"I really like her fashion sense. The way she dress is so natural. Mas maganda pala siya sa personal." si Calli.
She's talking about a woman, in her twenties, from the other table. Turned out, the woman she was talking about is a famous celebrity-fashionista in Manila. Hindi ko lang sure kung anong koneksiyon niya sa pamilya Tarraniaga.
Nandito na kami ngayon sa table namin, at malapit saamin ang mesa ng babae na pinag-uusapan nila. Kasama ko si Yuna, Calli at Herrun sa table. Ako lang ang hindi nakakasali sa usapan dahil ang daming dumadaan sa isipan.
Nasa maliit na platform naman ngayon si Charito Tarraniaga. Everyone was listening to her with her opening remarks, pero kaming apat ay walang tigil sa usapan.
"I could get you to talk to her." suhestiyon ni Herrun. Pagod lang siyang nakasandal sa upuan niya at tahimik na nagmamasid sa paligid. Paminsan-minsan ay sumusulyap kay Yuna.
"Really? Sige!" Calli was so excited. "It would be nice to have a picture with her! I-tag ko siya sa Instagram kung magkataon."
"Famous ba 'yan? Bakit gano'n, hindi saakin pamilyar, beh." tanong ni Yuna.
"Not super. She's laying low in the industry these past years, e. But she has almost five million followers on Instagram."
"Kaano-ano niyo, Herrun? Family friend?" baling ni Yuna kay Herrun na nasa tabi.
"No. She's either Tito Sancho's friend or girlfriend." napabaling agad ako kay Herrun dahil sa sinabi. I don't know, but I became intrigued. "Lola seems to fancy her so much, though. I wouldn't be shocked if she'll someday announce about that woman and Tito Sancho's engagement."
"So... girlfriend nga ng Tito Sancho mo?" tanong ko.
"Tito rarely shares things going on about him. He never told anyone his relationship with that woman, if he has, aside from being a friend or a common family friend. Pero madalas silang makitang magkasama. I guess, special someone?"
"Sayang naman! Girl crush ko pa naman 'yan. I thought she'll going to be single for life. She's a feminist and a human rights activist, that's why I adore her so much." Calli said.
Girlfriend daw ni Senyor Sancho? Or special someone... Ibig sabihin ba nito, mali ang hinala ko sakanila ni Mama?
Oo nga naman. Hindi naman sa minamaliit ko si Mama, she's beautiful and all, she became one of the most prettiest girls here back in her days. Pero imposible yatang magkagusto si Senyor Sancho sa isang di hamak na labandera.
At wala akong narinig na may isang Tarraniaga na nakapangasawa ng hindi nila kauri. Ng hindi mayaman tulad nila.
Maximilio, Samandra, Dorothea at Alvaro, lahat sila ay nakapangasawa ng mga heredero rin. Ano naman ang pinagkaiba ni Senyor Sancho sa kaniyang mga kapatid? Malamang, kung magkakarelasyon man, sa kapwa mayaman din. Hindi kay Mama.
Hindi ko alam kung anong tinira ko kung bakit iyon talaga ang pumasok sa isipan ko. Napakaimposible naman kasi. Nagi-guilty tuloy ako na pinagdudahan ko si Mama noon dahil sa wala.
Dahil sa nakita kong 'yon sa Mall, na paniguradong ako lang din ang nagbigay ng malisya. Nagkaroon ako ng pagkawala ng tiwala kay Mama nang hindi niya alam dahil doon. At pinagsisisihan ko 'yon ngayon.
"Hey, what are you doing here? Doon ka sa mga Estañero, 'di ba?" Herrun exclaimed.
Umiwas ako ng tingin mula kay Ikarus. Malalim ang kaniyang tingin nang lumapit. He sat beside me. Hindi pinansin ang pag-alma ni Herrun sakanya.
"Palit tayo. Kuya Roah wants to talk to you about his car, anyway."
Herrun rolled his eyes. Tamad siyang tumayo at nilapitan si Yuna. Kinulit niya ito at pinaglaruan ang buhok.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...