SSY 27

50 3 0
                                    


Hera Alferez Point of view




Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ni Charwin. Marahan akong pumasok, gaya ng dati ang dilim sa loob ng kwarto niya. Napansin ko na nakabukas yung malaking bintana nito palabas ng balcony nito. Sigurado akong nakatulala na naman siya doon, buti nga at hindi niya maisip na tumalon doon.



Dahan- dahan akong lumapit sa kanya pero napatigil ako ng marinig ko na parang may kausap siya. Kaya nanatiling muna akong nakatayo sa may likuran nito.


"Aalis na talaga siya. Hindi na niya talaga ako mahal. Alam mo Baby Winher, handa naman akong alagaan ka, tsaka magaling akong magmahal at hindi kita pababayaan.
Oo, iiwan na tayo ni Mommy Hera, pero hindi ibig sabihin nu'n hindi na niya tayo mahal. Mahal mo parin siya baby? Ako kasi mahal ko pa si Mommy. Miss ko na yun ang kaso huli na, aalis na siya. Ang tanga tanga ko ba baby Winher? Kapag nandito siya... sinasaktan ko naman. Hindi ko kasi mapigilan na malala yung sakit na binigay niya. Hayaan mo, mahal ko parin siya, kahit na galit siya sa akin. Kaya ikaw huwag mo akong iiwan kahit sinasaktan kita na hindi dapat—"


Napatigil siya sa pagsasalita nang agawin ko sa kanya si Winher na yayakap nito habang nakaupo. Sobrang gulo ng buhok niya. Nagulo na sa lakas ng pag-ihip ng hangin.



"Anong pinagsasabi mo kay baby? Oy! Bakla buti pinapansin mo na si Baby Winher ah? Sabi ni kuya pinapabayaan mo raw siya pinapansin." Pumiyok pa ako sa pagsasalita dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nagsisimula na muling mamuo ang nakakapasong luha sa gilid ng mata ko.

"H-hera? Anong ginagawa mo rito?" Nauutal nitong tanong.

"Coming back to you?" T
tanong ko din. Napayuko siya at humingang malalim.


"Leave. Hera I don't." Kaagad na akong sumabat sa pagsasalita nito dahil wala akong oras para makinig sa mga palusot niya.

"Alam mo? Mas gusto ko nalang na mabingi para hindi ko na marinig yang sinasabi mo na layuan kita, dahil hindi ko kaya."


"Ayoko na ring saktan ang sarili ko kaya, umalis ka na." Gusto kong matawa sa pinagsasabi niya na parang hindi ko narinig ang lahat.



"I'm not stupid. Kung marunong lang akong magmura, minura na kita! I need you Char, please."



Sa loob ng ilang minuto ay natahimik siya. Ang layo ng tingin niya na parang may tinitingnan sa malayo, parang naghahanap ng sagot sa mga nangyayari.


"Alam mo ba? Kahit masakit, tinanggap ko na mahalin ka parin. Kahit na kasalanan ko. Ayoko na kasi na mawala ka pa sa akin. Gusto ko pang tuparin yung pangako ko sa'yo. Ang ilalayo kita sa hirap ng buhay, ang mahalin ka, ang maging akin ka. Gusto ko na ipagsigawan ka sa maraming tao na kung gaano kita ka mahal, kung gaano ko binago ang buhay ko para makasama ka. Ang kaso masyado akong nasaktan sa mga gusto ko para sa'yo. Ikaw na ang nagsabi. Ipinagsigawan mo na 'nagsisissi ka' , ' na sana hindi mo na dapat ako nakilala' at 'hindi mo ako mahal.' Kung gaano ko pinangarap na sabihin sa maraming tao, yung naman ang kabaligtaran. Isinigaw mo na para bang ikinahihiya mo ako, at paalisin na sa buhay mo. Tapos nagbago na lahat, ang lahat. Ang dating ako na nangako na mamahalin ka, na ilalayo kita sa hirap at sakit. Ngayon ako na mismo ang sinasaktan at pinapahirapan ka. Kaya naisip ko na mamatay nalang para matapos na...para hindi na kita masaktan. Ayoko na makita ka, makita ka na nahihirapan at umiyak sa sakit na naidulot ko d'yan sa puso mo."


Hindi ko mapigilan na umiyak sa mga narinig ko, hindi na ako makahinga ng maayos at sobrang kaba ang nararamdaman ko.


"Sa totoo n'yan. Ang pangit mo na. Look at your self, pinapabayaan mo ang sarili mo. At papaano kung bumigay yang puso mo? Charwin, huwag ganito."



"I don't need any kind of medicine to cure my heart. Alam kong hindi yun pababayaan ng taong ay hawak nito," ang sabi niya at tumingin sa akin. Sobrang puno ng lungkot ang mga mata na tulad ko ay nag- uunahan na ang mga luha nitong pumatak sa magkabilang pisngi namin.





"Diba? Hawak mo ang puso ko kaya alam ko, at nakakasigurado akong aalagaan mo ito habang buhay, you are my cure."



Akmang tatayo na siya pero naupo ako sa tabi niya at sandal ng ulo ko sa balikat niya na kinagulat niya.



"Pagod na ako." Nasabi ko at pumikit habang yakap yakap si Baby Winher sa braso ko.


"Hera teka lang sandali-"
Tiningnan ko siya sa mukha.

Ipinahinga ang ulo ko sa balikat niya. Ilang sandali pa ay nangingilid muli ang mga luha ko sa mata ko. Nararamdaman ko na naninikip ang puso ko dahil gusto kong sumigaw hanggang sa mabingi siya, gustong kong isigaw na mahal na mahal ko siya.



Hinawakan nito ang ulo ko at inihiwalay sa balikat niya na nagpakunot sa noo ko. Beast mode na naman ba?



"Why?" Agad kong tanong, hiniwalay rin niya si Baby sa akin at inilapag sa gilid niya.


"Bakit mo nilalayo si baby. . ." Napahinto ako sa sasabihin ko na lumapit siya sa akin at niyakap.




Ramdam ko ang init ng hininga niya sa kanang tenga ko. Ibinaon naman niya yung ulo niya sa leeg ko at doon na tuluyang napaso ang leeg ko sa mga luhang umaagos ngayon mula sa mga mata niya. Natalo nito ang lamig na dala ng hangin ngayon sa may balkonahe kung asan kami.



"Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa'yo. Sobrang sakit, ang sakit ng ginawa ko sa'yo. In this world full of second chances, I don't think I deserve to get a second chance.



"Probably." Napatingin siya ng diretso sa mga mata ko.


"What?"


"Ako ang unang nanakit sa puso mo. Hindi ako lumaban noon, hindi kita ipinaglaban. Hanggang sa nangyari ang insidente na nawala ako. Ang dating ako na kaibigan mo, but my heart keep a precious thing inside at ikaw yun."


"Nalala mo na?" Nagtataka nitong tanong at sobra ang pagtitig niya sa mga mata ko. Na parang hindi siya makapaniwala.



"Oo. Hindi ko na matandaan kung kailan, basta matagal na. Matagal na kitang mahal, simula pa nu'ng una. I keep telling my self na hanggang magkaibigan lang tayo.  Baklang to kasi! Sayang ka kaya kung bakit lalaki pa ang gusto mo noon?! But look now, nagpapaiyak ka na ng babae."


"Ibig sabihin? Bumalik na nga ang alaala mo?" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil inilapat ko na ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko ang paghikbi nito kaya humiwalay ako.


"I'm sorry. I'm sorryy. Mapapatawad mo ba ako?" Tanong nito at tumango na man ako kaagad.




"Oo bakla. I love you."


< 3

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon