Hera Point of view
Buong gabi kaming naglibot sa may park. Kumain ng ibat- ibang mga pagkain. Ang ibinigay na allowance ni Madam principal sa akin na natitirang ipon ko na tinago ko, ginastos ko na para reward na rin sa akin, sa 'friendly date' na'to.
Sumakay na rin kami ng mga rides. Yung hindi tipikal ng rides, drop rower, super Viking, space shuttle at loop roller coaster.
Pauwi na sana kami, pagod na kasi ako. Masaya na rin ako dahil umaliwalas na ang pakiramdam ni Charwin, kahit sana sa ganitong paraan ay mapasaya ko siya.
"Oras na. Uwi na tayo para makapagpahinga na rin tayo," sabi ko at hawak sa kamay nito at hinila pero di naman siya umalis sa pwesto nito, nakatingin ito itaas.
"Char! Halika na!" Tawag ko sa kanya pero hindi man ako nilingon.
"Come with me Hera," sabi nito sabay hila sa akin.
***
Sa may ferries wheel kami sumakay.
My first time, nakaka excite!
Ang kaso malayo na naman ang tingin niya!
Ano bang tinitingnan nito.
Mabagal lang ang ikot nitong ferries wheel. Pinagmasdan ko siya ng mabuti.
Hinanap kung anong meron, kung may problema ba siya o ano?
Wait! Baka may jowa na siya?
"Sige makikinig ako. Magsalita kana. Walang ibang makakarinig. It just you and me. Aminin mo na, Char. Ano ba yun? Kanina kapa tahimik. Ano? May jowa kana?" Sunod- sunod kong sabi.
"Patawa?" Seryoso nitong tanong na pinagtaka ko.
Anong patawa?
Seryoso kaya ako! Baklang three!
"Bakit ka kasi ganyan!" Naiinis na ako talaga. Itutulak kita palabas! Baklang 'to, pabebe. Pweh!
"Anong ganyan? Na bakla ako?" Seryoso parin ang tono ng boses niya. Nakapirming upo lang ito, crossed arms pa at nakasandal sa upuan. Magkaharapan kami at hindi masyadong masikip dito sa loob.
"Ang labo mo, bakla ka naman talaga ah? Ang ibig kong sabihin. Ang tahimik mo masyado. Di ako sanay."
Tiningnan niya lang ako. Napatakip nalang ako ng mukha.
Nakainom ba siya?
Natatakot na ako. Gusto ko ng tumalon palabas nitong rides na to eh! Oo bakla siya, pero lalaki parin siya! Pinagpapawisan na ako ng malamig!
"Di ba pwedeng ikaw naman ang magsalita? Lagi nalang ako yung nagsasalita sa ating dalawa. Gusto ko lang naman na marinig ang boses mo."
"Drama? Maga-aply ka ba bilang artista?"
Natahimik nanaman siya.
"Teka lang, parang sa tono ng boses mo. . .
Charwin Villegas! Ano problema mo! Parang hindi mo ko kaibigan ha! May sakit ka ba? Ano? Aalis ka ba?!"Mukha na akong mababaliw sa inaasta ko ngayon. Pero hindi ako mag aartista. Sadyang paranoid lang.
Balik loob na ba, bakla?
Lalaki ka na?
Wala. Wala akong natanggap kahit tuldok man lang. Tumingin ito sa labas. Malapit na rin kaming makababa, wala na nawala narin ako ng gana na magsalita.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...