Hera Alferez Point of view
Ang sarap sa pakiramdam na may taong handang ibigay ang lahat sayo sa materyal na bagay man o hindi, kahit ang saya at sakit. Gayunpaman ay ams matimbang oarin ang emosyong nararamdaman, ang pinaparamdam niya na mahal ka niya at hindi sasaktan.
Inaamin ko , masaya ako sa kanya, kay Charwin kahit na boss ko siya. Pero hindi ko maitatanggi na may kulang parin sa pagkatao ko na alam kong siya ang susi para mabuo ito. Ang hirap lang ay ayaw niyang sabihin na halos isampal na sa kanya na unti-unti ko ng nalalaman yung kulang sa akin ay away parin niyang sabihin ang sa amin, ang kami...
kami noon.
Nakulitan na nga si kuya Dylan sa akin dahil palagi ko siyang tinatanomg kaya lagi kaming magkasamang dalawa. Buti nalang talaga ay hindi nag- isip ng iba si Charwin kay Dylan, siguro dahil may girlfriend narin kasi pero minsan nagtatampo parin siya dahil mas close kami ni Dylan.
Bakit hindi pa kasi niya aminin na mag bestfriends kami dati?
Kung naaalala ko lang ang lahat, at kung hindi lang ako nahihiya dahil boss ko siya ay matagal ko na siyang tinadyakan.
Kainis, parang wala siyang tiwala sa akin. Pero naiintindihan ko naman eh. Sabi niya na takot pa siya ngayon. Alam ko mahirap din sa kanya parang may gusto muna siyang patunayan at handa akong maghintay para doon. Pero hindi ko inaasahan na sobrang sakit pala.
Maraming nangyari na hindi ko inaasahan, hanggang sa umamin na rin siya. Ano ba bang iisipin ko maliban sa gusto niya talaga ako? Wala akong ibang maisip. Kung magiging kami ay ako na siguro ang pinaka masayang babae sa mundo.
Ang swerte ko ba? Oo. Wala na ako hihilingin na iba dahil gusto ko rin siya. Hindi dahil simula ng maaksidente daw ako ay siya ang tumulong sa akin, hanggang sa pag-aaral ko at sa pagkakaroon ng trabaho. Gusto ko siya dahil pinaramdam nito kung gaano siya magmahal.
Pero totoo nga ang sabi ng iba na sa pag-ibig ay kakambal nito ang sakit. Sakit na masaktan dahil wala naman perpekto. Bilang secretary niya, bago niya mabasa ang mga reports, mga announcements ay ako ang unang makakabasa nito bukod kay kuya Dylan. Ilang araw din akong ginugulo nung isang nagpapadala ng messages at email. Medyo nalungkot ako ng malaman na ikakasal na siya.
Ikakasal pero bakit pa siya lumalapit sa akin at inamin na mahal niya ako?
Ayokong maniwala noong una ngunit narinig ko mula sa bibig niya kung gaano siya kasaya na maipakasal sa isang babae na may pangalan na Stacy.
Ang sabi niya na ako daw ang pipiliin niya, na ako ang mahal niya , na ako...
ako ang papakasalan niya.Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana, kung plano nila na paikutin ako at saktan ay panalo sila ni Charwin. Ang sakit lang na sa mismong unang date pa namin nangyari.
Hindi ko alam noong una pero parang may bumulong sa isip ko na pumasok sa opisina niya. Alam ko kasi na abala ito, gusto ko lang siyang tanungin kung matutuloy yung date namin ngayon pero sumampal sa akin ang sagot na kahit kailan ay hindi mangyayari.
Bakit ganu'n?
Bakit kapag sobrang saya ng isang tao a may kapalit itong kalungkutan sa dulo?
Hindi ba pwede na masaya nalang lagi?
Wala ba kaming karapatan na sumaya at palagi nalang naiiwang luhaan sa dulo?
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...