CHAPTER TWENTY FIVE

122 2 0
                                    


NINE MONTHS LATER. . .

HINDI aakalain ni Rachelle ganoon na kabilis lumipas ang mga panahon.

Para sa dalaga ay tila kahapon lang ng huli silang magkasama ni Benedict.

Naroon siya sa tulay kung saan tanaw na tanaw ang dagat sa karagatan. Kapag nalulungkot siya at naalala niya ang nakaraan kung saan masasaya at hindi malilimutan mga alaala sa piling ng pinakamamahal niyang lalaki ang nagsisilambayan sa kaniyang guni-guni.

Aminin niya man o hindi ay lungkot na lungkot pa rin siya sa mga nagdaang Buwan. Sa araw, linggo na rumaan ay parang gusto na lamang niyang bumalik sa Maynila. Pero sa huli'y tinatalo siya guilt ng mga sandaling iyon.

Napapikit ng marahan si Rachelle ng maramdaman niya ang pagsipa ng sanggol sa kaniyang tiyan.

Sa kaalaman na ipinagbubuntis niya sa ngayon ang anak nila ng lalaking pinagbigyan niya ng lahat-lahat ay tila pinupuno ng samo't saring emosyon ang kaibutoran niya.

"Ikaw ba, Herschel . . . Namimiss mo ang Daddy mo?"Walang anu-anong tanong ng dalaga sa may kalakihan na ng tiyan matapos niyang himasin iyon.

Ramdam niya ang paggalaw nito sa loob-loob. Sa tuwing nararamdaman niya ang bata sa sinapupunan niya ay nabibigyan na siya ng lakas ng loob para magpatuloy. Wala man sa tabi niya si Benedict ay mananatili ito sa puso niya, dahil dala-dala niya ang nag-iisang alaala ng pag-ibig nito sa kaniya--- iyon ay ang anak nilang si Hershel.

"Uling! Ayna! balasang tattay ka pay sapsapulin, dattuy ka lang gayam."(Uling! Hay naku! anak kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala.)tinig ng tiyahin niyang si Minang.

"Sensiya ante binuyak lang ngamin ajay panaglubog iti araw."(Pasensiya tita pinanuod ko lang iyong paglubog ng araw) agad na paliwanag ng dalaga na nangiti sa napalapit na matanda.

"Umay kattuyin garudin, adda bisitam. Agur-uray ijay balay. . ." (Kaya halika na, may bisita ka. Naghihintay sa bahay. . .)

Bigla naman kinabahan si Rachelle na hindi mawari, tila hindi naman nakatakas sa pansin ng matandang tiyahin ang reaction niya.

"Neh! apay nay Uling! Apunayin ya, apay iti ammum ni sweetheart mo ti immay? Aruuh! mailiw kan san ah! Kailan ngamin umay isuna dittuy Tarlac? Uray anya na aldaw ki mabalin ka aganakin!"(Oh! Bakit ngay Uling! ayan na! Bakit akala mo si sweetheart mo ang dumating? Ayee! namimiss mo na yata ah! Kailan ba kasi siya pupunta dito sa Tarlac? Kahit na anong araw ay pwedi ka ng manganak!)Naaliw na sabi nito na tinapik-tapik pa ang balikat niya.

Pilit na ngiti naman ang itinugon ni Rachelle nag-umpisa na silang maglakad pabalik sa dampa nila. Sa totoo lang ay walang kaalam-alam sa katotohanan ang tiyahin niya. Ang alam nito ay sila pa rin ng ama ng ipinagbubuntis niya. Na balang-araw ay pupuntahan siya nito at kukunin.

"Halla sige! intayun agur-uray ni Makoy idjay balay nagado pasalubong na kaniyam ajay tao. Nu madik ammu na habali iti nakasikug kaniyam anak ko. Baka panunutik na isuna iti ama ki."(Siya sige! Tara na naghihintay si Makoy sa bahay madami siyang pasalubong sa'yo iyong tao. Kung hindi ko alam na iba ang ama ng dinadala ng ipinagbubuntis mo ay iisipin ko na siya ang ama)patuloy na pagdadaldal ng makuwela niyang tiyahin.

"Anyamettin Ante! Best friend ko lang isuna, hanggang idjay lang. Saka baka malpas ak aganak ki kadwak 'tu isuna agpamanilan. Tapnu makabirok ak iti trabaho kin makaumpisa ak sapulin iti tatang kon,"(Ano ba 'yan Ante! Best friend ko lang siya, hanggang doon lang. Saka baka pagkatapos kong manganak ay kasama ko na siya magpa-Maynila. Para makahanap na ako ulit ng bagong trabaho at makapag-umpisa na rin akong maghanap sa ama ko)

Playboy Meets The Unwanted Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon