KAPITULO 16

782 29 3
                                    

Nagulat ako roon. Agad ko siyang tinignan. "Huh? Hindi pwede. Kailangan kong umuwi."

Tumawa lang siya. "I'm just kidding. May telephone sa taas. Puntahan ko mamaya, ipapadala ko rito ang wrangler ko. Daan nalang tayo sa malaking trailway sa likod pabalik ng Manor."

Tumingin ako sakanya. Pero mas lalo akong nagulat at napanganga nang makita ang itsura niya. Kasi 'di tulad kanina, hindi na lang siya topless ngayon, hinubad na rin niya ang kaniyang pants. Boxers nalang ang suot niya habang nakatalikod saakin at inaasikaso ang kalan.

Napalunok ako at tumikhim.

"Bakit ka nakahubad?" asik ko at umiwas ng tingin.

Tumingin siya saakin at nagkunot ng noo. Nang bumaba ang tingin niya sa sarili, doon niya na-realize.

"Oh, sorry!"

Mabilis niyang inabot ang isang roba sa gilid. Sinuot niya agad 'yon. Sumulyap siya saakin bago binalik ang tingin sa kalan. Pagkatapos ay nagsalita siya ulit.

"Basang-basa tayo. Para hindi magkasakit. Sandali..." umalis siya sa harap ng kalan at pumunta sa isang maliit na cabinet sa gilid. May binunot siyang isa pang roba doon. "Maghubad ka na rin."

"H-huh?! Ayoko nga!"

"May dryer dito, akin na 'yang damit mo."
tinignan niya ako ng seryoso. Tumayo siya ng tuwid at huminga ng malalim. "Hey, I'm not going to do anything to you. Kahit pa obsessed ako sa'yo..." Ngumisi siya. "Please wear this. I don't want you sick."

Sinunod ko nalang siya. Kinuha ko mula sakanya ang robe. Tumalikod siya ulit at hinalungkat pa ang buong cabinet. Naghubad na ako dahil nakatalikod naman siya. Inabutan niya rin ako ng malinis na bestida na nahanap niya. Pero dahil nilalamig ako, sinuot ko parin ang roba.

Sabay kaming uminom ng kape. Nakasuot na siya ngayon ng shirt at pants ngayon na nakita niya sa cabinet. He also made some tea.

"Ano raw sabi?"

Kagagaling niya lang sa taas para gamitin ang telephone.

"They'll be here in an hour."

Tahimik kong ininom ang kape. Ni hindi ko alam kung anong oras na. Patuloy parin ang bagyo sa labas na sinasabayan na ng pagkidlat.

Ano kaya ang iisipin ni Ate Violet nito. Sabi ni Ikarus ay nai-text niya kanina. Pero kahit gano'n, hind ko parin naiwasang kabahan. She must be worried by now, dahil hindi pa ako umuuwi.

Napaigtad ako nang biglang kumulog. Hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay niya. May hawak siyang kape kaya tumapon iyon ng bahagya.

Ikarus looked at me astoundedly. But instead of pulling my hand away, tulad ng dapat kong gawin, natulala ako habang nakatitig sa mukha niya. Nanatiling magkahawak ang kamay namin.

Ilang beses ko nang napagmasdan ang kaniyang mukha. His features will always be incomparable. Pero ngayon, mas namasdan ko ng malapitan. At maliwanag pa dahil maliwanag ang mga ilaw sa lodge house.

Not even a pore. Muntik ko na siyang matanong kung anong sabon ang ginagamit niya. Hindi ko namalayan na ilang segundo akong nakatulala sa kaniya, na-realize ko lang 'yon nang magsalita siya.

"Hoy, Kat. Ayos ka lang?"

I immediately got back to my seat. Binawi ko ang kamay ko galing sa kaniya. Umiwas ako ng tingin at tinungga ang kape sa harap ko. Medyo malamig na 'yon kaya hindi naman ko napaso.

"Takot ka sa kulog?"

Sumulyap ako. "Noon siguro. Hindi na ngayon."

"Really? Ako rin."

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon