KAPITULO 10

896 33 3
                                    

The next days went by so fast. I didn't even notice it was already a week after that day in Gaisano. Saturday na ulit ngayon, bukas na ang party ni Leana Calderon.

Well, ngayong araw ang birthday niya. She sent me the details of it. Aalis bukas ang Papa niya kasama ang kaniyang Stepmother para sa isang business trip at napakiusapan na gumawa ng party bukas as a celebration. Kaya hindi naman siguro formal bukas.

I appreciated how Leana took the effort for me to be there. Kaya nakakahiya ring tumanggi.

"Ate, hindi nga ako ang nagugustuhan." tanggi ko.

I was in a panic when I realized I didn't have anything to wear for the occasion. Lalo na't wala naman akong magarang damit sa bahay. Nakwento ko kay Ate Violet kaya nagpresinta siya na pahihiramin nalang ako.

"I know too well what those kinds of stares mean, Katalina. Kung tumingin siya sa'yo..." sinipat niya ako ng makahulugan.

Nandito ako ngayon sa bahay ng boyfriend ni Ate Violet. Americano. Noong una, nagulat pa ako nang malaman na may boyfriend na pala siya at kasama niya pa sa iisang bahay. Hindi naman kasi siya nagkukwento sa Solace ng tungkol sa mga ganito.

Their house was quite large. But it wasn't that huge, 'di tulad ng mga usual na bahay ng mga mayayaman dito sa Masbate. Pero dahil sa mga muwebles na makikita mo pagpasok, alam mo na agad na hindi basta-basta ang may-ari. The design and the whole vibe inside is very intricate. Medyo tropical din.

Ang mga aranya sa paligid, kahit ang mga alpombra ay hindi pangkaraniwan.

Ate Violet said her boyfriend is a retired military who wants to spend his remaining years in a small town. Who happened to be here in Masbate. Where he met Ate Violet.

I wasn't really sure how they met. Kung sa club man, o sa kung saan, hindi ko na binalak na tanungin pa.

"Explain mo nga saakin kung bakit ka niya hinahatid at sinusundo?"

I sighed harshly. "Kasi nga, pinakiusapan ni Herrun-"

She scoffed. "That's so lame! Halata namang gumagawa lang siya ng paraan para makasama ka. Hindi mo namamalayan na pinagsasamantalahan na niya ang pagkakataon..." she smirked victoriously. "And you're not even aware of it."

"Ewan ko sa'yo."

She laughed about my response. Umalis siya mula sa pagkakasandal niya sa hamba ng pinto ng kwarto niya. She crossed her arms.

"Nando'n ba 'yon bukas?"

I was still hesitant if I should tell her. Kasi baka asarin niya na naman ako ulit. But I still ended up telling her the truth, though.

"Baka." I answered in a small voice.

Pinungay niya ang kaniyang mga mata. She nodded slowly.

"Sabagay, nando'n ka rin kasi. Sayang ang pagkakataon kaya malamang sa malamang dadalo rin 'yon." napairap nalang ako. "Sigurado akong magpapagwapo 'yon..."

"Ate, malamang pupunta 'yon kasi birthday ni Leana Calderon. Family friend ng mga Tarraniaga, kaya bawal talaga na hindi siya dumalo."

"Hindi naman 'yon formal, e. Usual party lang. At nasabi mo na wala naman doon ang parents ng kaibigan mo." pumalatak siya. "Dapat maganda ka bukas. Ako na rin ang gagawa ng make-up mo, ha."

Lumapit siya sa aparador sa sulok at kinuha mula roon ang isang susi. She had a mini walk-in closet connected to her room, binuksan niya 'yon at sabay kaming pumasok.

We spent an hour or two just to look for an outfit. We did some fitting. She suggested some sexy outfits but most of it, I declined. That's why it took us so long. She would make me try some semi revealing outfits, which I'm not comfortable with yet. 'Tsaka, baka mapatay ako ni Mama kapag makita akong suot ang mga 'yon.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon