SA HULING SANDALI ay tinapunan ng pansin ni Rachelle ang kabuuan niya sa harapan ng salamin.Unang araw ng pagiging mag-on nila ni Bimbi. Kinakabahan siya na ewan, ganoon yata talaga ang pakiramdam ng first time na magkanobyo.
Sa kaisipan na "FIRST TIME" ay tila sa salitang nabanggit ay kay Benedict naman niya talaga naranasan.
Nagpahid siya ng light make up sa mukha, maging ang buhok niya'y linagyan niya ng hairpin. Kung dati ay hindi siya nag-aayos sa pagpasok niya sa Restaurant ay iba na ngayon.
Kahit naman deal lang nila na maging sila ni Bimbi ay gusto niyang maging presentable sa harapan nito. Lalo at araw-araw ay may mga nagpupuntang babae roon na nagsasabing karelasyon ito ng binata.
Bigla siyang natigilan.
"Ang tanong Rachelle, may balak kayang ipakilala ka sa lahat ni Bimbi?"Nakataas ang kilay na tanong niya sa harapan ng salamin sa mga sandaling iyon.
Nagkibit-balikat na lamang siya ng balikat.
Akmang aalisin niya ang iniligay niyang make up sa mukha ng biglang may nagdoor bell.
"Sino kaya iyon, kay-aga naman?"Nagtatakang-tanong ni Rachelle sa sarili.
Dali-dali lumapit mula sa pinto si Rachelle. Napatulala siya nang makita niyang nakasandig si Bimbi sa gilid ng pader ng apartment niya.
Kung dati-rati ay nakasuot ito ng american suite ay tanging shirt at maong short ang suot nito ng mga sandaling iyon. Kahit hindi tignan ni Rachelle ang label ng suot-suot nito ngayon ay natitiyak niyang branded pa rin naman iyon.
Kitang-kita niya ang napaka-guwapong ngiti nito na lagi nitong ginagawa sa tuwing may babaeng umaaligid dito.
Of course sinong babae ang hindi mahuhumaling dito. Maging siya ay hindi excuse na mahatak ng kakaibang karisma nito.
Ngunit kinakailangan niyang pagibayuhin ang pagbibigay ng seguridad sa puso niya.
Sa totoo lang ay natatakot siya, hindi niya alam hanggang kailan ang deal nila. Ngunit titiyakin niyang hinding-hindi niya hahayahan ang sarili na mahulog dito.
Dahil ayaw niyang masaktan sa huli.
"Ang aga mo naman ngayon sir Bene---"
"Don't call me that way baby, magmula sa araw na ito ay baby na ang magiging tawagan natin."pagputol sa mga sasabihin pa ni Rachelle.
Natigil sa pagpasok mula sa loob ang dalaga, agad niyang hinarap ito.
"Hindi ko yata kayang sundin iyan, boss kita at tiyak magtataka ang lahat kapag iyan ang itinawag ko sa'yo sa QUIDYSABE . . "paliwanag ng dalaga. Tinalikuran na niya ito, agad na nitong dinampot ang shoulder bag na nakapatong sa lamesa sa may sala.
"So what, your my girl now. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Na ililihim ko ang relasyon natin hmmm,"anas ni Benedict. Napasinghap pa ang dalaga sa sobrang lapit na pala ng mukha ng binata sa kaniya.
"I-Iyon naman ang dapat eh, d-diba. . ."nauutal na bigkas ni Rachelle. Napalunok ng wala sa oras ito, biglang bumilis ang tibok ng puso nito ng ilapit pang lalo ng binata ang mukha niya. Anuman sandali ay magdidikit na ng tuluyan ang labi nila.
"Pwes! nagkakamali ka ng iniisip Ellechar. Ako ang tipo na lalaki magiging proud na sabihin na girlfriend na kita."
Hindi na nakapagsalita si Rachelle dahil tuluyan ng sinuwelyuhan ng labi ng binata ang bibig niya.
Ramdam niya ang malamig na pader mula sa likuran ng marahan siyang isandig ng binata roon. Ramdam niya ang kaagresibuhan nito sa mga oras na iyon.
Hinayaan naman ng dalaga na gawin nito ang gusto sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Romance"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...