We went silent for a little while. Unti-unti rin naman akong kumalma at pinagmasdan nalang ang taniman ng mais na dinaraanan namin ngayon. Kahit naman inis ako sakanya, I must put up with him. Alangan naman kasing lakarin ko hanggang white house, e ang layo no'n.
Habang nagmamasid sa plantation, hinulaan ko nalang na anihan ngayon ng mais. Marami kasi kaming mga trabahador na nadadaanan. Tila naghahanda para sa pagsisimula ng pag-ani. Binabati nila si Ikarus sa tuwing nadadaanan namin sila, tinatanguan lang sila nito.
Aside from it, I can see their equipments being put out. May natanaw pa akong grupo na nilalabas ang malaking makinarya mula sa may kamalig.
I stopped when I suddenly felt Ikarus sniffing my hair. Masama ko siyang binalingan. He smiled in an uneasy way, umiwas siya ng tingin.
Naunahan ako ng gulat sa ginawa niya kaya hindi ako nakapagsalita agad.
"Anong ginawa mo?" tanong ko. "Inamoy mo ang buhok ko?"
"You know I'm behind you right now, right? Siyempre naaamoy ko kahit hindi sinasadya." he hissed.
"Hindi sinasadya." ginaya ko ang sinabi niya at sumimangot lang. "Aminin mo na, mahilig ka lang talaga sa babae."
"Sinong hindi..."
Umirap ako.
"Edi pati ako magugustuhan mo? Kasi babae ako?"
"Hindi ka naman mukhang babae."
Napanganga ako at natawa. Pabirong kong sinampal ang pisngi niya, sinadya ko pang tumalikod para abutin siya. Natawa nalang din siya.
Naalala ko tuloy ang pananampal ko sakanya noon sa labas ng botanical. I was so irritated just by a mere sight of him, I couldn't control my anger. Mabuti nalang at mukhang hindi naman napuruhan ang mukha niya sa nangyari.
At mukhang hindi naman siya nagalit. He probably understood why I reacted that way. Kahit naman siguro ibang babae, gano'n ang gagawin sakanya dahil ungas siya.
"Besides, you're too young."
"Magkasing edad lang naman kami ni Calli." hindi ako natigil sa pagtawa. Umiiling-iling naman siya. "Mas matanda siya ng ilang months saakin pero gano'n parin 'yon."
He didn't say anything anymore kaya tumahimik nalang din ako.
Mula sa malayong dako, naaninag ko ang taniman ng mga iba't ibang bulaklak. Ito yata ang floriculture nila, Napakaganda nito tignan lalo na kapag mula sa malayo dahil makikita mo ng buo. May mga babae akong naaaninag na nagdidilig sa mga bulaklak, bigla ko tuloy gustong pumunta ro'n.
Pero hindi naman 'yon pupwede. Nandito lang naman ako sa Tarra Garra dahil kailangang mag-practice. In fact, this might be the last time I'll ever enter here again.
Iniwas ko nalang ang tingin mula roon. Isang bagay na naman ang nagustuhan ko na hindi maaaring mangyari. It would make me happy, for sure, but it's difficult to make it happen. Kaya huwag nalang.
Napaisip tuloy ako para sa kinabukasan ko. Kaya ko ba talagang makapag-college? Mukhang hindi naman kaya ni Mama 'yon. Tatlo pa kami. Ngayon pa nga lang, nagkukumahog na para lang may mailagay sa mesa. It's difficult to make it happen.
Libre namang mangarap, siyempre. But sometimes, it will hit you so hard when you dream too lofty, and then it fails, you know. Dahil sa sobrang tayog ng pangarap at layo mula sa abot kamay, you will just realize eventually how stupid you are to dream of something like that.
One of the reasons is because we are somehow deprived of opportunities. Hindi talaga tungkol sa katamaran ang kahirapan. Kasi kahit naman anong kayod mo, lulugmok ka parin sa ganitong sistema. Madalas mas yumayaman ang mayayaman, mas humihirap ang mahihirap.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...