"He's cute. I admit, alright. Pero ayaw ko parin sakanya! Besides, he's too old."
"Tanga! Baka nga may gusto ka na ro'n." sabat ni Yuna. "Hindi ka matigil kakakwento ng tungkol sakanya simula pa noong Friday."
Umismid si Calli. Sumandal nalang siya sa estante ng mini gazebo rito sa loob ng botanical garden. I must agree with Yuna. She's been talking and blabbering about this guy she hates—almost every day.
"He's potent— Ew, that's a weird word. You know what, let's not talk about him nalang." umirap siya at biglang saakin napabaling. "How about you, Kat? Are you okay? Doing fine?"
Nag-angat ako ng tingin.
Nakahalukipkip na si Calli at nakataas ang kilay habang nakatitig saakin. She was raising both her brows and she was pursing her lips.
"Oo nga. Hindi ka umiimik diyan." segunda ni Yuna.
I just shrugged wearily. Sumipsip ako sa hawak na milktea at nagkunwaring pagod lang.
I'm not really in the mood to talk right now. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali gayong ilang minuto nalang ay tanghali na. Dapat excited ako kahit papa'no dahil wala nang subjects ngayong umaga.
"Wala naman... Bukod sa nanalo kami sa battle of the bands, wala namang masyadong ganap." sabi ko. Tumango silang dalawa. "At tsaka, kasisimula lang ng grading 'di ba? Kaya okupado ako ngayon."
"Grabe 'no? Ang galing-galing ninyo kahapon." sabi ni Calli. "You were the life of the event yesterday, I swear! Even after you left, it was as if your voice lingered into every corner of the whole grandstand."
Natatawa akong umirap ako sa dramatic description niya sa kagabi.
"Kaya lang, ang k-KJ ng mga facilitator kahapon! Hindi tuloy ako masyadong nag-enjoy." Yuna played with her nails.
Ngumisi siya at lumapit saaming dalawa. She sat beside me.
"'Rinig ko, balak ka raw pormahan nong leader ng fraternity mula sa isang highschool sa Milagros, Katalina. Um-attend daw kahapon yung mga members kaya grabe yung sigawan." she grinned.
Pinitik ni Calli ang ilong niya na ikinatawa ko. "Ew, Yuna!"
Nagtawanan kaming tatlo. I don't know if she really heard that, pero binalewala ko na dahil sanay naman akong pinag-uusapan noon pa. Maraming sumusubok pumorma o manligaw, pero nawawalan din naman sila ng gana kalaunan dahil hindi naman nila ako nakukuha. I'm not up for relationship for now, sinasabi ko 'yan simula pa lang para walang asahan.
"Anyway, kung sa regional pala kayo sumali, kinuha na kayo ng mga recording labels." si Calli.
I pouted. "Mas mahirap mag-audition kapag ganyan."
Sumang-ayon si Calli.
"'Tsaka, wala naman kaming planong maging isang band talaga. Naisipan lang namin sumali."
"'Di ba may cash prize kayo?! Libre niyo naman kami!"
Napakagat ako ng labi. Bigla akong kinabahan agad. Shit! Wag naman sana nilang maisipang ngayon na mismo magpalibre. Hindi naman ako madamot. Just... not now.
It's already eleven in the morning, ilang minuto bago magtanghali.
Nasa botanical garden kami ngayon, nagpapalipas ng oras. Dahil bukod sa vacant namin ngayon, wala na kaming klase ngayong umaga. But since bawal pang magpalabas ng mga estudyante ang mga school guards, nandito kami ngayon sa loob ng magulong botanical para tumambay.
Ang inaalala ko ay baka mapurnada na naman ulit ang planong pakikipagkita ko kay Ikarus mamaya kung sakaling magpapalibre sila ngayon. Hindi ko alam kung papayag pa ba si Ikarus doon lalo na't palagi niya akong kinukulit tungkol sa usapan namin na 'yon.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...