CHAPTER TWENTY SIX

147 4 0
                                    

AGAD na sinaluduhan ni Mang Danilo si Benedict ng mga sandaling iyon. Mabilis siyang pinagbuksan nito ng screen door ng QUIDYSABE.

Matipid lamang na nginitian ito ng binata. Kitang-kita niya ang napakaraming tao sa loob ng restaurant. Nagkalat ang iba't ibang palamuti sa paligid. May hugis pabilog, oblong, flower, heart shape na mga lobo. Magkakaiba rin ang mga kulay ng bawat desinyo. Ang harapan kung nasaan ang stage ay naroon ang isang LCD screen na kahigante ang laki ay halos sakupin ng isang litrato ng isang taong gulang na batang lalaki. Anak lang naman ni Dyson sa napangasawa nitong si Donabelle, halos isang taon na rin kasal ang mga ito. May dalawang clown at ilang mascot na guest ay busy na nagpe-perform sa harapan. Sa kabilang banda ay mga buffet table na naroon, galing sa isang sikat na catering sa Maynila.

"Happy first birth day baby boy!"Agad na bati ni Benedict sa bata na mataman siyang pinagmasdan. Tila kinikilala siya ng mga sandaling iyon.

"Ang cute! cute! naman. Saan ka ba nagmana?"Magiliw niyang sabi matapos niyang buhatin ito mula sa pagkakahawak ng ama nito, nagmake face pa siya sa harapan ng bata. Upang tuluyan mapahagikhik ito.

"Siyempre, kanino pa ba. . .of course sa akin!"Nagmamalaking sabat ni Dyson.

"Hep! Hep! Ikaw ba ang nagluwal? Ako ang kamukha ni Baby Danison!"Pamamagitan naman ng misis nito.

"Grabe siya, porket ikaw ang nanganak. . ."

"Aba! Bakit papalag ka!"Nakataas ang kilay na sabi ni Donabelle na nameywang pa sa harapan ng asawa nitong pakamot-kamot sa ulo.

"Naku! Si Darling talaga! mainit na agad ang ulo. . . Oo na ikaw na ang kamukha, relax baka makasama sa Baby girl natin!"Masuyo nitong bulong saka panay na ang himas sa maumbok na nitong tiyan.

Buntis na naman ito sa ikalawang pagkakataon.

Inaakala nila na napipilitan lamang si Dyson na magpakasal sa babae. Ngunit maling-mali sila, dahil nagpapakipot lang pala ang loko. Nagulat pa sila ng i-anunsiyo nito sa isang media talk show noong nakaraang taon ang pagpapakasal nito kay Donabelle. Kitang-kita sa itsura nito ang kaligayahan.

Nang makuha ng babae ang bata ay agad na siyang hinila ni Dyson sa loob ng office nila. Napaatras pa silang dalawa matapos nilang mabuksan ng kaunti ang pinto ng makarinig sila ng sunod-sunod na ungol at kakaibang ingay sa loob.

"Shit! nakita mo 'yun pre?"si Dyson sa nanlalaking mga mata.

"Oo naman hindi ako bulag!"tugon naman ni Benedict.

Bigla silang natahimik parehas ng nagmamadaling lumabas si Betty ang assistant manager ng QUIDYSABE na nakayuko, kasunod nito si Sancho na kasalukuyan isinu-suot lang naman ang belt.

"Oh! may kailangan kayo?"Tanong ni Sancho na hinihingal pa ng mga sandaling iyon.

Isang mahinang suntok sa sikmura at batok lang naman ang nakuha nito kina Benedict at Dyson.

"Aray! Aray ko! Ano bang problema niyo! Ngayon na nga lang tayo nagkakasama kasi antagal niyong hindi napadpad dito sa restaurant natin tapos ganito lang? ganito lang talaga ang isusukli niyo sa pagmamanage ko ng business natin!"Sunod-sunod na bulalas ni Sancho.

"Iyon nga eh! Valid naman kami kung saan kami naging busy. Tapos pagbalik namin may niluluto ka na palang kalokohan! Ang galing mo rin. Akala namin biro lang iyong sinabi mo dati!"si Dyson na hindi makapaniwala sa nakita.

"Diyos ko naman Sancho! Pati ba naman si Betty isinama mo pa sa listahan mong babaero ka!"Palatak ni Benedict.

"Akala niyo naman kung sino kayong magsalita! Naging playboy din naman dati kayo! Ang kakapal ng pagmumukha niyo! Saka hoy! hindi ko gusto ang mga tono niyo! For your information ay magsi-six months in a relationahip na kami ni Betty. Kahit ipagtanong niyo pa sa lahat ng mga staff crew natin dito sa QUIDYSABE!"Mabilis nitong paliwanag sa dalawa matapos na sumunod ang mga ito papasok sa loob ng office nila.

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon