KAPITULO 6

948 33 1
                                    

Thursday morning, nasa school na agad ako. Sinadya kong agahan dahil sa practice namin sa dance troupe.

"Kinikilig ako!"

Ang aga-aga, ang iingay na kaagad ng mga kasamahan ko. Ilang beses ko na silang pinagsabihan na hinaan ang boses nila dahil nakakahiya sa mga tao rito sa loob ng auditorium pero hindi naman sila nakikinig. I just decided to let them be. Sila naman ang mapapagalitan kung mapuna ng mga teacher na nagro-raoming.

Pati tuloy si Agatha sa tabi ko ay naiinis na. Sobra pa naman sila kung tumili. Pitchy and painful in the ears.

"Ang iingay naman ng mga 'yan. Kanina pa 'yan, ah?" napapairap si Agatha sa tabi ko at padabog na humalukipkip.

Magkatabi kaming dalawa ngayon, nakaupo rito sa may bleachers habang hinihintay si Hanna, ang leader namin sa dance troupe. Ngayon namin sisimulan ang unang practice para sa pangalawang kanta na sasayawin namin sa foundation. Gustong manood ni Agatha sa practice namin dahil wala naman siyang schedule kaya sinama ko siya ngayon.

Alas-syete palang naman ng umaga. Kadalasan, late dumating ang mga estudyante kung wala naman silang gagawin dahil puro practice lang naman ang ganap ngayong araw. Swerte ang mga walang sinalihan dahil hindi na nila kailangan pumasok.

Sayang naman ang oras kaya nagpatawag ako ng practice, para masimulan na ang next song. Sakto naman na walang schedule ngayon ang lahat ng members. Kaya nandito kami ngayon sa auditorium, naghihintay.

"Tapos, ano pa?!" tili na naman ng isang member.

Apat silang nakaupo sa bleachers ilang metro mula saamin ni Agatha. Pinalilibutan nila si Cyril habang kinikilig dahil sa kung anong kinukuwento sakanila. They look giddy. I guess Cyril's talking about her love interests.

"He's super nice! And he know where our house is! Ngayon kami magkikita." Cyril giggled. "Actually, he's probably here na nga, e. Manonood daw siya ng practice natin at magpapakilala saakin pagkatapos!"

Umugong ang ilang tawanan ng mga kasamahan ko. Nage-enjoy sila sa kinukwento ni Cyril. Habang ako, nagtataka kung paano nila naaatim 'yon. Ang magkaroon ng stalker, tapos alam pa ang bahay niyo?! Nababaliw na yata 'tong mga 'to.

"Abangan natin! Pag may lumapit sayo mamaya, ibig sabihin 'yon yung stalker!"

Agatha, beside me, couldn't hide her chuckles. I looked at her. She then rolled her eyes out of annoyance, and she started straddling her hair.

"Who the hell would literally be fucking thrilled because she have a stalker? It's creepy as shit! Pero kung pakikinggan, mukha silang binubudburan ng asin!" umirap-irap siya.

Tumawa nalang ako at mahinang tinapik ang balikat niya.

"Hayaan mo na."

Natigil ang harutan ng grupo nang pumasok si Hanna sa loob ng auditorium. Kaniya-kaniyang nagpaalam ang mga members ng dance troupe sa mga hindi kasali dahil magsisimula na ang ensayo.

Nagpaalam ako saglit kay Agatha bago pumanhik sa dance stage.

Nagtipon-tipon kami sa gitna para pag-usapan ang susunod na sayaw. Nakaupo kami sa stage habang pinakikinggan ang pop song na sasayawin. We were listening to it thoroughly. Ang iba sa mga member alam na ang kanta dahil medyo popular. Pero may mga members parin naman na estranghero doon at hindi pa napapakinggan.

But we've been together since our first year, this troupe. I know how well the musicality each of everyone here has. Madali lang 'to sakanila.

"Wala namang masyadong hard steps, kaya wag niyo nang ikabahala. May countings na rin kaya madali lang 'to." sabi ko.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon