni Benedict.

"Daddy! Daddy! Kailan ho tayo babalik sa Tarlac? Gusto ko ulit kumuha ng dukyang sa may dam!"nakikiusap nitong sabi sa kaniya habang titig na titig. Kahapon kasi ay nagpunta sila roon dahil nangungulit itong mapuntahan ang lugar na pinagmulan ng ina nito, umuwi rin sila ng hapon. Habang lumalaki ito ay hindi na mapigilan ng batang si Herschel ang patuloy na pagtatanong ng mga bagay-bagay sa ina nito na malimit naman niyang sinasagot.

"Later sweetheart okay? Sige na bumaba na kayo nina Cael at Ashley at maliligo muna ako. . ."bilin niya sa anak, napatingin pa siya sa dalawang pusa na panay ang dikit sa mukha niya.

"Okay Daddy just make it fast! Gusto ka namin kasabay nina Mamita mag-almulsal!"Nasisiyahan na sagot ng bata na dali-daling bumaba sa kama niya.

Iiling-iling na lamang siya sa kakulitan ng nag-iisang anak.

Sa pagbangon niyang iyon ay nahagip niya ang isang maliit na invitation letter galing sa isang business partnership nina Sancho.

Isang exclusive masquerade party ang mangyayari mamayang gabi. Natitiyak niyang iba't ibang klase ng matataas na tao sa lipunan ginagalawan nila ang mga dadalo.

Sa isiping iyon ay tila nawalan siya ng gana. Sa totoo lang ay hindi katulad ng dati na naeenganyo siyang nagpupunta sa mga malalaking pagtitipon.

Tuluyan na siyang tumayo at nagpunta ng banyo upang makaligo na rin. Sa mga nagdaan na taon ay nakukuntento na lang siya sa pagpapalaki ng sariling anak niya.

Matapos niyang makaligo at makapagpalit ng damit ay tuluyan na siyang dumiretso sa garden. Kung saan sila magbre-break fast.

"Herschel, sweetheart! halika na iwan mo na diyan sina Cael at Ashley. Sabay-sabay na tayong kumain nina Lola Minang at ni Mamita. . ."tawag ni Benedict sa anak na kasalukuyang nagpapakain sa mga alaga nilang pusa.

Noong una ay hindi na sana niya iuuwi rito ang dalawang pusa dahil magpapaalala lang ang mga ito kay Rachelle.

Ngunit dahil sa pakiusap ng tiyahin ni Rachelle ay muli niyang binalikan sa kubo ang dalawang hayop.

"May pupuntahan ka ba today iho?"tanong ni Senyora Krisanta habang humihigop sa tinimpla nitong gatas.

"Sa QUIDYSABE lang Mamita . . ."sagot ng binata na naglalagay na ng ham sa sandwich nito para ibigay kay Herschel na sinamahan lang ni Minang sa lababo upang makapagsabon ng kamay.

"Ohh, so you don't have any appointment iho after your work. May kakilala kasi akong anak ng amiga ko na kauuwi lang galing New york baka gusto mong kilalanin at baka matipuhan---"

"Mamita, pwedi ba umagang-umaga. . ."masungit na pamumutol ng iba pang sasabihan ng abuela niya.

"C'mon iho. . . gusto ko lang naman na kahit paano ay nalalayo ang isip mo sa pakikipagkilala sa ibang mga kababaihan sa society natin. Maybe it's time to find another woman. Need din ng anak mo ng isang nanay na titingin sa paglaki niya a-at ikaw din apo. Mas okay pa rin na magkaroon ka ng katuwang sa pagpapalaki kay Herschel . . ."mahabang salaysay ng abuela niya. Nasa tinig nito ang concern.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon