CHAPTER SIX

209 4 0
                                    


MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Benedict. Agad niyang iniharang sa harapan ang palad, dahil nasisilaw siya. Hindi pala niya naisara ang blind curtain dahil sa kaabalahan niya sa panauhin niya kagabi.

Mabilis niyang binalingan ang katabing espasyo sa kama kung saan siya nakahiga.

"Where are you?"usal mula sa isipan ni Benedict matapos na makaupo habang nakatingin lamang ito sa kawalan.

Nang magmulat siya, si Rachelle ang agad niyang hinahanap. Pero sa pagkabigo niya'y hindi na niya ito nagisnan.

Marahan niyang nilakumos gamit ang palad ang mukha niya. Napadako ang pansin niya sa orasan na nakapatong sa may side table niya.

Alas-diyes na ng umaga, kaya pala nakaramdam na ng pagkagutom ang binata. Agad niyang kinuha ang phone niya at nag-order ng makakain.

Isang buong pizza at dalawang take out cola bottle ang inorder niya. Sa totoo lang ay wala siyang kaalam-alam sa pagluluto, kaya kadalasan ay food order lamang ang kinakain niya.

Nakakain lamang siya ng mga lutong ulam kapag nasa mansyon siya ng abuela niya.

Hiwalay na kasi ang parents niya, gradeschool pa lamang siya noon. Wala pa siyang kamuwang-muwang sa nangyari sa pamilya nila.

Napagkasunduan ng Mommy at Daddy niya na sa Lola na lamang siya titira. Pumayag naman siya dahil lola's boy siya.

Pero nang makapagtapos siya sa pag-aaral at nakapagpundar ng condominium rito sa may Q.C ay tuluyan na siyang bumukod sa lola niya. Pero malimit pa rin naman niyang dinadalaw ito. Dahil nag-iisang apo siya ng lola ay spoiled siya rito.

Tuluyan na siyang bumangon at nagpunta ng cr. Napansin niyang ilang missed call at text ang narecieved niya, ngunit hindi siya nag-abalang sumagot isa man sa mga iyon.

Isa lang ang nasa isipan niya sa may sandaling lumipas---si Rachelle.

Agad ang mariin niyang pagpikit ng maalala ang naganap sa kanila kagabi. Tila kagiyat ang paggapang ng init sa buong katawan ni Bimbi ng maalala niya ang kalumbatan ng katawan ni Rachelle. Kung paano umungol ito sa mga bisig niya.

"Damn it!"mura ni Bimbi ng kusang magreact ang kargada niya.

Lalo pa siyang nagtagal sa shower, upang maibsan ang init na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Hindi pa sana niya ihihinto ang paliligo ng maalala niya ang pagkain na ipina-deliver niya.

Anytime ay darating iyon.

Mabilis na niyang pinatay ang gripo, agad niyang hinablot ang tuwalya at ibinuhol iyon sa beywang niya.

Pagkalabas pa lamang niya sa pinto ng banyo ay agad na niyang nadinig ang doorbell.

Dali-dali siyang naglakad at pinagbuksan ang delivery man.

" . . . 750. 00 peso lang sir,"wika ng lalaki. Agad siyang naglabas ng isang libo sa may wallet.

"Thank you, keep the change Kuya."sagot niya. Ngiting-ngiti naman ang delivery man. Matapos nitong maibigay ang lahat ng order ng binata ay nagtuloy-tuloy na siya sa may kuwarto niya.

Isang sando white at boxer lamang ang pinili niyang isuot. Matapos makapagbihis ay tuluyan na siyang nagpunta sa living room upang kumain.

Manaka-nakang kumakagat si Benedict sa pizza na tangan, nakalahati na rin niya ang iniinom na cola.

Nakabukas ang flatscreen TV niya, ngunit wala roon ang pansin niya.

"Bakit kasi hindi mo kinuha ang number niya, 'di sana'y makausap mo man lang siya."patuloy na pakikipag-usap ni Bimbi sa sarili habang nakatitig sa android phone nito.

Biglang nag-ring ang hawak niya, kita niyang si Quinx iyon. Tuluyan na niyang sinagot iyon sa pangatlong pagtunog.

"Hey! Wazzup!"walang-buhay niyang tugon.

"Nasaan ka? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa QUIDYSABE. . . "sagot ni Quinx sa kaibigan.

"Andito ako sa condo, may inaasikaso lang. . . "pagsisinungaling niya.

"Hindi ka pupunta rito?"makulit na tanong ni Quinx.

"Maybe nextime pre."pinal niyang sagot.

"May mga bago kasing staff, walang magtra-train sa kanila. Absent kasi si Betty, saka kinulang din tayo ng tao sa kabila kaya walang tatao rito. . ."tukoy nito sa restaurant nila.

"Wala ba diyan si Sancho o kaya si Dyson. I'm not in the mood, baka mapag-initan ko lang iyang mga bago. . . "inis nasabi ni Bimbi sa kausap.

Saglit na natigilan si Quinx, hanggang sa tuluyan din itong nagsalita makalipas ang ilang segundo.

"Okay I'll handle this team, sana naman bukas ay makapunta ka na rito. Aasikasuhin ko pa kasi ang wedding namin ni Lilina. . ."

"Oh! sorry man, mukhang nakasagabal kami. Sure ako ng bahala bukas,"nagpapasensiya na sabi ni Bimbi.

Matapos pa ang ilang pag-uusap ay tuluyan ng pinatay nito ang tawag.

Muli natulala na naman ang binata. Tuluyan na niyang itinabi sa may ref ang cola at sa may oven ang pizza, iinitin na lamang niya iyon mamaya.

Nagbabakasali kasi ang binata na bumalik si Rachelle. Kaya nga kahit wala naman siyang ginagawang importante ay iyon ang nasabi niya kay Quinx.

Dahil umaasa siyang babalik sa unit niya si Rachelle, ang babaing nagpapatuliro sa utak niya ngayon. Ayaw niyang paniwalaan ang isinagot nito kagabi, hindi niya matanggap na may isang babaeng umayaw sa kaniya.

"Sana bumalik ka Ellechar, miss na kita agad. . ."bulong ni Bimbi matapos na tuluyang ibagsak nito ang katawan sa malambot niyang kama.

Tila naaamoy pa niya ang masamyong amoy ng pabango ni Rachelle sa bed sheet niya sa nakalipas na oras.

Tila naaamoy pa niya ang masamyong amoy ng pabango ni Rachelle sa bed sheet niya sa nakalipas na oras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon