Charwin Villegas
Point of viewNgayon ay naiwang nasa gitna si Hera at ako naman ay nakasandal pa sa kotse ko. Palingon- lingon pa siya sa aming dalawa kung kanino ba talaga siya sasama.
Hindi ko alam kung bakit hindi niya naisip na mag taxi nalang siya? Hey Hera! Wake up!
Maraming option hindi lang kaming dalawa. Pero hindi ko naman hahayaan maiwan siya at mag isa.
"I- cancel mo muna yang meeting mo Mr. Charwin! Mahalaga pa ba yan kesa Kay Ms. Hera?" Sabi naman ni Alvino.
Umalis na rin siya, na kung makapagsalita ay parang hindi maririnig ni Hera at wala siya rito.
Naupo na ako sa may driver seat at ini- start na ang makina. Nanatiling nakatayo si Hera at nakatingin sa kalsada kung saan mag uunahan ang mga sasakyan at isa doon si Alvino. Napahinga nalang ako ng malalim at tinawag siya.
"Get in. Ihahatid na kita sa inyo," sabi ko na ikinalingon naman nito. Sumabay pa sa hangin ang buhok nito at natatangay ang mahaba nitong buhok at natulala muli ako sa mga magagandang mata nito.
Binuksan nito ang pinto sa may back seat ngunit sabi ko sa may passenger seat na siya dahil puno ng mga peperbags yung back seat. Doon ko kasi inilagay yung mga regalo ko sa mga babies ko.
Tahimik lang siyang naupo at ako naman ang hindi mapakali dahil sa kaba na nararamdaman ko ng siya lang ang gumagawa nito sa akin. Nakayuko lang ito at hindi man lang nagsalita. Nakain na niya siguro ang dila niya.
"Ah...seatbelt." Dahil aalis na kami ngunit hindi pa nakakabit ang seatbelt nito, mukhang ang lalim ng iniisip niya. Kunwari ay naubo pa ako para makuha ang atensyon niya ngunit wala parin.
"Seatbelt Ms." Pero tama naman ang sinabi ko at narinig ko pa nga, pero bakit puro dedma siya?
Lumapit ako sa kanya at marahang kinuha yung seatbelt sa kanang banda nito ng humarap na ako sa kanya ay nag tama ang mga mata namin, ang mga mata nitong puno ng pagtataka.
"Y-yung seatbelt." Yumuko ito at nakita nito na hawak ko ang seatbelt. Agad nitong hinawakan at naikabit na niya ito. Ganoon parin ang pwesto ko, ramdam ko ang paghinga niya na tumatama sa mukha ko.
"A-are you alright?"
Tumango lang ito at lumingon sa labas. Ang totoo n'yan ramdam ko na hindi siya okay, sabagay kahit sino naman ang tatanungin kung ayos lang sila ay sasabihin "OK" sila kahit hindi.Hindi kami kaagad naka-uwi dahil sa bagal ng traffic. Humanap pa ako ng ibang ruta para hindi maipit sa dami ng sasakyan hanggang sa ginabi na kami sa kalsada at tumingin akong muli kay Hera nakatulog na.
Marahan akong bumaba sa kotse at iniwan siya sa loob. Nandito ako ngayon sa lugar na malapit sa bangin, kung saan malilit na ilaw ang makikita sa di kalayuan. At kapag tumingala ka sa kalawakan ay nangniningning naman ang mga bituin na tila nakangiti sa akin. Malamig ang ihip ng hangin sa paligid kaya ang sarap humiga. Nababawasan ang mga nasa isipan ko na kanina pa ako ginugulo.
Malambot ang mga malilit na damo na inuupuan ko ngayon, ilang ulit akong huminga ng malalim dahil kanina pa ako kinakabahan. Inaalala ko pa ang mga sandali ng nakaraan na kung saan dinala ko dito si Hera, pero natakot pa siya nu'n dahil akala niya ay itutulak ko siya.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakangiti. Sa mga alaala ko nalang na babalikan ang lahat. Hindi na ako, at hinding hindi na ako ang magiging dahilan ng kanyang pag ngiting muli, hindi na.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...