She said Yes Last Chapter

76 6 3
                                    

SHE SAID YES

LAST CHAPTER

Written by. SiriusLeeOrdinary

You’re Still the One
Song by Shania Twain

Note: Listen to this song while reading ❤️❤️❤️




May mga pangarap tayo na gusto nating makuha sa maikling panahon ngunit hindi iyon pwedeng mangyari at makukuha sa mga simpleng paraan.



Mga bagay na pinapangarap natin ay hindi basta-basta makakamit at mapapasakamay natin, dahil kailangan nating paghirapan, kailangan nating mahirapan.



Kung kailangan madapa, masubsob sa maalikabok na daan, masugatan, masaktan at mahusgahan, kung gusto talaga natin, aabutin natin iyon, babangon tayo at lalaban. Ipaglalaban kung ano ang dapat at karapatdapat na ilaban.


May pagkakataon na panghihinaan tayo ng loob, dahil madalas nakikita natin na ang nga pinaglalaban natin ay naglalaho na sa dilim, madalas maiisip nating sumuko  ngunit dahil may tiwala tayo sa sarili natin ay magpapatuloy tayo gaano pa kahirap.



Ipinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko si Hera ng magandang buhay, ang buhay na malayo sa kinalakihan nito. Ang buhay kung saan masaya kaming magkasama, at kahit na hindi perpekto ay gagawin ko ang makakaya ko para maging maayos ang lahat.


Siya ang matagal ko ng pinapangarap at ngayon ay hindi ko na hahayaan pa na magkalayo pa kami. Akala ko noon magiging madali ang lahat, na kapag umamin akong mahal ko siya ay magiging maayos na ang sa aming dalawa, akala ko lang pala.



Ilang beses na kaming sinubukan ng tadhana, may mga panahong tuluyan na akong bumitaw sa kanya.


Tama nga si Alvino, na hanggang salita lang ako.



Ikinulong ko ang sarili ko sa pagsisisi, hanggang sa gusto ko ng bawiin ang sarili kong buhay. Iniisip ko nalang na sa panaginip nalang namin itutuloy ang mga pangarap namin ni Hera. Sinaktan ko siya, kailangan kong tanggapin ang parusa nito, ang nakakamatay na kalungkutan.



Ngunit sa paglayo ko ay siyang paglalapit ng mga puso naming naulila sa isa't-isa, babalik at babalik ito sa totoong nagmamahal dito.


Ang gabi kung saan magpapalit na ang taon, ang gabi kung saan bumalik ang mga alaala kung saan siya binawi sa mga kamay ko, ang panahon kung saan nagbago ang lahat. Ngayon ay hindi ko inaasahan na iiyak akong muli, sa huling araw bago magpalit ng taon. Nabalitaan ko na aalis na siya ng bansa at wala kaming ideya kung babalik pa siya. Napatingin ako kay Winher na nakaupo sa gilid ko at nakatingin sa malayo.



"Iiwan na niya tayo, baby Winher."


Para akong sinasakal dahil sa nahihirapan akong huminga. Namumuo na ang mga nakakapasong luha sa gilid ng mga mata ko at ilang sandali lang ay tuluyan na nilang nilandas ang tuyong pisngi ko, maging ang sipon ko ay tumulo na rin hanggang sa humagulgol na ako sa sobrang sakit.


Paano ko ba siya kakalimutan?


Paano ko kakalimutan ang minsang naging buhay ko?


She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon