Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang 'yon.
Did I heard it right? Gusto niyang ilakad ko siya kay Calli? Paanong ilalakad? Irereto ba? Akala ko ba...
"Huh?"
He smirked playfully, and he slid his hands on the pockets of his slacks. Hinintay niya ang sagot ko.
So... totoo nga? Magpapareto siya?
I seriously can't believe him! Akala ko ba ako ang gusto niya?! He said it! Noong tinanong siya ni Harper, 'di ba? Bakit gusto niya ngayong ireto ko siya kay Calli?
The shock was slowly getting its way all over my spine. Ilang segundo akong napatanga sa harap niya. My mouth was dropped open, ni hindi pumapasok sa sistema ko ang sinabi niya. And when I saw his hopeful expression, anger immediately consumed my body.
Now, it all made perfect sense. Kaya naman pala ilang beses ko siyang nahuling nakatingin kay Calli noon sa Social Center! Akala ko wala lang! 'Yon pala ay may gusto talaga siya sa kaibigan ko!
Tama si Herrun. Playboy at babaero nga ang pinsan niya! I'm not saying that I am disappointed of him, o hindi nga ba? Basta, hindi! Ngayon, he doesn't even deserve my anger! He deserves my indifference for this! Napagtanto kong umasa pala talaga ako sakanya na may gusto nga siya saakin!
Pero nakakagago lang. Bakit niya pa sinabi kay Harper na ako ang crush niya gayong si Calli naman pala talaga?
Ano, bigla bang nagbago? Kasi hindi niya ako nakahalo-bilo ng dalawang buwan? Or was he just fooling around that time in the car? Binibiro lang si Harper at hindi naman talaga totoo na may gusto siya saakin? At pinaniwalaan ko naman 'yon?
Kaya niya ba ako hinatid noon? Kasi nagpapa-good shot para maireto ko siya sa kaibigan ko? Bakit hindi nalang siya kay Herrun lumapit tutal magkakaibigan naman kaming tatlo at pinsan niya 'yon?! Bakit ako pa?!!
"I really like her."
Yes, I can see that. You dipshit!
E, gago pala siya e! Kung nagawa niya saakin 'to, syempre mas lalong hindi ko ipagkakatiwala sakanya ang kaibigan ko!
My petty crush on him immediately turned into hatred.
I pressed my lips, and I looked at him sharply.
"No."
A loud clap was heard before I stormed out of the botanical garden.
Habang naglalakad paalis ay hindi ko naiwasan na indahin ang sakit sa palad dahil sa tigas ng mukha niya. Napalakas yata ang sampal kong 'yon dahil sa anggulo ng kinatatayuan ko. I was caught up by my anger that I lashed out on him. I never dared to look back.
Nakarating ako sa classroom na tulala. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko ang pagsampal sakanya o ano. But he really got me angry! Si Calli pala ang gusto niya, edi sana hindi na siya sumagot kay Harper na may gusto siya saakin!
But why do I feel so betrayed? It's not like he's crucial. He's nothing to me! Wala akong pakialam sakanya!
Nagsimula tuloy ang exams, hindi na ako nakapag-review dahil sa kaiisip sa nangyari kanina. Mabuti nalang naalala ko parin naman ang mga inaral ko kaninang madaling araw kahit papaano. Nakasagot parin ng matino.
"Kat, wait for me! Sabay na tayo," tawag saakin ni Agatha, seatmate ko. Galing siya sa table ng teacher, may tinanong siguro, nakita akong binaba ang test papers kaya in-assume na lalabas muna.
"Sige, sandali lang."
Inayos ko ang aking mga gamit. Ibinalik ko sa loob ng bag ko ang ballpen at iniwan lang ito sa upuan ko. Kumapit ako sa braso ni Agatha at sabay na lumabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)
Teen FictionKatalina Villavicencio was a typical studious girl in her high school. Everyone knows she's off-limits because she put her studies above anything. But being a member of a dance troupe and a music band, despite her being a part of a poor family, she...