SSY 19

23 2 0
                                    




Charwin Villegas
Point of view



Hindi ko alam kung gaano kataas ang Ferris wheel na sinasakyan namin ngayon. Una ayoko talagang sumakay. Naalala ko na naman yung dati. Masakit parin kasi. Ayoko talaga pero mapilit siya eh, tinawag pa siya ng mga kakilala nito sa park para hilahin ako nakapasok lang dito ngayon sa loob ng isa sa mga bagon ng Ferris wheel. Kulob sa loob, kasya ang tatlong tao, transparent na window. Kita ang kabuuan ng bayan na masaya at maliwanag ngayon, maraming tao parin ang nagsasaya ngayon.



Nakatitig lang ako kay Hera na ngayon ay sobra ang pagyakap sa stuffed toy na Baboy na halos matakpan na nito ang buong katawan nito dahil sa sobrang laki nung stuffed toy.


"Nakalimutan mo yatang may kasama ka, Hera," sabi ko at seryosong tono pa ang gamit ko pero wala.

"Ehem." Sumilip siya ng kaunti.

"Po?" Tanong nito.

"Ibaba mo nga 'yan hindi kita makita," pero niyakap pa niya ng mahigpit lang nito ang stuffed toy.


"Bakit?." Aba talagang!


Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at hindi nagsalita.


"Bakit ba?" Naiirita niyang sabi at isinubsob ba ang mukha sa leeg nung baboy na nakangiti pa yung pink na baboy.


Sa laki nung baboy ay kalahati nalang ang nauupuan ko. Ayoko naman na lumipat ng upuan dahil ako ang nauna rito, siya lang at yung baboy yung sumingit sa pwesto ko.

"Bumaba ka nalang kaya 'no?"

"Excuse me? Kung hindi mo ako kinaladkad dito sa loob! Akin na nga yang baboy at ibabalik ko na doon." At hawak doon sa baboy pero iniwas niya.


Tumayo nalang ako at lumipat ng upuan.




Huminga nalang ako ng malalim. Kalma Charwin, baka tumilapon ako ng wala sa oras sa labas nito.



Nasa taas pa naman kami ngayon at sobrang bagal ng ikot nitong ferries wheel. Kanina sa harap ng booth. Pinatabi ko ang mga naglalaro para itumba yung mga baboy. Naglabas agad ako ng limang daan piso. Nang iaabot na nung lalaki sa amin ni Hera yung mga bola ay pinigilan ko siya.


Yumuko kaming pareho ni Hera at nangingiti pa sa kalokohang naisip niya. Pagkatapos ay tumayo kami ng diretso at itinaas sa ere ang mga kamay namin. Kamay namin na may hawak na sapatos sabay bato sa mga baboy.


Napanganga yung mga tao at yung iba ang natatawa na lang.

"Ang rule ay patumbahin ang mga baboy, so we did it."

"Pero-"

"No buts. Walang note na hindi pwedeng gumamit ng ibang bagay." Paliwanag ko kunwari, sana makalusot.


"Eh understood na po na..." Hayaan mo na manong!

Pasimpleng kong pinanlakihan ng mata si manong na tagabantay ng booth.

"Hay naku bilis! Asan na yun baboy! " Naiinis na namang sabi ni Hera at mukhang babangasan na nito yung lalaking nag babantay ng booth.


Siguro dahil sa takot ay inabot na nito ang baboy na kulay pink pero maliit. Pero nag reklamo na naman si Hera dahil gusto niya yung pinakamalaki.


Nag-abot ako ng isa pang limang daan piso at binigay doon sa lalaki at naiiling na kinuha nalang yung pinakamalaki na Baboy.


***


She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon