KAPITULO 11

806 34 9
                                    

Bumalik ako ng kusina na nakatulala. Iniisip ko ang nangyari. Pulang-pula pa ang mukha ko ngayon habang bumabalik sa paghihiwa.

My gosh! Ang pangit-pangit ko kanina! Basta-basta ko lang tinali ang buhok ko dahil magluluto lang naman ako. Spaghetti strap top lang din ang suot ko. Nakakahiya!

Ano kaya ang iniisip ni Ikarus gano'ng sigurado akong nakita niya ang itsura ko bago ko napatay ang tawag? I bet he's laughing now. Bad trip!

"Sino ang tumawag, Ate?" rinig ko si Harper.

Nakalabas na siya ng banyo nang tignan ko siya. Hawak-hawak na niya ang phone niya at chini-check 'yon. I told her it was her phone ringing.

"Ang saakin pala ang tumutunog. Akala ko sa'yo." pinagpatuloy ko na ang paghihiwa ng sibuyas.

Lumapit saakin si Harper. Mukhang naiinip. She sat on top of the bar counter, pinanood niya akong magluto habang pinaglalaruan ang sariling buhok.

"Sino ang tumawag sa'yo?"

Tumikhim ako. I looked at her, casually.

"Si Yuna. May tinanong lang."

"Anong tinanong?"

I looked at her in a ridiculousl way. "Bakit mo tinatanong? Kailangan ko pa bang sabihin kung anong sinabi?"

"Sorry. Mema lang." she pouted. Pumalatak siya at pinaglaruan na ngayon ang kaniyang kuko. "At akala ko... si Kuya Ikarus ang tumawag."

Natigilan ako ng konti. I just sighed. Tinapos ko ang paghihiwa ng sibuyas pagkatapos ay iginisa roon ang dalawang de latang corned beef. Nagluto rin ako ng pancit canton.

"May tini-text ba sa'yo si Ikarus? Simula noong sem break?" tanong ko.

Kinuha niya ang bowl kung saan nakalagay ang corned beef. Ako naman ang nagdala ng pancit canton pabalik ng sala.

"Huh? Hindi naman nagte-text 'yon. Ako ang nagte-text pag magpapatulong."

Dahan-dahan akong tumango. Nahihiya parin naman ako dahil kinukulit siya ng kapatid ko sa mga assignment. Hindi 'yon sabay sa deal namin. Pero mas nahihiya ako sa nangyari kanina. Nagkukumahog pa ako para maibaba lang tawag.

Ano kaya ang kailangan niya kaya siya tumawag kanina? Napindot niya lang ba 'yon? Aksidente? Ang daming tumatakbo sa isip ko.

Hanggang sa bumalik na kami sa panonood ni Harper ng isang horror movie, binagabag parin ako ng isipan ko. Halos wala akong maintindihan sa pinapanood namin dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano.

Si Harper sa tabi ko ay halos mamatay na sa takot habang ako ay wala manlang reaksiyon.

I blankly looked at my phone. Bukuntong hininga ako bago binuksan 'yon. Nakita ko ulit ang tawag ni Ikarus sa convo. Tumagal lang 'yon ng tatlong segundo. Ch-in-at ko na para mawala na sa isipan ko.

Ako:

Bakit ka tumawag?

Ako:

Sorry, binaba ko. Nagluluto kasi ako kanina.

Nag-seen siya kaagad. Kakasend ko palang ng pangalawang beses, naka-reply na siya agad.

Ikarus:

Pasensiya na kung nakaistorbo ako.

I sighed heavily again. Feeling ko nga rinig na 'yon ni Harper sa sobrang bigat. Pero mukhang mas focused siya sa movie.

Ako:

Okay.

Ako:

So, bakit ka tumawag?

Pinatong ko muna ang phone ko sa center table. Kumain ako saglit. Alam kong naka-reply na siya dahil nakita ko sa notification, pero sinadya kong hindi muna tignan para hindi niya isipin na nag-aabang ako.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon