PATULOY lamang sa mabilis na pagsusuot si Benedict ng polo shirt ng mga sandaling iyon.Katatawag lamang ni Vrenc ang taong kinuha niyang mag-imbestiga ng tungkol sa kinaroroonan ni Rachelle.
"Are you sure na pupuntahan mo talaga si Rachelle sa Tarlac iho?"Tanong ni Senyora Krisanta na nakaupo sa duluhan bahagi ng kaniyang kama.
"Yes Mamita, sa totoo lang excited na akong makita siya at ang baby namin. . . "walang-ligoy na sagot niya sa abuela.
"Nakalimutan mo na ba ang pangiiwan niya sa iyo? Nakakatiyak ka ba talaga na sa iyo ang ipinanganak niyang bata. Baka naman ay sa ibang lalaki ang---"
"Mamita!"Eksharadong putol ni Benedict sa iba pang sasabihin nito.
"Oh! Sorry apo, I'm just stating a fact. Malay mo hindi lang ikaw ang lalaking kinakalantare niya."pagpapatuloy nito.Nasa tono pa rin ng matanda ang hindi pagsang-ayon.
Agad naman nilapitan ni Benedict ito at inakbayan si Senyora Krisanta.
"Mamita, kahit naman iniwan ako ni Ellechar ay nakatitiyak ako lamang ang nakakasiping niya."seryuso at sigurado niyang sabi.
"I can't believe it! iniwan ka na nga't niluko ay nakakaya mo pa rin siyang ipagtanggol!"
Agad naman nag-iwas ng mukha si Benedict. Sa totoo lang ay hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit kaydali niyang tanggapin ang mga nangyari sa pagitan nila ng babae.
"Umaasa ka pa rin ba Bimbi na magkakabalikan kayo kapag nagkita kayo?"Diretsang tanong ng matanda.
"I don't know Mamita, s-siguro naman walang masama hindi ho ba at lalo dahil may anak na kami."nakangiting tugon ng binata.
"Iyon na nga eh, hindi ka ba nagtataka na kaydali-dali ka niyang iniwan dati. Dahil hindi ka naman niya minahal, why can't you realize that iho! I want you to be happy apo. B-Bago sana ako mawala rito sa mundo. . . "malungkot nitong sabi.
Isang matipid na ngiti at mahigpit na yakap ang itinugon ni Benedict sa abuela niya.
"Mamita, matagal ka pang mabubuhay! Ayaw mo niyon may apo ka ng iuuwe ko rito sa mansyon pagkatapos. Huwag kang mag-alala, Castellejo ako. I will do everything to make me fall for me the mother of my child, pangako ko iyan!"Isang kindat ang ginawa nito at maiksing halik sa pisngi niya ng abuela.
"Hay naku! bahala ka na nga! sige-sige kapag napatunayan natin sa DNA testing na isasagawa sa batang iyon na ikaw nga ang ama ay doon lamang ako kakalma at matutuwa! Kaya bilisan mo lang. Dahil gusto kong makauwi ka agad dito."hindi pa rin tuluyan nakukumbinsi si Senyora Krisanta, ngunit napahinuhod na rin ito pagkatapos ng ilan pang pag-uusap sa pagitan nilang dalawa.
"Sige na Mamita, baka maipit ako sa traffic at baka abutan pa ako ng gabi sa daan pauwi rito sa Manila."wika ni Benedict at tuluyan kumalas sa yakap ng abuela.
"Halla sige! sana pagpalain ka ng panginoon Diyos at patnubayin ka sa iyong pupuntahan. . ."huling pangungusap pa ni Senyora Krisanta kay Benedict.
TULUYAN itinigil ng binata ang sinasakiyan sa tabi ng highway. Nagkandaligaw-ligaw pa siya, mabuti na lamang at may nagturo sa kaniya ng tamang daan.
Iba't ibang pasikot-sikot ang dinaanan pa niya bago siya makarating sa mismong kubo, kung saan naninirahan si Rachelle at ang batang pinaghihinalaan niyang kaniya.
Agad na siyang bumaba makalipas ang ilang minuto na pinagmamasdan niya ang harapan ng kubo.
Kitang-kita niya ang kakahuyan sa palibot, sa dako roon ay isang gabundok na dayami na may usok. May mga manok at kambing sa paligid.
BINABASA MO ANG
Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)
Romance"Ako iyong taong pupuno sa pagkukulang at tatanggap sa buong pagkatao mo..." -Benedict Castellejo Playboy Meets The Unwanted Girl (PUBLISHED UNDER CHAPTERS LOVE PUBLISHING HOUSE) Babz07aziole Romance Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang...