KAPITULO 7

895 48 4
                                    

Umalis na ako mula sa bintana. Kinuha ko na ang bag ko sa kama tsaka nagmadaling lumabas ng kwarto. I looked in the mirror to check my face, I left after.

Kung gusto niya kong ihatid, okay. Magrereklamo pa ba ako? Libre na ang sakay, mas makakatipid ako. Sinubukan ko lang siyang paalisin kanina dahil baka labag naman sa loob niya. But he insisted so I guess it's really fine.

Kinatok ko si Mama sa kwarto niya para makapagpaalam ng maayos bago ako lumabas ng bahay. Lumikha ng tunog ang pagbukas ko ng screen door kaya napatingin agad siya saakin mula sa loob ng kaniyang jeep.

I saw him turning his phone off. He hid it inside his pocket, and he got off his jeep. Tumayo siya sa labas at pinagmasdan akong binubuksan ang gate. Hinayaan ko siya.

Kasunod ko sa likod si Joaquin dahil siya ang magla-lock ng gate pag-alis ko. Nagtagal ang tingin ng kapatid ko kay Ikarus, marahil ay nagtataka kung bakit nandito siya ngayon.

"Ingat, Ate."

I patted his head. Lumabas ako ng gate at hinintay na matapos ang kapatid ko sa pag-lock. Nang makapasok na si Joaquin sa loob ng bahay, tsaka ko lang nilapitan si Ikarus na naglilibot ng tingin sa paligid.

"Hindi ba ako nakaka-abala?" tanong ko.

Tumingin siya saakin at umiling. Nakapamulsa siya at seryoso kung tumingin kaya hindi na ako ulit nagsalita. Siya ang nagbukas ng pinto para saakin. Hindi ako umimik hanggang sa magsimula siyang magmaneho. Naputol lang ang katahimikan nang magkaroon ng konting traffic sa dinadaanan namin.

"So..." he trailed off. Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang siya sa mga sasakyan sa harap namin. "Kailan tayo mag-uusap?"

He looked at me. Ngumisi ako ng palihim.

"Huh?" kahit alam ko ang tinutukoy niya.

I guess he's really excited about what ways I'll do and how I become their cupid, huh? Ang swerte naman ni Calli... He's making so much effort to get her.

"You know..." he cleared his throat. Hinawakan niya ang kaniyang sentido habang nagsasalita. "Schedule? Pa'no mo ko mare-reto tapos tuturuan pa kita?"

Nagtaas ako ng kilay. "Parang ako pa ang pabigat, ha."

"Hindi naman sa gano'n. I have no problem with it. Math is easy." sumulyap siya saakin. "Well, atleast for me."

I frowned. Sinadya kong ipakita sakanya 'yon.

"Pero kailangan nating planuhin ang lahat. Pag-usapan kung anong gagawin..."

He's right. Well, pwede naman kaming gumawa ng schedule. Halimbawa, kapag lunes, tuturuan niya ako. Tapos kinabukasan, tsaka ko siya itutulak sa kaibigan ko.

I need to research or something. Gumawa kaya ako ng mga plano kung paano sila paglalapitin? Checklist, gano'n? Pero paano ko nga ba sila paglalapitin na hindi masyadong obvious?

Pwede ko silang i-lock sa loob ng gym tapos bahala na si Ikarus na pumorma at magpapansin. O kaya naman, kunwari magkasabay kaming tatlo maglakad tapos papatirin ko si Calli para mahulog kay Ikarus? Tapos mag a-ayiee ako sakanilang dalawa para kiligin?

Tangina.

"Free ka ba bukas?"

Tumingin ako sakanya at nagtaas ng kilay. Nagsimula siyang magmaneho ulit nang lumuwag ang traffic. Umiwas ako ng tingin at nag-isip ng isasagot.

"Bakit?"

"Para mag-usap, Katalina."

Bukas, sasamahan namin si Yuna sa practice niya sa volleyball at ng kaniyang team. Pagkatapos ay wala na akong ibang gagawin. Sa hapon naman, nangako na ako kay Mama na sasamahan ko siya bukas sa Tarra Garra kaya rin hindi ako pwede.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon