KAPITULO 22

613 20 7
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak mag-isa. Ni hindi na ako nag-abalang lumabas ng kwarto kahit na tinatawag nila para kumain. I feel like I lost everything, my appetite is nothing anymore. Natatakot din akong mapansin nilang galing sa pag-iyak kapag sumabay sa kanila kumain. Mag-aalala si Mama.

Um-absent nalang din ako sa Solace, kinagabihan. Huli na nang makita ko ang oras, e. Mabuti nalang tinawagan ako ni Ate Violet. Hindi naman araw-araw pumupunta ang may-ari do'n, close ko rin ang manager kaya napagbigyan, hindi kaltas sa akin.

It was the first time in a while that I felt so gloomy. I felt silence, in a sense. Silence but not a single peace. Yon ang ayaw ko. Sobrang tahimik. Sa sobrang tahimik, mas masakit. Mas nakakatakot. Na para akong nakakapit sa isang hibla ng buhok upang huwag ang mahulog sa maaari ko pang maisip.

Halos magtatanghali na nang magising ako kinabukasan. Weekend naman ngayon kaya hinayaan ko ang sarili ko kagabi. Kung hindi pa ako kinatok ni Joaquin, hindi pa yata ako magigising. Mag-uumaga na rin kasi ako nakatulog.

Ramdam ko pa ang bigat ng mata ko pero pinilit kong bumangon. Mabilis akong tumayo para maghilamos sa banyo bago ko binuksan ang pinto.

"Ayos ka lang ba, Ate? Umiyak ka ba?" pansin niya agad.

"Huh?" maang-maangan ko. "Hindi naman."

Nagtagal ang tingin niya pero hindi naman na gaanong nag-usisa pa. "Baba ka na. Nasa baba si Auntie Marivic, hinahanap ka. May dalang pagkain."

Tumango lang ako at pinagsarhan na siya ng pinto.

Hindi ko alam kung bakit nandito sa Auntie Marivic. Bibihira naman 'yong bumisita rito. Naalala kong kinukulit niya nga akong umuwi ng Milagros. She just opened her own milktea and snack house back in Milagros. Nakabisita na roon sina Mama, ako nalang ang hindi pa nakakapunta dahil busy sa finals noong mga huling linggo.

'Yon marahil ang dahil kung bakit siya naparito. Aayain na naman siguro ako na bumisita. To be honest, ayos lang. Baka nga sumama nalang muna ako. The quarter already ended. Wala na akong pasok. Mabuti nga 'yon, para may pagkaabalahan din muna ako.

Pumasok na ako sa banyo dala ang tuwalya ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Malungkot pa rin naman. Pero ang pinagkaiba ng kagabi, may halong galit na ako ngayon.

Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Nakakagalit na totoo talaga 'yon at sa iba ko pa talaga nalaman.

Ilang buwan pa lang naman kami kung tutuusin. Pero alam ko namang wala 'yon sa tagal ng relasyon. Hindi 'yon batayan kung gaano ako masasaktan.

It was all true, Cyril isn't just making up stories. May mga ebidensiya siya. Nando'n ang mukha ng magaling na gagong 'yon. And I hate to think about it. I hate listing reasons why I deserve to be cheated on.

Kung ayaw niya na agad sa akin, he should've just called our relationship off! I will understand. I will push him away too. I will leave. I'll adjust. Hindi yung lolokohin niya pa ako. I will never take that. I'd rather have him leave me.

I even compared him to my father. Ang putanginang 'yon. What a fucking shame. Pinagsisisihan ko na 'yon. Isang insulto 'yon kay Papa! Walang-wala siya sa kalingkingan ni Papa!

Hindi ko nalang masyadong inisip muna. Siguro kakausapin ko nalang mamaya. Napapagod na ako. I haven't checked my phone yet. Pero sigurado akong marami na siyang text. Kahapon, hinintay niya ako sa parking at hindi ko siya sinipot. Malamang sa malamang naghahanap na 'yon. At malamang hindi niya pa rin alam na alam ko na.

I learned about it from other people, after all.

"Kagigising mo lang?"

Nagtanong agad si Auntie pagkatapos kong magmano nang makababa.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon