Charwin Villegas Point of view
Gabi ng nang makauwi ako. Dumaan pa kasi ako sa night market para bumili at para may pagkain sa bahay at mga prutas kay Dylan.
Papasok na sana ako sa gate ng bahay nang makita kong may nakatayong babae sa may tabi ng poste ng ilaw ilang metro ang layo. Mukhang may hinihintay siya, nakaw pansin kasi akala mo multo. Muntik na akong madapa ng lumapit siya sa akin, mabilis, tumakbo ito palapit sa akin. Tatakbo narin sana ako palayo hindi dahil sa natakot ako pero parang ganu'n na nga.
"Sir!'' Tawag nito kaya napatigil ako sa balak kong pagtakbo.
"Hera? " tanong ko nang makita ko siya sa malapitan.
Natatakpan kasi ang mga mata niya ng bangs niyang mahaba. Akala ko sino.
"May problema ba? Bakit nandito ka? Gabi na." Pagtatanong ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang sarili mo.
"Ah, wala po si kuya Dylan po?"
"Oh? Akala ko ano na. Bakit? Ayos naman na siya. Don't tell me crush mo si Dylan," pang-aasar ko, kumunot naman ang noo niya.
"Po? Kasi po Sir, diba nawala siya? Gusto ko lang po siyang kamustahin"
"Aysus, crush mo nga?" Tanong ko na may pang aasar.
"Crush? Hindi po ah, mabait lang po siya sa akin. Yung lang po. Lagi niya akong tinutulugan sa office. Kayo kasi laging wala sa trabaho kaya—"
"Tara na nga sa loob!" sabi ko at tinalikuran na siya. Sumunod naman ito sa likuran ko.
Pagpasok sa loob ay umaakyat kami sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Dylan. Pinagbuksan ko pa siya ng pinto at nadatnan namin na natutulog si Dylan.
"Oh ayan. Kumain kana ba?" Tanong ko pero nahihiya itong umiling.
"D'yan ka muna. Magluluto ako sa kusina," sabi ko at umalis na.
Kahit na inaantok ako ay mabilis kong niluto yung tinolang manok. 9:30 na kasi at hindi pa nakaka kain si Dylan. Hindi pa ako nakapagpalit ng damit.
"Nasaan na ba yung gamot dito," tanong ko sa sarili ko habang hinahalungkat ko yung paper bag na dala ko kanina. Bumili ako ng gamot ni Dylan para sa lagnat nito.
"Anak ka naman ng pu—sa!
Ano ba!" Gulat kong sabi at may pahawak pa sa bandang dibdib ko.Magkaka- heart attack ata ako ng wala sa oras. May biglang humawak sa braso ko, maputi pero mainit ang palad nito.
"Sir! Tawag po kayo ni
Kuya Dylan." Sabi niya, hindi man lang humingi ng sorry."Wala man lang sorry? Halos lumabas na yung puso ko," bulong ko sa sarili ko.
"Ano po?"Nagtatakang tanong nito.
"Wala. Gising na siya? Bakit daw?"
Tinulungnan ako si Hera sa pagbubuhat ng pinggan at maliliit na bowl.
"Feeling well?" Tanong ko at hawak sa noo niya. Tumango ito. Nakaupo siya at nakasandal sa head board. Inihanda naman ni Hera yung pagkain.
"Dumaan ako sa palengke, tsaka nagluto pa ako." Iniabot naman ni Hera sa akin yung mangkok at sinubukan ko si Dylan pero pinigilan ako nito.
"Kaya ko na. Kumain na rin kayo, sabay tayong tatlo," sabi niya kaya wala kaming nagawa ni Hera.
Para kaming mag o-overnight sleep sa lagay namin. Magluluto ako ng popcorn at fries dahil manunuod daw kami ng movie.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
Fiction généraleNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...