SSY 21

41 2 0
                                    

Charwin Villegas
Point of view

Isang linggo narin ng huling kaming nagka-usap ng seryoso ni Hera. Ngayon para umiiwas siya at ganu'n din ako?

Naguguluhan siya, kailangan pa naming isiping mabuti kung ano dapat ang gawin at isipin ngayon. Kinakausap parin naman niya ako but as a boss sa trabaho, secretary ko pa siya kaya medyo awkward. Gusto ko man na pumunta ulit siya sa bahay dahil ilang ulit nitong tinanong kay Dylan kung kamusta na daw si WinHer, yung baby pig.


Buti pa yung baboy eh kinakamusta niya. Ako? Ayun hindi pinapansin. Hindi naman ako nagtatampo.


Isang gabi ng napabangon ako sa kama sa biglang pag-alog sa akin ni Dylan para magising, dinig ko sa labas yung lakas ng ulan at pagkulog na may kidlat pa. Kahapon pa ang masama ng ang panahon kaya maaga kong pinapauwi ngayon ang mga empleyado ko sa kompanya. Hindi parin ako nakakapag palit ng damit galing pa trabaho.


Sa paglipas ng mga araw ay lalong lumalamig yung pakikitungo ni Hera, kahit hindi niya sinsabi, nararamdaman ko iyon, kaya mas masakit.


"Why?" mahina kong tanong at hinarap si Dylan. Ipinakita niya sa harap ng mukha ko ang screen ng phone niya. Mahapdi sa mata ang sobrang brightness ng screen niya.


"And? Gabi na, ano ba 'yan?" tanong ko at kinukusot pa ang mga mata ko pagod masyado. Inabala ko kunwari yung sarili ko dahil puro si Hera ang nasa isip ko.


"Nasaan ba yung phone mo?" tanong niya na naiinis na.


"Lowbat, teka...bakit ka naiinis d'yan?" Tumayo na ako at para isara ang bintana rito sa kwarto. Malamig rin ang hangin pumapasok dito dala ng ulan.


"Kaya pala...anong sabi mo kapag nag- alarm ang mga phone natin? Leaving a message, a very alarming messages?"


"Be straightforward?" Naiinis ko naring sabi at seryoso ko siyang hinarap.


"Ano? Nawalan ka rin ng paki- alam? Ganu'n nalang? Wala na ba siyang halaga sayo? Nakikita mo na iniiwasan ka niya kaya iiwasan mo rin siya, masyado mo na siyang nasasaktan na hindi niya dapat maramdaman!" Galit nitong sabi at umalis ng kwarto ko.


Dinig ko ang mabilis na pagtakbo nito pababa ng hagdan. Huminga ako mg malalim ng ilang ulit, kalma, kalma lang. Kung pwedeng isipin na panaginip ang lahat ,sana panaginip nalang.


Napasobra ba ang inom ko ng sleeping pills kanina, gusto ko nalang kasing makatulog para wala akong iniisip.



Kinuha ko to ng laptop ko at binuksan ito. Halos mabitawan ko ito at lumagapak sa sahig sa mga nabasa ko.


The traking device that we had between Hera and Dylan, got notified. It can not track Hera. Nag-alarm ito para ipakita na hindi ma-locate si Hera. Dali- dali akong bumaba ng bahay at naabutan ko si Dylan na naka-jacket na ito, at palabas na ng bahay.


"Saan siya huling na trace?" Kinakabahan kong tanong at umiling lang siya, konti nalang ay iiyak na siya.



"Hahanapin ko siya, hindi ko alam kung anong nangyayari sayo pag nawala siya. Ikaw? anong gagawin mo kapag nawala ulit siya? Buti nalang nagising ka pa," sabi nito at bukas ng pinto.


"Tara na."



Madilim at malakas ang pagbuhos ng ulan. Nakakabingi ang pagkulog at kidlat na nagbibigay liwanag sa buong paligid, parang galit ang pag guhit nito sa madilim na langit. Halos madurog na ang cellphone ni Dylan na hawak ko habang nakatingin sa huling lugar kung nasaan si Hera, hindi iyon gumagalaw at nagpe- fade pa ito.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon