CHAPTER THIRTY TWO

406 5 3
                                    


NAGYAKAP ng mahigpit si Makoy at Rachelle ng mga sandaling magkita sila nito.

"Long time no see ah, Uling! Wow! Mukhang big time ka na ngayon."Tuwang-tuwa na sabi ng binata habang tinititigan nito mula ulo hanggang paa ang matalik na kaibigan na malaki na ang ipinagbago.

"Ano ba! Hindi naman. . . pagbilhan mo nga ako ng dalawang balot,"agad niyang sabi.

Sa dalawang taon na nawala siya ng Bansa ay namiss niya ng sobra ang pagkain niyon.

"Sure bestfriend!"

Mabilis naman kumuha ng dalawang balot ang binata sa loob ng styro box na naglalaman ng mainit-init pang benta niya.

Kitang-kita niya ang naglalaway na itsura ni Rachelle.

"Naks! mukhang naghahanda ka sa isang bakbakan huh!"si Makoy na aliw na aliw habang binubuksan nito ang isang ibinigay niyang balot.

"Sira! Siyempre namiss ko 'tu loko!"pagsasalita ni Rachelle sa pagitan ng pagnguya niya.

"Ganoon ba bestfriend, baka naman naglilihi ka na?"sambot pa nito.

"Hindi ah!"malakas niyang deny.

"Kumusta na pala si boss Bimbi?"Usisa ni Makoy.

Bigla naman natigilan si Rachelle sa ginagawang pagkain. Tila may bumara sa lalamunan niya ng mga sandaling iyon.

"H-Hindi ko alam, matagal na akong walang balita sa kaniya. . . isa ngang buko juice."sagot niya.

"Ah ganoon ba, alam mo bang matagal ka niyang hinanap Uling. Sabi kasi ng mga kasamahan kong tindero na nanatili rito sa harapan ng Baclaran ay ipinagtanong-tanong daw ako ng ex fiance mo rito para makibalita sa'yo . . ."pag-she-share ni Makoy kay Rachelle, tuluyan na nitong ibinigay ang inumin sa kaniya.

Hindi naman nakaimik ang huli, hindi niya alam ang isasagot sa mga sinabi ng kaibigan.

"Mukhang mahal na mahal ka pa rin niya Bestfriend, nakikita ko rin lagi na nagpupunta rito ang anak mong si Herschel . . "tuloy-tuloy pang pagbabalita ni Makoy.

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay tila napuno ng kakaibang kasiyahan ang dibdib ni Rachelle. Lalo tuloy siyang nangulila sa anak niyang matagal ng hindi nakasama.

"T-Talaga Makoy, k-kumusta naman ang a-anak ko. A-Ano ang itsura niya, m-mabait ba siyang bata?"sunod-sunod niyang pagtatanong.

Sasagot pa sana si Makoy ng bigla ay dumami na ang mga costumer niya.Kaya upang hindi na siya maasikaso nito.

Isang kaway na lang ang ginawa ni Rachelle. Muli siyang nagbalik sa pinagparadahan ng kaniyang kotse. Tinapunan niya ang relos na suot-suot ng mga sandaling iyon.

Ngunit nagtaka siya ng makarinig siya ng iyak ng isang batang babae mula sa 'di kalayuan na nakaupo.

Wala sa sariling nilapitan iyon ng dalaga.

"What's the matter baby girl?"Tanong niya rito. Yumukod siya upang mahaplos niya ang ulonan nito.

Agad itong tumingala sa kaniya, parang lumukso ang puso niya pagkatitig niya sa mala-anghel na mukha ng batang kaharap.

"N-Nawawala po ako. . ."samo nito na agad itong yumakap sa mga tuhod niya.

Tila hinaplos ng mainit na kamay ang puso ni Rachelle.

"Hindi mo ba alam k-kung saan mo huling nakita ang kasama mo iha?"patuloy na pagtatanong niya rito.

Iling lamang ang ginawa nito.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon