SSY 17

43 5 0
                                    

Charwin Villegas
Point of view


"Hi Dad!"

Death anniversary niya ngayon, sa susunod pa na araw darating sila mama dahil may inasikaso ba si Ate Cheska sa Amerika. Baka kasi dalawin ako nito mamayang gabi dahil hindi ko naalala ang death anniversary nito, ayoko naman 'yun.

As usual kung ano anong ganap sa buhay ang naikwento ko ngayon at kahit na ang mga pangyayari na patuloy paring gumugulo sa isipan ko. Hindi ko rin mapigilan na lumuha dahil hanggang ngayon ay masakit parin at hindi ko matanggap na iniwan na kami ni Dad.

Kung kailan ayos na ang lahat, kung kailan buo ba ang pamilya na inaasam ko mula pagkabata, kung kailan bumalik na ako sa piling nila. Kapag nalulungkot ako ay tinatawag ako kila ate cheska, mama at tatang Estong at kahit gabi na ay pumupunta ako dito sa sementeryo para makasama si Dad.

Umaraw man o umulan ay hindi parin ako mapigilan na magpunta rito, kaya siguro nanghihina na ang katawan ko dahil sa ginagawa ko. May panahon na nasa ilalim ako ng araw at malamig na ulan, hinahayaan ko 'yun, at least naman ay kasama kong ang dad ko.

Iniisip na paano kung andito parin siya, ang saya siguro, pero huli na. Totoo nga na hindi lahat ng bagay na kahit mahalaga sayo ay mawawala rin kahit anong higpit ang paghawak mo sa kanila.

"Lagi mo kaming bantayan dad ha? Si mama at si Ate, " sabi ko ay ngumiti kahit na patuloy paring lumalandas ang maiinit kong luha. Humangin ng malakas na agad kong naramdaman. Iba talaga sa pakiramdam na naiilabas mo yung sakit sa puso mo.


"Mas maganda siguro kong nandito ka Dad," sabi ko at hawak sa lapida nito kung saan nakalagay ang pangalan nito.

May naramdaman akong kakaiba na parang may nakatayo sa gilid ko, at napansin ko ang pares ng sapatos na nakatayo sa kung saan ako nakaupo. Huminga ako ng malalim at bago ako lumingon dito ay nagulat ako ng naglagay ito ng bulaklak sa gilid ng lapida ni Dad at umupo ito sa tabi ko.


"Good afternoon po." Mahina nitong sabi, akala ko multo na. Pahamak talaga yung bangs niya na makapal hindi mo na halos makita ang mata nito.

"W-why are you here, Miss Alferez?" Umusog pa ako ng kaonti dahil nangangamba ako na marinig niya ang tambol sa loob ng dibdib ko.

Heto na naman tayo.

"Si Kuya Dylan po, nasabi niya po kasi na nakauwi na kayo. May urgent po kasi na mga reports na kailangan mapirmahan niyo. Tapos yun. Galing ako sa bahay po ninyo kanina...pero nalala ni kuya Dylan na narito kayo sa sementeryo." Ipinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya. GPS. Katulad ng ginagamit namin ni Dylan para ma detect namin kung asan kaming tatlo.

"Paano mo nalaman 'yan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ah! Itinuro sa akin ni kuya. You know, kailangan ko rin daw, secretary mo ako. Look nahanap ko kayo kung asan kayo exactly."


Umiwas ako ng tingin sa kanya, naalala ko nanaman ang kabaliwang nagawa ko. Sana nakalimutan na niya kahit tatlong araw palang.

"Hi po! Ako nga po pala si Hera! " Napalingon ako sa kanya sa sinabi nito, hindi ko namalayan na nangingilid na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, masaya ba o malungkot? Sa pagkakataon pa na wala nasi Dad. Kung kailan patay na siya. Ngayon sa harap pa ng puntod niya , na ipakikilala ko ang taong mahal ko.


"Ang bait po na anak niyo, at masipag din po trabaho rito trabaho doon. May pinuntahan pang mga business trip at meetings pero masungit din po siya at matigas ang ulo." Pagkukwento niya na parang buhay Yung taong kausap nito, parang ako lang.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon