Ikarus and I finished the school year together. Sabay kaming um-attend ng recognition, we both graduated with high honors.
Magiging grade ten na ako sa susunod na school year, siya naman ay sa grade twelve. But honestly, I wouldn't be able to graduate with such a high grade in math if it wasn't because of him.
Madalas kasi inaabot na ako ng katamaran pero siya itong matiyagang nagtuturo parin. When my last periodic was getting near, mas lalo lang siyang naging mas hands-on saakin. Kahit na may exams din sila for their sem, halos araw-araw niya akong tinuturuan.
Ang matandang punong mangga ang naging tambayan naming dalawa buong buwan. Saksi 'yon sa mga reklamo ko at asaran naming dalawa. May dala siyang gitara kaya kapag nababagot, minsan tumutugtog.
Hindi kami nagkita ng dalawang buwan dahil sa Canada sila ng kaniyang pamilya buong summer. Kasama niya ang kaniyang mga pinsan. Kami naman ay umuwi ng Milagros dahil doon naman kami palagi, tuwing summer. But it was all fine. I was contented. Halos araw-araw naman kaming nagcha-chat at video calls. He'll always ask how my day went. He'll send me pictures of them in different cities, minsan pinapapili ako kung anong magandang susuotin.
Kaya ngayong ilang linggo nalang ay babalik na kami sa City, at pinaghahandaan ko rin ang nalalapit niyang birthday, hindi ko maiwasang ma-excite. Minsan nga, inaabot na ako ng madaling araw dahil hindi ako makatulog.
Magaling si Auntie sa pananahi. It became her hobby since she was still in elementary. She usually spends her days knitting and sewing, kapag wala siya sa kaniyang negosyo. Wala akong maisip na pwedeng iregalo kay Ikarus kaya baka magpatulong nalang ako kay Auntie na manahi.
She was curious at first, as I anticipated, kung para kanino raw ang pinakikiusap ko. Pero hindi ko na sinabi sakanya dahil baka mabanggit niya kay Mama. I mean, alam naman ni Mama na medyo palagi kaming magkasama ni Ikarus nitong mga nagdaang buwan. Pero, ayoko na sanang dagdagan ang iniisip niya tungkol saamin ng Tarraniagang 'yon.
"Turuan nalang kita, Kat. Madali lang naman manahi." Auntie gave me a sweet smile. She was busy knitting a cardigan and a sweater that sunny day. "At mas maganda 'yon para maipagmalaki mo sa pagbibigyan mo na pinaghirapan mo talaga."
Ilang araw akong tinuruan ni Auntie sa tuwing may bakante kaming oras. We both decided to make a cap out of an old denim jeans. Pagkatapos niya akong turuan ng basics, hinayaan niya na ako mismo ang gumawa. Isang linggo ko ring pinaghirapan 'yon bago matapos. Naka tatlong ulit pa ako dahil ilang beses akong namamali. Kaya ngayong nakauwi na kami ng syudad, hindi na ako magkamayaw sa kaba.
Maganda naman ang kinalabasan ng cap, ch-in-eck din naman iyon ni Auntie at sinabing maganda nga. Pero kung ikukumpara sa mga cap na mabibili niya sa mga high end na shops, walang-wala 'yon.
"Mabuti na nga lang dahil hindi naman masyadong natuyot ang lupa." si Yuna. Paputol-putol siya sa kwento niya dahil may iniinom na milktea. "Blessing din nga dahil may ilog na malapit sa lupa namin. Nakagawa ng irigasyon kaya naisalba ang mga pananim."
Nandito kami ngayon sa social center kasama ang mga kaibigan ko. Calli and Yuna was talking to each other. Si Herrun naman ay kanina pa pabalik-balik sa slides na pambata. Tuwang-tuwa siya kahit na ang dumi-dumi na ng pantalon niya dahil sa lupang dumikit sa slides galing sa mga tsinelas ng ibang naglalaro. Kagagaling lang namin sa school para mag-enroll at napagpasyahan na tumambay muna bago umuwi.
Ako:
Happy birthday.
My hands were trembling for unknown reasons when I sent it to him. Actually, kaninang madaling araw pa ako kating-kati na batiin siya. I waited for twelve am to strike for nothing. Inunahan din naman ako ng pride ko. Ayaw kong isipin niya na hinintay ko kahit na totoo naman talaga.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Подростковая литератураKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...