KAPITULO 4

1K 38 6
                                    

Prinoblema ko pa 'yon pag-uwi. Hindi kasi pwede na makita ni Mama na may dala akong bulaklak bigla. Baka kung anong isipin.

Nang makauwi sa bahay, kumuha nalang ako ng baso sa kusina at pinuno ito ng tubig. Nilagay ko roon ang pumpon ng calla lilies tsaka ang isang tangkay ng rosas na bigay saakin kanina ni Ikarus. Nang matapos, tsaka ako pumasok sa kwarto ko para ilagay 'yon sa free table sa gilid.

Bibili nalang siguro ako ng magandang vase bukas? Sa ngayon, sa baso ko nalang muna ilalagay. Kapag namatay na, pwede ko namang gawing dried flowers. Maganda rin 'yon.

Kaya nga lang, baka biglang pumasok dito si Mama. The free table is one of the first thing you would see when you enter my room, makikita niya ang bulaklak.

Pero pwede ko namang sabihin na binili ko? Oo, 'yon nalang. Alam naman niyang mahilig ako sa ganitong uri ng bulaklak. Sayang naman kasi kung itatapon ko 'to ngayon.

Naligo ako at nagbihis ng pajamas bago ko kinuha ang paper bag na galing din kay Ikarus.

Dahan-dahan kong nilagyan ng ointment ang sugat sa tuhod pagkatapos ay nilagyan 'yon ng band aid. Nalito pa ako kung paano ba ilagay 'yon dahil hindi naman ako sanay na bumili ng ganito. Good thing there's an instruction in the label. Sunod kong kinuha ang pain killer at ininom 'yon bago bumaba galing sa kwarto para maghanda ng hapunan.

"Luluwas ako ng baranggay bukas, bibili ng mga gamit para sa project namin. May ipapasabay ka ba, Ate?" sabi ni Joaquin habang kumakain.

Tamang tama, ipapasabay ko nalang ang vase na balak kong bilhin. Mas maganda nga 'yon para bawas pamasahe at hindi na ako mahirapan. Mahirap makipagsiksikan sa mga bilihan ganitong masakit pa ang paa ko. Baka matapakan, makasapak pa ako ng wala sa oras.

"Bilhan mo ako ng flower vase, King. 'Yung maganda naman, ha." I glared at him sharply.

He raised a brow, "Anong akala mo, wala akong taste?"

"Wala talaga. Jologs ka, e."

Sumimangot siya at umirap, hindi na ako pinatulan.

Biglang tumikhim si Mama. Naabutan ko siyang nakatingin saakin nang balingan ko.

"Bakit kailangan mo ng vase, Kat? Pwede naman tayong humingi kina Terna ng paso kung gusto mong magtanim."

"Hindi na, Ma. Mura lang naman ang vase. At may ipon naman ako. Okay na 'yon."

"Ano bang gagawin mo sa vase, Ate?" tanong ulit ni Joaquin, hindi siya lumingon saakin at pinagpatuloy lang ang pagkain. "Paglalagyan mo ng bulaklak? May nagbigay sa'yo?"

Napairap ako at pinagpatuloy lang din ang pagkain. Natahimik ako kaya naging mapanuri ang tingin nila saakin. Dahil tuloy sa sinabing 'yon ni Joaquin, nakisali na si Harper at si Mama sa pagtatanong saakin.

"Ma, alam ko kung sino nagbigay." humalakhak si Harper nang samaan ko siyang tingin.

She giggled, and she whispered something to my Mom's ears. They looked thrilled after. Tapos ay nag-iba ang tingin saakin.

Mga malisyoso kasi 'tong mga kapatid ko! Hindi naman ako nagpapabili ng vase dahil bigay ni Ikarus ang mga bulaklak! Paborito ko kasi talaga 'yung bulaklak na 'yon at bihira ang calla lilies kaya siyempre ilalagay ko sa vase! I swear, this has nothing to do about him.

"Sa Novo ka bumili ha, para matibay." tumingin ako kay Joaquin at ginawang pasimple ang pag-iiba ko ng topic. "Bigay ko sayo bukas ang pambili."

Nang matapos ang hapunan, isa-isa na kaming pumasok sa mga kwarto namin. Mukhang hindi naman nila napansin na medyo paika-ika ako. Hindi na rin ito masyadong masakit kumpara kanina. The painkiller must be working.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon