Sunday morning, nagpasya kaming magkita-kita nina Hector, Damien, Paulo at Herrun sa Tarra Garra. Nakakain na kaming lahat ng agahan sa bahay palang kaya diretso na kami papunta sa White House nang makarating sa loob ng malaking hacienda. Hindi na kami dumaan pa sa malaking Manor. Sabi ni Herrun ay wala namang tao roon ngayon bukod sa mga kasambahay at mga trabahador.
Hindi na kami gumamit ng mga kabayo dahil nagsisiesta raw ang karamihan sa mga ito ngayon. Mas hassle rin kaya nag-golfcart nalang kami.
We practiced our final song a few times, sa maliit na stage. Pagkatapos ay nagusap-usap tungkol sa mangyayaring battle of the bands mamayang hapon. Bago magtanghali ay naihatid na kaming lahat pauwi.
Kaya nandito ako ngayon sa kwarto ko at sinusubukang sukatin ang outfits namin para sa mamaya.
Pagkatapos kong kumain ng tanghalian, nagpasya akong suotin na kahit mamayang alas singko pa naman ang battle. Ngayon lang kasi naipadala ito kaya first time kong susuotin. Ni hindi ko alam kung sasakto ba 'to saakin. O kung anong magiging itsura kapag naisuot ko na.
The theme of our outfits was retro style, blue denim. Since we're going to perform a retrosynthetic sound in our performance, we decided why not do our costume a retro too.
Binuksan ko ang kahon na nasa kama ko at sandaling napatulala sa susuotin ko mamaya. Laman nito ang isang top at bottom outfits. May boots pa at headband na kasabay.
Well, this has cost me a fortune. Malaking kabawasan sa ipon ko ang pagpapagawa ng damit na 'to kaya dapat lang talagang napapatulala ako sa ganda.
Kinuha ko 'yon at iniharap sa salamin. Pinagmasdan ko muna bago ko sinubukang isuot.
Isang semi venus cut denim top, para sa pang itaas na bahagi. Ang sleeve nito ay hanggang siko na may design na ruffles. Hapit na hapit siya sa bewang ko kaya nakikita ko ang hulma nito sa salamin. I've been getting a lot of compliments about my body, lalo na dahil sa liit ng aking bewang. Pero ito ang unang beses na nagsuot ako ng damit na magsho-showcase ng sobra sa bewang ko.
I've never tried wearing a crop top, kaya medyo naaasiwa. Well, hindi naman ito crop top pero medyo naaasiwa parin ako kahit gano'n.
Sunod kong sinuot ang denim shorts na para naman sa pang ibabang bahagi. Pinatungan ko 'yon ng isang denim half skirt bago pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Napabuga nalang ako ng marahas na hininga. Hindi ko alam kung papayag ba si Mama rito. Lalo na't maraming manonood mamaya sa battle of the bands. Ako pa naman ang kakanta kaya ako ang nasa gitna mamaya. Ako ang una nilang makikita.
Sinuot ko rin ang hanggang tuhod na denim boots at itinali ang sintas nito pataas. It complimented the whole outfit, it look so much like in the 80's with a touch of modern fashion. Huli kong isinuot ang denim headband bago bumaba galing kwarto.
Natawa ako dahil biglang napapalakpak si Joaquin nang makita ako kahit na nasa hagdanan palang. Si Mama ay napatigil sa pagpupunas ng mesa, si Harper naman ay walang pakialam.
Inismiran ko si Joaquin bago tinungo si Mama sa may mesa. Lumapit ako sa kanya at tumikhim ng bahagya.
"Ano, Ma? Tingin mo, maganda?" tanong ko.
She only nodded. Bumalik siya sa pagpupunas ng mesa habang ako naman ay napapabuntong hininga.
Sabi ko na nga ba. Hindi talaga niya magugustuhan. May pagka-conservative kasi si Mama. Pero ayos lang naman 'yon. Papalitan ko nalang kung ayaw niya.
"Pwede naman pong papalitan. O kaya mag-denim jeans nalang ak—"
"Maganda. Isuot mo mamaya."
Napakagat ako ng labi at muntik nang magtatalon-talon sa tuwa.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...