Hinarap ko nalang ulit si Hera na nakatingin sa kamay ko. I tapped her head at ginulo ko narin yung buhok niya. Cute.
"Lets start then." I pretend na ayos lang ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi maganda ang susunod na mangyayari. Remembering that Stacy's message earlier- Nevermind.
Nasa may lababo ako para mag hugas ng mukha dahil nakalimutan ata ni Dylan na harina ang pinaglalagay niya mga mukha namin ni Hera at hindi face powder. Naisip ko nga baka na engkato siya nang magpunta ito ng Bukidnon makaraan.
"Taste it first baka may kulang o sobra sa lasa." Habang kumuha ng konting cake sa kutsara at subo sa kay Hera, medyo nahiya pa itong ibuka ang bibig niya.
"Uhmmm... too sweet," sabi niya habang ngumunguya ng marahan.
"Too sweet nga." Singit naman ni Dylan na nagmi-mix ng dry ingredients. Sabay- sabay kaming gumagawa ng cake namin ngayon. Kanina pa siya naghahalo, wala paring finish product pero andami na niyang nabato na pang- aasar sa amin ni Hera. Feeling awkward tuloy.
Yung tingin niya may halong pang-aasar at ngisi pa niya.
"Naparami yata yung asukal 'no" Tanong ko kay Hera at abot ng malamig na tubig sa may baso.
"Oo nga, nilalangam na nga ako dito oh! Look! Aray daming langgam! Sobrang tamis niyo kasi."
Muntik ko ng isampal sa kanya yung cake sa mukha niya, pahamak tong Dylan na to bakit umuwi pa dito 'to?Nakatatlong try kami ng cake at sa wakas ay nakuha narin namin tung tamang sukat at timpla. Yung pangalawa ay hindi maganda yung pagkakagawa ng icing ng cake dahil as usual nanggugulo si Dylan.
"Uhmm, may dumi ka dito Hera." Inilapit ko thumb ko sa pisngi niya para alisin yung icing. Pero may kinuha si Dylan na icing gamit ang kutsara at inilapit ito sa kamay ko at sinandyang idikit yun sa mukha ni Hera kaya nadagdagan ang chocolate na icing sa pisngi niya.
"Dylan!" Asar kong sabi.
"Oh sorry!"
Napabusangot naman si Hera. At kumuha ng tissue pero I stopped her. I pinched her both cheeks kaya pati kabila ay magkaroon ng icing.
"You're cute."
"Sir!" Pinunasan nito ang pisngi niya at sinampal ako ng bahagya kaya nagkaroon ako ng icing. The feeling is mutual eh?
Ginawa niya tuloy akong drawimg pad dahil sa kung ano anong guhit sa mukha ko gamit ang icing.
"Okay, di nayan sweet, stop na! Ang baboy niyo na tingnan, jusqo. Ang tanda niyo na parang bata oh!" Sermon ni Dylan na nagliligpit ngayon ng nga pinang gamitan namin.
Iniayos ko naman yung cake sa isang malaking pinggan habang si Hera ay naglilinis narin.
"Ako na d'yan. Mag shower kana sa itaas. Malagkit na sa katawan itong icing," sabi ko kay Hera at kuha ng basahan sa kamay niya.
"Tapos I hahatid na kita sa inyo, gabi na."
"Pero-"
"Kuya Charwin! Bakit mo naman pina paalis si Hera? Dito siya mag i stay, diba?!"
"Ah eh...gusto ko rin makita si baby pig."
"Oo daw kuya. Over night dito, para naman makasundo ko na talaga ang sister in law ko-" Bibig talaga nito! Pahamak!
"Tumigil ka nga, may trabaho pa bukas. anong overnight naman?"
"Kiill joy eh?" tanong ni Dylan.
"Kill kita gusto mo?" Kanina ka pa! Anong trip mo?!
"Hala! wait wala pa akong pamangkin sa inyo, baka naman. Huwag niyo sabihin na yung malaking baboy yung baby niyo, baboy ba kayo? Gusto ko bata!" Naka-inom ba siya? Kanina pa siya nagsasalita na parang wala sa sarili! Asar!
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...