This is the first entry for Tarra Garra Series. I'm a very impulsive author so please bear with me hehehe.
Who's Beneath the Dance Stage.
This story is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, and incidents are either products of the author's imagination or fictitious. Any resemblance to an actual person, living or dead, and actual events are purely coincidental.
UNA
"Sige, break muna tayo. Ten minutes lang! Kailangan nating tapusin 'to ngayon, e. May dalawa pa tayong hindi natatapos." napangisi ako nang marinig si Hanna, ang team leader namin sa dance troupe.
Narinig ko ang saya sa mga kasama dahil sa wakas ay makakapagpahinga na rin kahit sandali lang. We all hunkered above the dance stage tiredly after her announcement. Ang iba ay nagsimula nang magusap-usap.
Kanina pa kaming ala-una rito sa auditorium para mag-practice ng una naming sayaw. We had to dance to three songs for the program, so we had to hurry. Medyo malayo pa naman ang foundation ng school pero dahil tatlong sayaw ang gagawin, mas mabuting ngayon palang ay simulan na. Since some of the members have problems with memorizing, we started early.
Natanaw ko sina Yuna at Calli na nag-uusap at nagtatawanan sa baba. Si Herrun naman ay may kinakalikot sa phone pero bumaba na ako mula sa stage para lumapit. Nang makaupo, inabot ni Herrun ang isang bottled mineral water sa akin na kaagad ko rin namang pinanghalatian.
Herrun groaned at sight, "Uhaw na uhaw, ah. Cute mo. Mukha kang bisugo..."
I looked at him blankly, and I ignored him.
"Ba't nandito pa kayo?" hinarap ko sina Yuna at Calli sa tabi ko. "Malapit nang mag-six, wala ba kayong curfew?"
Calli shrugged beside me, she played with her lips, and she hid some strands of her hair behind her ears, "Nagpaalam na ako na manonood sa practice mo, e. Kaya mamaya pa ako susunduin ng driver namin." she smiled.
Binalingan ko si Yuna. "Ikaw? Strikto ang landlady mo 'di ba?"
"Sasabay ako kay Calli, Kat. Maaga pa naman."
Tumango ako at sunod na pinagtaasan ng kilay si Herrun. Nakadekwatro siya at nakangisi nang malingunan ko. Nakatingin parin siya sa phone niya. Paniguradong may nilalandi na naman. Hindi pa nadala sa nangyari kahapon, napahiya dahil binasted ng niligawan. Sa quadrangle pa naman, siya tuloy ang pinag-uusapan ng lahat ngayong araw.
"Ikaw?"
Mabilis siyang tumingin sa akin at itinago ang phone sa bulsa. "Ihahatid kita. Delikado na ang mga tricycle ngayon lalo na't padilim na." he raised both his brows for a couple of times before he took a glance at the school's auditorium. "Tsaka, mukhang wala pang balak si Hanna na pauwiin kayo."
Tumango ako. "Kailangan habulin, e. Malayo pa ang foundation, pero karamihan sakanila ay mabu-busy sa clubs nila kaya sinimulan na namin."
"'Di ba nakapasa kayo sa audition niyo sa battle of the bands, Kat? Ilang months nalang, final competition na no'n. Hindi ka ba napapagod?" saad ni Yuna.
I sighed. Pagod din naman ako sa totoo lang. Bukod kasi sa dami ng gawain sa school, kasali pa ako sa dance troupe ng eskwelahan at vocalist/keyboards sa banda namin nina Herrun. Tapos, mayroon din akong tatlong oras na shift sa isang club sa Talahib kapag weekdays.
Pero hindi ko naman 'yon pinagsisisihan. Sumali ako sa banda at dance troupe dahil gusto ko. Mahilig akong sumayaw at kumanta kaya naging libangan ko na rin. Ayos lang din sa night shift ko dahil nakakatulong ako kahit papaano kay Mama sa mga gastusin.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Novela JuvenilKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...