KAPITULO 18

628 14 1
                                    

"Bitawan mo ako."

I heard him exhale as I was sure he didn't want to let me slip away. I waited for a while, but he never moved. Nanatili siyang nakayakap sa akin. He's refusing to let me go.

I gritted my teeth. Tinulak ko siya nang malakas kaya napaatras siya.

"Bitawan mo ako!"

Naitulak ko nga siya pero nakita kong nakaalis na ang kotse ni Sancho Tarraniaga. Hindi ko maipaliwanag kung gaano katindi ang galit na namumutawi sa puso ko ngayon. This is the first time I became this angry! This is first time that I felt this extreme hatred! Gustong-gusto kong sumigaw!

Binalingan ko si Ikarus na nakayuko ngayon. Masama ang tingin ko sakanya kahit na alam kong wala naman siyang kasalanan. Pero pinigilan niya ako! I could've faced them so that they'll know that I know what they're up to! At galit ako sakanila! Kasi niloloko nila ako! Niloloko nila ako at ang mga kapatid ko!

Niloloko nila si Papa!

Nagtama ang tingin namin ni Ikarus. The fear and the worry in his eyes were still evident. It didn't fade. May awa rin doon na alam kong para saakin. I hated it. Hindi ko kailangan ng simpatya niya.

I looked at him sharply.

"'Wag mo akong susundan." dinuro ko siya bago ko siya tinalikuran.

I started walking away from the mall and from his car. Maraming tao ang nasa harap ng mall, nakikisilong sila dahil hindi sila makaalis dahil sa ulan. Some of them were looking at me, nagtataka siguro kung bakit hindi ko pinapansin ang ulan. Basang-basa na ako.

"Sandali." pigil niya. Hinawakan niya nang marahan ang braso ko. "Please don't do this, Kat. I want you to calm down."

Binawi ko sakanya ang braso ko. Nagsimula akong umiyak sa harap niya. Kahit na alam kong hindi niya nakikita ang mga luha ko dahil nasa ilalim kami ng ulan, I still hated what was happening. I hated being vulnerable like this, sa harap ng kahit sino. Lalo na sa harap niya. I don't want him to see me like this. It's like I'm in the middle of despair and hopelessness. Despair because I'm at loss. And hopelessness because I don't know if our family would ever be the same again.

"Come here..." masuyo niyang sabi. Niyakap niya ako nang mahigpit. "Please calm down. I'll only let you go if you promise you'll calm down. Na kakausapin mo nang maayos ang Mama mo. She must have had her reasons."

"Anong dahilan?!" tinaasan ko siya ng boses. Nagulat siya roon. Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim. "Hayaan mo nalang ako..."

Patuloy parin ang pagbuhos nang malakas na ulan pero hindi ko na inalintana 'yon. Gustong-gusto ko nang kausapin si Mama ngayon at gusto kung malaman niya na nasasaktan ako. Gustong-gusto ko siyang sumbatan.

"Katalina..." tawag niya ulit, naramdaman kong hinawakan niya ulit ang kamay ko. May dala-dala na siyang payong. He forced me to hold the umbrella.

"Tangina, kahit ngayon lang, Ikarus!"

Kinuha ko ang payong at marahas itong tinapon sa malayo. Sinundan ng mata niya ang payong. Gumuhit ang gulat sa mga mata niya.

"Hayaan mo muna ako!"

Magkahalong luha at galit ang nararamdaman ko ngayon habang tinatakbo ang pagitan ng Crossing at ang daan sa baranggay. Ang daming senaryong pumapasok sa isipan ko. Kung ano ang pwedeng mangyari mamaya. Sa galit ko ngayon, hindi nagkakalayong baka magsigawan kami ni Mama.

Sigurado akong magugulat siya kasi alam ko na ang lahat. Hindi ko alam kung hihingi ba siya ng tawad o iiwan niya ba kami at sasama sa lalaki niya. Pero hindi no'n pinawi ang pighati at muhi saakin. Binalewala niya ang pamilya namin at ang alaala ni Papa!

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon