It's not the first time someone had asked me out. Or out for a date. Pero hindi ako sumasama sakanila kapag meron akong mas importanteng gagawin. Kahit nga kay Akihiro noon, hindi naman kami madalas mag-date. So, what will make him different this time? Hindi ba, mas lalong hindi ako papayag? Dahil bukod sa wala kaming pag-asa, naiilang ako sakanya. Well, wala rin naman siyang gusto saakin so he probably won't make a fuss about this.
"Scoobs."
Sumimangot agad siya.
I can't even bear being in a long conversation with him. Tapos ang kumain pa sa labas na kasama siya? Ikamamatay ko 'yon ng maaga.
'Tsaka, ano nalang ang sasabihin nina Mama at ng mga kapatid ko? Ngayon na nga lang kami nagkakaroon ng oras na makakapag-bonding tuwing weekends dahil palaging busy at mga pagod kapag weekdays. Ayoko naman na isipin nilang mas gugustuhin kong umalis at sumama sa iba ngayong araw kaysa sakanila.
Pwede naman niyang yayain nalang si Shantal kung gusto niya dahil hindi naman ako magagalit. Kahit pa magalit man ako, wala naman akong karapatan sakanya.
Ano ba 'tong iniisip ko?
O kaya naman, yayain niya nalang si Calli at baka pumayag. Mas mapapadali ang gusto niya kung magkataon. Bakit ako pa, e wala naman akong balak na tulungan siya.
"Bakit?" taka niyang tanong.
I pursed my lips and I sighed heavily. Naglakad ulit ako palapit sa mababang gate na tanging naging pagitan naming dalawa.
Umayos siya ng tayo nang mamasdan na muli akong lumapit. He slightly checked his shirt to see if it had any wrinkles on it before returning his gaze.
"Basta, ayaw ko." sabi ko at sumandal sa mababang gate sa pagitan namin.
Ngumisi siya habang hindi tinatanggal ang kaniyang titig mula saakin. Nanghahamon at nakakaloko ang kaniyang ekspresyon ngayon kumpara kanina habang nakatingin lang sa mga mata ko. I wonder what is going on inside his head. He always wears this unfathomable, cryptic, or mysterious vibe, and I'm not too fond of it.
If he is keeping something from you, it's almost impossible for you to find out. Dahil ang galing niyang magtago, ngayon pa lang ay hindi ko na siya mabasa. At ayaw ko ng ganito. Ayoko sa parte niyang 'to.
Ayaw ko sakanya.
Wala rin naman kaming pag-asa, kung sakali mang itinuloy ko ang pagkakagusto ko sakanya. Langit siya, ako naman ay nasa lupa pa. His family will never accept me, I am a nobody. And I will never want an illicit affair with him...
Gosh, I'm thinking too much.
"Umuwi ka na, Ikarus." I tried dismissing him, but it seemed like it didn't work.
Nanatili siyang nakatayo at nakahalukipkip. As if my words won't do anything. Kaya gamit ang kamay ko na nakasandal sa mababang gate, inabot ko siya at tinulak na palayo.
Natatawa tuloy siyang napaatras dahil sa pagtataboy ko sakanya.
"Alright. I'll leave." he chuckled softly.
Right. He's probably just fooling around. Masyado ko namang pinag-isipan.
O baka gusto lang naman niyang ilibre ako dahil sa nangyari kahapon? Kahit wala naman siyang kasalanan sa pagkakatapilok ko? Well, partly meron siyang kasalanan dahil hindi niya pinapagalaw ang kabayo kaya napilitan akong bumaba. Pero kasi, sa Tarra Garra parin nangyari 'yon. Sasagutin nila lahat ng aksidenteng mangyayari sa loob ng kanilang nasasakupan.
That must be what all of this is about. He's just worried for other people. Like how usually kind-hearted his family is when it comes to people like us. Money was, is, and will never be their problem. And asking me out for a free lunch to pay for the inconvenience yesterday had cost me won't hurt their wallets. That's just simple. Hindi ko na dapat iniisip pa at hinahayaang bagabagin ako.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...