Isang oras o higit ang itinagal ng unang simbang gabi. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses nang nagtama ang tingin namin ni Ikarus.
Isa siya sa mga tumutugtog sa harap. Gitara ang hawak niya. Mayroon din ng sa piano at nakahanay naman sa harap nila ang mga kumakanta.
Si Agatha nga ay naguguluhan na saakin. Bumulong na siya kung bakit ba ako tingin ng tingin at kung anong hinahanap ko. Sinasabi ko lang na nakikinig ako sa commentator kahit sa likuran naman ang tanaw ko.
We left the church right after the Mass. The sun was already rising as we walked by the small pathway beside the big church for the prayer chapel. Nagyaya si Leana saamin na pumunta ro'n.
May myth kasi sa prayer chapel ng St. Anthony of Padua Cathedral, na matutupad daw ang hiling mo kapag mag-wish ka ro'n. Kaya gusto ngayong pumunta ro'n ni Leana dahil may hihilingin.
Actually, maraming pumupunta ro'n kahit naman school days. Mostly, mga broken hearted daw, nanghihingi ng gabay sa prayer chapel. Kaya nga rin nakakaasiwa na minsan bumisita sa chapel kasi iisipin na ng makakakita sa'yo na brokenhearted ka rin kapag pumasok do'n.
Madalas mga senior citizens ang pumupunta roon para magdasal. Marami parin namang estudyante ang pumupunta, pero siguro paunti-unting tumitigil na ang iba sa pagbisita dahil sa reputasyon nga.
Pinag-isipan ko rin 'yon kanina. What would I wish if I'm given a chance? Sa prayer chapel kasi, pwede ka raw mag-wish.
Na-realize ko na wala naman talaga akong masyadong hinihiling sa ngayon. I mean, we're still poor, pero kahit papaano ay nalulunasan naman. Nakakakain parin naman kami tatlong beses sa isang araw. Hindi ko alam kung dahil ba sobrang matipid kami o masipag. Siguro iwi-wish ko nalang na sana maging scholar ako 'pag college. Mas cheaper kasi 'yon lalo na't gusto ko sanang mag-University.
Tatlo kaming pumunta ng prayer chapel. Since sa Liceo de Masbate nag-aaral si Leana, their school is just beside the Cathedral, wala na sakanyang malisya na pumunta ng prayer chapel. Even after its stained reputation made by the other schools.
Hindi ko alam pero palaging may competition sa mga schools dito. Ang mga students mismo ang gumagawa. Nagpapagalingan kung anong mas magandang school. It's absurd and just pure immaturity.
Si Leana, ipagdadasal daw ang kaniyang Lola. Si Agatha naman, well, according to her, ipagdadasal daw na bumalik dito si Santhiago Contreras. Gaga rin, e.
After praying, we all left the small chapel. May mga nagro-rosary din kasi sa loob at baka maistorbo pa namin.
Two storey building ang kinalalagyan ng praying chapel, sa likod lang ng Cathedral. Nasa second floor ang chapel at sa baba naman nito ang quarters para sa mga servers at gano'n din para sa mga sakristan.
Tumambay kami sa azotea sa sulok. We admired the beauty of the sun rising. Medyo mahamog dahil sobrang aga pa kaya malamig ang klima. Mabuti nalang dahil naka-maxi dress ako at may dalang cardigan.
"First time kong pumasok ng prayer chapel. May malisya na kasi kapag pumasok ka do'n, nahihiya tuloy akong bumisita." si Agatha.
"Mas nakakahiya ang hindi nagdadasal." bara sakanya ni Leana.
Sabay kami ni Agatha na napataas ang kilay at nanlaki ang mata.
Agatha stood up from her chair offendedly.
"Wow, sa'yo talaga galing 'yon, Calderon? E, kanina nga, inabangan ko kung mangingisay ka kapag matamaan ng agua bendita."
Leana rolled her eyes playfully. "Religious na ako, 'no!"
"Parang hindi ka dakilang escaper noong elementary." natawa ako kay Agatha dahil sa bulgar niyang pananalita. "Just make sure you're not doing all of this in favor for your boy. Sinasabi ko talaga sa'yo, magpapari si Lorenzo."
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...