Charwin Villegas PovSakay ng isang mountain bike, halos liparin ko ang madulas na kalsada. Sa sobrang bilis ng pagpadyak ko ay hindi ko maramdaman na nasa kalsada pa ako, parang nasa ere na ako at lumilipad.
Ang pagsikip ng dibdib ko sa sobrang galit at ang paghinga ko na kakapusin na. Halos mapamura ako sa sobrang inis.
Ayoko na maulit muli. Ayoko na mawala siya, hindi ako makakapayag!
"May lalaki po na kasama si Hera, isang van at. . .
halos isang oras na po silang wala."Para akong tanga na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Walang taong dumadaan, walang mga sasakyan na makikita. Nasa isang liblib na lugar kung saan walang kasiguraduhan na ang aking hinahanap ay aking pang matatagpuan.
Hindi! Hindi maari! Kailangan kong maging matatag. Hintayin mo ako Hera, hintayin mo ako.
Naubos na ang kalahating oras ngunit
walang kahit anong bakas akong nakikita. Ilang beses na akong madulas at mahapdi narin ang mga palad ko na nagasgas dahil sa pagkatumba sa kalsada.Halos tumalon ako ng makita ko ang isang van na hindi maayos ang pag park. Nakatigil ito sa gilid ng kalsada at bukas ang pinto nito.
Pinilit kong tumakbo kahit na nahihirapan akong huminga. Samahan pa ng malamig na hangin, ang lamig na halos tumulo ang sipon ko sa ilong.
Napahawak ako sa tuhod ko. Magpahinga kahit saglit at nag ipon ng lakas. Tumingala ako at huminga ng malalim. Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid pakiramdam ko malapit na ako. Ramdam ko na nasa paligid lang sila. Napapalibutan ng mga matataas na puno at may hamog pa dahilan para lalong manlabo ang paningin ko.
Mabilis ang pagtakbo ko. Walang dapat sayangin na oras, kailangan ko siya mailigtas. Tama ang hinala ko na may kakaiba doon sa lalaki, na may masamang motibo ito kay Hera.
Tumutulo na ang pawis ko sa noo kahit na sobrang lamig dito. Muntik na akong matumba nang may mabangga ako. Naramdaman ko nalang na may bumalot sa aking katawan.
"Sir!" Nanginginig na sigaw nito. Hindi ito maiihiwalay sa katawan ko sa higpit ng yakap niya, niyakap mo na rin siya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kaagad. Ramdam ko ang kaba nito. Ang pangangatog ng mga binti niya at ang paghinga nito ng malalim.
"Hindi ko po alam, Sir. Ang naalala ko po nakasakay na po ako sa sasakyan-" Napatigil ito sa pag sasalita at muling yumakap ng mahigpit.
Isang sigaw ang aming narinig.
Tama, siya nga ang salarin!
"Paanong-" Nagtataka nitong tanong sa akin. Inilabas nito ang isang matalim na kutsilyo at itinutok iyon sa akin. Humiwalay ako Kay Hera.
"I'm here, don't be scared." Seryoso kong sabi at halik sa noo niya at ngayon ay nasa likuran ng isang puno si Hera at hinarap ko yung lalaki.
"At sino ka naman para gawan ng masama ang babaeng ito!" Sigaw ko. Alam mong delikado pero may tiwala ako sa sarili ko, handa akong mag-alay ng buhay basta mailigtas ko si Hera.
"Huwag kang makikialam!" Sumugod na siya at inihanda ko ang sarili ko.
Sa lagay niya, halatang pananakot lang ang alam niyang gawin. Mali pa ang pagkakahawak niya ng kutsilyo. At ng ilang metro nalang ang lapit niya sa akin at agad akong kumilos. Sinipa ko ang mga paa nito dahilan para matumba siya at mahiga sa putikan. Nabitawan narin nito ang kutsilyo. Inapakaan ko ang colarbone nito na halos mag sisigaw siya sa sakit, wala na akong pakialam kung madurog ang buto nito.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...