SSY 5

62 6 0
                                    

Hera Point of view

Tuwing umuuwi siya at kapag nasa bahay siya. Hindi maiiwasan na hindi ako gulpihin at saktan nito.

Siguro nga hindi talaga ako tunay na kapamilya nila?

Wala na akong naramdaman at nakitang pagmamahal sa kanila. Puro pananakit at pagsasalita ang nararanasan ko.

Baka nga wala silang pakialam kung asan ako ngayon. Baka masaya pa sila na wala ako. Mukhang pera lang ang hahanapin nila sa akin.


"Gising ka na pala, nak." Bati nito sa akin at may dala pa itong tray na may pagkain.

"Magandang umaga po pasensya na Tay sa abala," sabi ko at pilit na umuupo. Mag kakatrangkaso pa ata ako.

"Ayos lang, kahit dumito kana sa amin. Bakit kasi ayaw mong iwan ang mama mo? Hindi na maganda ang nakikita kong pangmamaltrato nila sayo."



Mukhang sermon ang almusal ko ngayon araw.


"Tang, sana maintidihan niyo na kahit ganun ang sitwasyon ko pipiliin mo parin silang makasama kahit ang sakit sakit na. Pamilya ko po sila." Mahina ko namang sagot.

"Ikaw talgang bata ka. Oh sige, kumain kana. Ah, sya nga pala.  Maiiwan muna kita ha? Alam mo naman kailangang maghanap buhay at gagabihin ako mamaya. Mayroong ulam sa may kusina. Iniluto na ni Charwin para mamayang tanghali.  Maaga kasing umalis iyong batang 'yon. Linggo ngayon, magpahinga ka namuna d'yan." Bilin nito, kahit na matanda na si Tatang Estong ay malakas parin ang pangangatawan nito.

"Sige po, salamat Tay Estong."
Niyakap ako nito at umalis na.





"Magpagaling ka ha." Huling paalala nito at tuluyan ng umalis.


Hindi pa pala ako nakapagpaalam kay tita. Linggo pa naman ngayon. Hindi ko man lang nasabi kay Charwin, sana siya nalang magsabi.


Plano ko sana kapag natapos na ako sa pag-aaral ko mangingibang bansa nalang ako. Papalayain ko muna ang sarili ko, malayo rito. Gusto ko munang ng kapayapaan, ipahinga ang sarili ko, sa mga pangaabuso at pananakit.


Sana dumating na yung araw na 'yon. Hindi ko gustong sayangin ang buhay ko kahit na ang hirap na. Sa layo at dami na ng pinagdaanan ko, ngayon pa ako susuko. Nadala lang ako ng sakit kaya nasabi kong gusto ko ng mamatay.



"Binibining Hera!"

"Ay anak ng pusa! Ano ba Char!"Napasigaw narin ako. Bigla nalang may sumigaw ng pangalan mo. Hindi ko rin kasi napansin na nasa tabi ko na siya.

"Mukhang maayos kana ah?! Nagagawa mo na akong asarin."
Hindi ako sumagot. Nakahawak nalang ako sa batok ko. Ang sakit kasi nabigla ko, mang gulat pa kasi. Ang lalim pa ng boses niya.


"Wait! May problema ba? Ano masakit sayo?" Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha nito.


"Ang OA ahh! Teka, wala pang alas- nuebe. Bakit alas-siete palang naka uwi kana?"


"Asus namiss mo lang ako!"


"Seryoso!" Binato ko siya ng matalim na tingin.

"Oy bakla. Hindi mo pa ako sinasagot."

"Excuse me? Bakit kita sasagutin? Nanliligaw kaba?" Sunod sunod kong tanong.


"May sakit ka nga." Inismiran lang ako ng bakla.


"Teka nga! Hindi mo rin ako sinagot ah! Bakit ang aga mo?" Siya naman ang di sumagot, may inabot siya sa akin.

Kinuha ko naman. Isang maliit na paper bag, magaan lang iyon, mukhang mga papel lang ang laman nito sa loob.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon