CHAPTER THIRTEEN

150 3 0
                                    

PABAGSAK na isinarado ni Benedict ang pinto ng office nila.

Sabay-sabay pang napalingon ang mga kasama ni Rachelle na nangunguha ng mga order ng costumer na nakaupo sa nakakalat na lamesa.

Inayos ng binata ang kurbata, matapos na mag-alis ng bara sa lalamunan.

Dire-diretso itong naglakad papunta sa main door ng Restaurant, ngunit bigla siyang napatigil ng mahagip niya ang bulto ni Rachelle na naglalakad sa direksyon niya. May dala-dala itong tray na naglalaman ng mga pinagkainan ng mga costumer na kalalabas lang din.

Halos iisang singhap ang nagmula sa bibig ng mga nakakita sa pagkakasalampak at pagtapon ng mga hawak ng dalaga.

Maging si Rachelle ay nagulat sa nangyari.

"Are you blind Ms. Madriaga para hindi ako makita? o sadiyang tanga ka lang na banggain ako, kahit alam mong masasagi mo ako!"Paangil nitong sita sa babae.

Naipinid ni Rachelle ang bibig, gusto niyang magprotesta at sabihin na wala naman siyang ginawa.

Agad na nilapitan siya ni Xyrus.

"Pasensiya na Sir Benedict, pagsasabihan ko na lamang si Rachelle na ayusin ang trabaho niya."agap nitong sabi.

Tinitigan naman ito ng binata habang panay ang punas sa nabasang suite nito.

"Kung hindi aayusin ng kasamahan mo ang trabaho niya ay baka samain na siya sa akin. Pati ikaw idadamay ko. . ."malamig na tugon ni Benedict.

Pagkatapos masabi ng binata iyon ay tuloy-tuloy na itong umalis sa harapan nila at lumabas ng Restaurant.

"S-Sana hindi kana nakialam Kuya Xy,"mahinang anas ni Rachelle. Matapos nilang pumasok sa pantry at iniligay sa basurahan ang mga nabasag na pinggan at baso.

"Ano ka ba, ayos lang iyon. Saka alam ko naman na hindi mo talaga ginawa ang ibinibintang ni Sir Benedict."naiiling nitong sabi sa dalaga.

"B-Bakit mo nasabi?"Nagugulumihan na nausal ni Rachelle.

"Obvious naman na siya ang sumagi sa iyo, nakita ko iyon. Maging sina Lyla at Russel ay napuna rin iyon. Sadiyang nanadiya iyan si Sir Benedict sa'yo. Alam niya kasing hindi tumatalab ang pang-se-seduce niya sa'yo. . ."mahaba nitong litaniya.

Natahimik naman si Rachelle at hinarap na nito ang hugasin sa lababo.

Sa totoo lang naisip na niya iyon ang magiging dahilan ni Bimbi. Dahil lang naman sa pagtapak niya sa pride nito.

Sino man lalaki ang makakaranas sa pinalabas niyang panggagago sa pagkalalaki nito'y hindi lang galit ang igaganti sa kaniya. Kung 'di isusumpa pa siya. . .

ILANG araw ang lumipas, pinilit tinatagan ni Rachelle ang sarili. Para patuloy siyang makapagtrabaho sa QUIDYSABE. Tuluyan na niyang nakabisado ang mga trabaho sa loob ng restaurant. Dahil na rin sa pagta-tiyaga ni Xy at ng ibang mga katrabaho niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Rachelle, dahil kahit abala si Quinx sa pagaasikaso ng kasal nito kay Lilina ay ito pa rin ang nagtiyagang nagtrain sa kaniya.

Dahil magmula ng araw na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Bimbi ay hindi na siya kinikibo nito. Pero lagi pa rin naman itong pumapasiyal sa Restaurant, kasama ang iba't ibang babae nito.

Minsan ayaw na niyang magpakita kapag naroon ang binata, ngunit tiyak magtataka ito. Ayaw niyang maapektuhan ang performance niya sa trabaho sa naging issue nila nito.

Kapag naroon si Bimbi at ang isa sa mga babae nito'y lantaran ang paglalandian ng mga ito sa harapan niya sa may second floor. Pero ipinagkibit na lamang niya ng balikat ang nakikita kahit minsan ay naalibadbaran siya sa tuwing mahuhuli niya ang paghahalikan ng mga ito at ang paghaplos naman ng kamay ng mga babaeng kalampungan nito sa katawan ng binata.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon