PATULOY lamang inaayos ni Minang mula sa pagkakahiga si Mercedes."Sigurado kan-ya na mandiyak kailangan ibaga kenni Uling ti mapaspasamak kaniyam tatta ading?"(Sigurado ka na bang hindi ko na kailangan sabihin kay Uling itong kalagayan mo ngayon?)
"Wen."(Oo) matipid lamang na sabi ni Mercedes sa nahahapong tinig.
"Apay nay? Karapatan na mit na maamuwan ta anak mo. Lanang na agtawag ngim nu ipasublat ko kaniyam ajay cellphone, haan mo mit aw-awatin." (Bakit ba? Karapatan niya din na malaman ng anak mo. Lagi siyang tumatawag sa cellphone, pero kapag ibibigay ko sa'yo ay hindi mo naman kinukuha)naiiling na sabi ni Minang na naupo na sa tabi niya.
"Apayya! ki mabainnak ngarud na katungtungin. . ."(Bakit! nahihiya nga akong kausapin. . .)tugon ni Mercedes na iniiwas ang pansin sa nakatatandang kapatid.
"Diyos ko Mercedes! Tatta ka pay agbain? Bakbaketan kan! Nasiyaat ta ada anak mo na kasla ni Rachelle na uray aniya iti panagpapadakkel mo kinyana idi ki nasiyaat latta iti sango na kaniyam."(Diyos ko Mercedes! Ngayon ka pa nahiya?Ang tanda-tanda mo na! Okay na may anak kang tulad ni Rachelle na kahit anong masamang pakita mo dati sa kaniya ay napakabait pa rin niya sa'yo)Tuloy-tuloy na wika ni Minang sa kapatid na nakaiwas pa rin ang pansin sa direksyon niya.
Napabuntong-hininga na lamang ang matandang dalaga na kinuha ang buto't palad na nitong kamay. Sa totoo lang ay labis-labis din siyang naawa sa nakakabatang kapatid. Dahil akala niya'y tuloy-tuloy na ang paggaling nito matapos ang operasyon, ngunit nagkamali siya. Dahil unti-unting kinakain ng karamdaman ang katawan ni Mercedes.
"Aniya iti ibagak manin nu tumawag ni Uling kanyak?"(Ano ang sasabihin ko ulit kapag tumawag si Uling).Ang parang maiiyak na tanong muli nito.
"Uray aniya, sika bahalan. B-Basta madim lip-lipatan na agyaman ak iti amin na parabor na ipadpadala na kaniyak na kwarta."(Kahit ano, ikaw bahala. B-Basta huwag mo kakalimutan na magpasalamat sa mga ipinadala niya sa akin na pera)Bilin pa ni Mercedes na hiningal matapos itong makapagsalita.
Agad na dumukwang si Minang upang himasin ang likuran bahagi ng kapatid. Matapos kasi ng operasyon nito'y iba't ibang kumplikasyon na ang nangyari. Kaya naging mas alagain na ito makalipas ang ilang Buwan.
Gusto man aminin ni Minang sa pamangkin na si Rachelle sa tuwing tumatawag at kinamusta nito ang kalagayan ng kapatid ay hindi naman magawa ni Minang. Dahil ang totoo ay malala na si Mercedes, na ilang Buwan na lang din ang itinaning ng Doctor nito Mama ni Rachelle.
Naramdaman ni Minang ang paghigpit ng paghawak ni Mercedes sa palad niya kung saan naroon na nakahawak sa kamay ng nakababatang kapatid.
"Manang s-sika bahala kinya ni Rachelle nu awan ak tun. . . "(Ate ikaw na bahala kay Rachelle kapag wala na ako . . . )ang mahinang bilin ni Mercedes. Bago ito tuluyan pumikit.
"Sige-sge basta agpapigsa ka!Bar-Barang makaawid tuno katapusan ni Uling,"(Sige-sige basta magpalakas ka! Baka makauwi sa huling araw ng Buwan si Uling!)pampapawi ni Minang sa nararamdamam sakit ni Mercedes sa mga sandaling iyon.
Mabilis na pinahid nito ang nagmalabis na luha mula sa pisngi. Unti-unti ng tumayo ito para makapagsara na siya ng bintana sa kanilang kubo matapos niyang masiguro na mahimbing ng natutulog ang kapatid.
Agad na niyang sinindihan ang bombilya para magkailaw sa maliit nilang kubo. Mabuti na lang at bago ang opera ng nakababatang kapatid na si Mercedes ay napalagiyan na ng kuryenti ng pamangkin niyang si Rachelle ang barong-barong nila. Hindi na nila problema ang pagkukuhanan ng tubig dahil may malapit lang naman na poso sa tabi ng dampa nila.
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Romance"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...