KAPITULO 1

2.5K 60 26
                                    

Binalik ko lang ang tingin ko sa dinaraanan. Anak ng tipaklong naman, oh. Nakakahiya naman at naabutan niya ako sa ganitong sitwasyon. Konting dignidad naman...

Hininto niya ang kaniyang kotse sa gilid ko. Lumabas na may dalang payong. Naramdaman ko nalang na hindi na ako nababasa dahil nakalapit na pala siya.

Matangkad siya kaysa saakin kaya kailangan ko pang i-bend ang leeg para mamasdan siya. His expression tells how he wanted to ask me what is going on, but he didn't. He remained silent, nakatitig lang saakin. Masyado kaming malapit sa isa't isa dahil medyo maliit ang payong. Hindi nga siya nababasa sa buhos ng ulan, nababasa naman siya dahil masyado akong malapit sakanya.

Hindi ako nagsalita at naglakad lang patungo sa kotse niya. Hindi siya umimik at sumunod lang din saakin pabalik sa sasakyan para hindi ako mabasa.

His face was blank. Parang pinapakiramdaman niya ang sitwasyon.

Hinubad niya ang suot na overcoat at ipinatong ito sa balikat ko. It was his initiative, if I were in my most right mind, I would've had a romantic excitement. Pero hindi ko magawang kiligin ngayon dahil sa lumbay na nararamdaman.

"Mababasa ang upuan." I glanced at him.

He pursed his lips, "It's okay."

Tumango ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Wala akong balak na magsalita sa ngayon, gusto ko lang na makauwi na at makapagpalit ng suot. Basang-basa ako. Pati ang loob ng sapatos ko basang-basa rin. Naisip ko tuloy kung nagka-karaoke pa ba sila Aling Terna ngayong oras. Masarap sana bumirit ng Basang-basa Sa Ulan ngayon ng Aegis. Now that I'm feeling it.

Ramdam ko ang ilang beses niyang pagsulyap saakin habang nagmamaneho. I told him our address, sinunod naman niya 'yon. Ilang minuto lang ang layo ng bahay namin kaya alam kong hindi rin naman ako magtatagal sa kotse niya. Mabuti 'yon, I really feel like crying right now. Ayaw kong may ibang makakita.

Humalukipkip lang ako at sumandal sa bintana, pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na animo'y naguunahan pababa.

I was silently cheering to support a random rain drop on the windshield, dahil sa kawalan ng magawa. Sa tingin ko kasi, 'yon ang mauunang maka-finish. Kaya lang naagaw ang atensiyon ko nang tumunog ang phone ni Ikarus.

"Hello..."

Hindi ko man rinig ang kabilang linya pero sigurado akong si Herrun 'yon. Siya dapat ang maghahatid saakin pauwi ngayon pero hindi ako pwedeng magtagal sa Solace at hintayin siya 'ron.

"Ako na ang maghahatid sakanya pauwi. Nakita ko sa kalsada, basang basa... Oo... Huwag na, malapit na ako sa bahay nila... Uuwi rin ako pagkatapos. Tell Mama to stop worrying."

Ibinaba niya rin 'yon kaagad. Napansin niya na sakanya ako nakatingin kaya ngumiti siya ng maliit. Umiwas lang ako ng tingin.

I expected his questions, but it never came. Akala ko'y magtatanong talaga siya kung anong nangyayari, pero hindi niya ginawa. I became contented for that, ayaw ko rin namang magsalita sa ngayon. Gusto ko na talagang umuwi.

He's still wearing his outfit, minus the overcoat dahil sinuot niya saakin. Baka may pinuntahan pa siya pagkatapos mag-samgyup at saktong napadaan sa kalye ng Danao kung saan nakita niya akong mukhang multong naglalakad sa gitna ng ulan.

I felt the urge to cry again, but I tried my best not to. Nakakahiya lalo na't may kasama akong hindi kakilala masyado.

I don't know why I'm feeling so emotional right now. This has happened for so many times already, hindi na bago. I should be glad that I wasn't caught. Siguro ay nagsabay-sabay lang ang pagod kaya sumabog na.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon