SSY 23

25 2 0
                                    

Charwin Villegas
Point of view

"Why did you do that!" Naiinis kong sabi at punas sa bibig ko.

Tila may nagtatakbuhang mga aso sa dibdib ko sa sobrang kaba. Umiiyak na naman si Stacy. Kumuyom ang mga kamay ko sa sobrang inis at akmang sasampalin ko siya ng marinig ko ulit si Dylan.

"Hera, teka lang sandali." Ang sabi ni Dylan at lumabas na ng opisina ko. Naiwang nakakalat ang ilang papel sa sahig. Napalingon ako sa labas at nakita kong tumatakbo si Hera paalis ng office.

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang galit. Aalis na sana ako ng hawakan ni Stacy ang kamay ko kaya napatigil ako.


"Charwin, wait. . ." Naguguluhan din si Stacy sa nangyayari.


"Look what you have done!" Singhal ko sa kanya lalo pa siyang humagulgol sa pagsigaw ko.

"Shit Stacy! Get out of my sight!" sigaw ko at padabog na lumabas ng office para sundan si Hera.


Sobrang bigat ng hangin sa buong office. Inilibot ko ang paningin ko at napansin ko sa mga mata ng mga empleyado na sobrang takot at ang ilan ay nakayuko na lang. Bago pa ako makasakay ng elevator ay lumabas dito si Alvino ma seryoso akong tiningnan mula ulo hanggang paa.


"Oh? Mukhang nag mamadali ka? May hinahabol ka ba?" Kalmado man ngunit may diin ang mga salitang binitawan nito. Ang pares ng kanyang mata ay may pagkaseryoso rin na nakatingin sa akin.

"Huwag ngayon, Mr. Genova." Inilibot ko ang paningin ko at hinahanap si Hera.


"Hindi na talaga Charwin.  I saw Hera, I saw her crying again. Crying again beacuse of you. Wala ka na bang ibang gagawin bukod sa paiyakin siya ng paulit ñ-ulit—" Hindi na niya tapos ang sasabihin niya na suntukin ko ang mukha niya. Napabaling sa kabilang banda ang ulo nito ngunit hindi niya iyon ininda at hinarap akong muli.


"Ano? Palagi mo nalang ba ipapamukha sa akin na mas lamang ka? Na ikaw nalang dapat ang piliin niya? Tama na ang ilusyon dahil akin si Hera!"


"Ikaw ang tumigil sa pantasya mo Charwin! Hindi na magiging sayo si Hera ngayon!"
Patuloy paring sabi nito kahit na kumawala na ang dugo sa pumutok nitong labi dahil sa pagsuntok ko sa mukha niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nag vibrate.

Calling Dylan.


"I'm looking for Hera. Kuya, plese ayusin mo ang sa inyo ni Stacy."


"I'm going with Hera. Where are you?"  Kaagad kong sabi sa kabilang linya.



"No, ako na muna ang bahala sa kanya, mukhang ayaw ka niyang makausap ngayon." Dinig ko ang maingay na tunog ng mga sasakyan sa paligid, marahil ay nasa  baba na sila ng building.

"Ok. I'm sorry."





"Bye kuya."


Iniwan ko na si Alvino doon at bumalik sa may opisina, hinarap ko sila Sandy at Fran para mag- take in charge muna tito sa opisina. Nagpupumilit na yumakap si Stacy ngunit kahit labag sa loob ko ay marahas ko siyang inihiwalay sa akin.



Susundan ko si Hera. Hindi ko hahayaan na hindi ko maipaliwanag ang nangyari. Hindi maawat sa pag-iyak si Stacy kung kaya't umalis nalang ako dahil hindi ko kayang harapin siyang muli matapos niya akong halikan.



Paglabas ko ng building ay busy ang mga tao sa paglalakad sa iba't-ibang ibang direksyon. Lalo akong nahirapang habulin si Hera, kailangan ko siyang mahanap ngayon din.






Makulimlim ang kalangitan, tila sumasabay sa malungkot kong nararamdaman ngayon. Hindi ko siya na ma-contact at ngunit na-trace ko siya na nasa taas, mukhang naiwan nito ang cellphone niya sa office. Hindi ko rin makita si Dylan saan man ako lumingon.


Malayo narin  ang naitakbo ko at napatigil ako ng pumatak ng ang ulan. Halos magkabanggaan kami ng mga tao para agad na makasilong ngunit ako ay nanatiling nakatayo at hinayaan na maligo sa ulan, nakita ko siya.


Dahan-dahang naglalakad, nakayuko at humihikbi. Lalong bumubos ang malamig na ulan samahan pa ng malamig na simoy ng hangin.


"Hera!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon. Tumakbo ako at hinablot ko ang braso niya at hinarap sa akin. Basang- basa na siya, ang lamig ng palad niya at nang tingnan ko ang mata niya ay sobrang pula na nito.


Ngunit naiyak ako ng makita ang pagtingin nito ay sobrang lamig, wala na hindi si Hera ang nakikita ko ngayon, sobrang nasaktan ko siya.


"H-hera sandali, I'll explain—" Napabaling ang ulo ko sa kabila ng sampalin niya ako.


Sampal na tagos hanggang laman, para akong hinampas ng tambla sa mukha. Sobrang sakit, ramdam dito yung hugot niya, yung nararamdaman niya na nasasaktan sa nangyari.  Kasalanan ko ito, I deserve this.


"Kasalanan ko Hera, pero sana huwag mo akong iiwan." Wala sa sarili kong sabi dahil naghahalo na ang emosyon ko sa sistema ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Ayokong mawala muli siya sa piling ko. Hindi ko kaya.



"Hindi na kailangan, " walang emosyon  nitong sabi. Masama ang tingin niya sa akin at nang hawakan ko ang kamay nito ay halata na nagpipigil ito ng galit dahil mapapansin ang mga ugat nito sa kamay. Agad niya itong binawi at umatras ng bahagya sa akin na tila may sakit ako na nakakahawa at ayaw niyang makalapit man lang sa akin.


"I'm sorry Hera—"  She slapped my face.


"I HATE YOU!" She yelled.


Gusto ko man siyang habulin ay napaluhod nalang ako sa sementandong daan sa gitna ng malamig na ulan. Hindi ko na maawat ang pagtulo ng luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.



"Kuya!" dinig kong tawag ni Dylan na inalalayan akong tumayo, may dala itong payong sa braso niya.


Umiling nalang ako at tumingin sa direksyon ni Hera na tumatakbo palayo hanggang sa naging malabo na ang paningin ko dahil sa walang sawa kong pagluha ngayon gaya ng pagbuhos ng malalamig na patak ng ulan.



</3

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon