CHAPTER FIFTEEN

160 4 0
                                    

NASA isang Bar sina Benedict, Sancho at Dyson ng mga sandaling iyon.

Abala ang dalawang kaibigan niya sa mga babaeng nasa tabi ng mga ito.

Maging siya man ay meron naman kapareha, ngunit wala rito ang isip niya. Ayaw niya sanang lumabas sa gabing iyon, dahil sa natuklasan niya kaninang umaga kay Rachelle.

Hindi mawala sa isip niya ang naging usapan nila ni Makoy sa babaeng pinagiinterasan niya.

"Hey Bimbi, mukhang wala ka sa mood ah,"untag ni Dyson sa kaniya.

"May iniisip lang . . ."matipid niyang sabi.

"Huwag mong sabihin ng dahil na naman kay Rachelle iyan. Pare, andami-daming babae riyan. Tulad nitong si Ashley, saka tignan mo itong si Dyson, nakalimutan na si Donabelle."pakikihalo sa usapan ni Sancho.

"Ano ba pre! huwag mo na nga pinapaalala sa akin ang isang babaeng wala naman kakwenta-kwenta!"Naiiling na sabi nito sa kaibigan.

"Si Dyson iyon, ibahin mo ako . . ."diretsang sabi Bimbi. Inisang lagok na nito ang baso na may laman na brandy ng mga sandaling iyon. Agad na siyang nag-excuse at nagpaalam na uuwi na.

"Ikaw naman pre nag-eenjoy pa tayo rito eh, uuwi ka na!"Habol ni Sancho sa kaniya.

"May aasikasuhin ako, andiyan naman si Dyson. Sige!"

Wala ng nagawa si Sancho, tanging pagtanaw na lamang ang nagawa nito sa binata. Tuluyan na itong bumalik sa kinauupuan at nagsaya kasama ang mga kapareha na babae sa gabing iyon. . .

KINABUKASAN ay maagang pumunta si Benedict sa QUIDYSABE, gusto niyang makita si Rachelle.

Kapag nakikita niya kasi ito ay sumasaya siya, parang kumpleto na rin ang araw niya.

Ngunit, dumaan na ang alas-siyete ng umaga ay walang dumating na Rachelle.

Hindi tuloy siya mapakali sa mga lumipas na sandali. Agad ng kinontak ni Benedict ang cellphone number ng dalaga, ngunit nanatiling nagri-ring lamang iyon.

Nang mag-alas-otso na'y tuluyan ng pumanaog si Benedict at nagdiretso sa may pantry.

Sabay-sabay na napatingin sa kaniyang direksyon ang buong staff nila.

"Goodmorning everyone, may nasabi ba si Ms. Madriaga bakit siya mala-late ngayon?"tanong niya sa lahat. Kitang-kita niya ang pagtitinginan ng lahat.

"Ang alam ko sir ay nagkaroon ng emergency sa Mama ni Rachelle,"sagot ni Russel.

"Okay, sige bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo,"casual na sabi ni Benedict.

Nagmadali ng bumalik sa opisina si Benedict at kinuha ang susi niya sa may drawer.

Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa may entrada ng restaurant nila.

Agad na niyang isinuksok sa ignition ang susi ng kotse niya. Mabilis niyang pinaandar ang kotse niya patungo sa apartment ni Rachelle.

Wala na siyang pakialam kung anong sabihin nito, hindi rin siya mapapakali sa kakahintay ng update sa babae kapag nasa restaurant siya. Dahil hindi man lang ito sumasagot sa tawag niya.

Tumigil muna sa isang gift shop ang binata at bumili ng chocolates at boqouet of white roses si Benedict.

Gusto niyang mapangiti ang babae kahit sa simpleng gesture niya.

"Sana nasa aparatment ka lang Ellechar,wait for me . . ."bulong ni Benedict. Maiksi nitong tinapunan ang mga binili sa babae.

Agad na nitong ipinarada sa may parking space 'di kalayuan sa kinatatayuang apartment ni Rachelle.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon