CHAPTER EIGHTEEN

132 7 0
                                    

PATULOY sa paghahalo ng sabaw ng adobong Manok sa kaserola si Rachelle ng mga sandaling iyon.

Nang maramdaman nito ang masuyong pagyakap sa kaniya ni Benedict mula sa likuran.

"Ang bango naman niyan Baby."papuri ni Benidict na inaamoy-amoy pa ang leeg ni Rachelle.

"Ano ba itong adobong manok ko ba talaga ang inaamoy mo o iyang leeg ko!"Nakikiliting suway ng dalaga na medyo lumayo sa binata. Dahil patuloy nitong inaamoy ang leeg niya.

Pero lalong hinigpitan ni Benedict ang pagkakahapit sa beywang ni Rachelle.

"Same Baby! parehas kayong mabango ng niluluto mo. . ."malagkit ang pagkakatitig na sabi ng binata sa kaniya.

"Kaya nanaba ka, baka tumagal wala ng magkagusto sa'yo niyan kasi over weight ka na!"Kantiyaw ni Rachelle rito.

"Nah! I don't care baby, as long you're with me. Maglaway sila!"

"Ganoon! ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo ano! Bimbi!"Naiiling na sabi ni Rachelle na kumuha na ng mga mangkok at kubyertos na gagamitin nila sa hapunan.

"Ayun! Kainan na!"Nasisiyahan sigaw ni Benedict.

Sa mga lumipas na Linggo ay madaling nakabisado ni Benedict ang kabuuan ng apartment niya. Alam na nito kung saan nakalagay ang ilang basic na kasangkapan na ginagamit niya sa pagluluto. Kaya hindi na siya magtataka sa naging desisyon nito.

"Sigurado ka na ba na dito ka na titira sa apartment ko?"Tanong ni Rachelle habang nilalagiyan nito ng kanin ang plato ng binata.

"Oo naman baby, para lagi na tayong magkasama."kumindat-kindat pa ito sa kaniya.

"Baka naman kasi ay napapagod ka ng pumunta dito. . ."biglang nasabi ng dalaga na ikinatigil naman ni Benedict.

"Huwag mo ngang sabihin iyan Baby, kahit na kailan ay hinding-hindi ako mapapagod sa'yo. . . "puno ng sinseridad na sabi ni Benedict na sinubuan pa siya nito.

Napangiti naman si Rachelle at ipinagpatuloy nila ang pagkain sa mga sandaling iyon. . .

MADALING-ARAW na, ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Benedict.

Paano ba naman kasi, maalinsanagan. Ang maliit na bentelador na siyang nag-iisang bagay na nagbibigay hangin sa buong silid ng nobya'y tila walang silbi ng mga sandaling iyon.

Agad umikot ang binata paharap sa nobya na mahimbing ng natutulog.

Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng babae, ang labi nitong lagi niyang hinahanap sa tuwina kapag nasa restaurant siya.

Akala niya kanina ay hindi ito papayag sa mga gusto niya. Titira na siya sa apartment nito at ang request niyang titigil na ang babae sa pagtratrabaho sa QUIDYSABE, dahil mas okay kung siya na lamang ang magtratrabaho.

Dahil ang totoo'y may plano na siya. In the meantime ay inaayos pa niya ang ilan sa mga dapat pa niyang tapusin bago niya maipakilala sa lahat si Rachelle.

Sisiguraduhin niyang hindi na ito makakahindi sa araw na kung kailan ay ipapakilala na niyang girlfriend ang babae sa lahat.

Bigla siyang natawa ng marinig niya ang pag-ungol at patuloy na paghilik ng babae.

Isang masuyong halik sa noo ang ibinigay niya rito. Kinumutan na niya ito, kasabay niyon ang pagyakap ni Bimbi sa katawan ni Rachelle.

"Magmula sa araw na ito Rachelle, ipinapangako kong magiging masaya ka. Na wala ng makakapaghiwalay sa atin. . ."anas ni Benedict.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon