SSY 16

53 4 0
                                    


Charwin Villegas
Point of view



Nakatitig lang ako sa isang baso hinihintay na matunaw ang yelo at humalo sa alak na iniinom ko ngayon. Pumunta ako sa isang bar hindi kalayuan sa may bayan. Nakailang lagok narin ako ng alak pero malinaw parin sa akin ang mga nangyari kanina.



Baka sakaling malimutan ko sandali ang mga iyon kaya minabuti kong uminom.


Tequila. Rum. Vodka. Gin. Iced tea. Kahit gaano katamis, kapait at mapakla ang mga ganitong inumin ay patuloy parin ako sa pag-inom ng mga ito.


"Hindi ko inaasahan na makikita kita rito, Charwin." Sabi ng isang lalaki na boses.


Umupo ito sa tabi ko at tinawag ang isang bartender at um-order din ng alak.


"Mukhang day off natin ngayon ah?" Tanong nito at inilapit sa akin ang bucket ng mga ice cubes. Nilagyan ko naman yung baso ko ng ilang yelo at tinitigan muli iyon habang natutunaw bago inumin.


"Kanina ka pa rito?" Tanong muli ni Alvino pero tumango lang ako na siya kinagulat niya.


"Are you serious? Naka ilang alak kana ba? Baka dika na maka-uwi n'yan."


"Gusto ko sanang mapag-isa pero heto ka inistorbo ako." Masungit kong sabi at nilagok ang alak sa may baso ko.


"How rude. Minsan mas magandang may kasama tayo kapag mag- isa tayo. May mapag sasabihin ka at—"

"Gusto mo bang ipaliwanag ko ang salitang 'mag isa' sayo para maintindihan mo?"


"High pressure, huh? Mukhang may problema ka nga."


Kalahating oras na kaming umiinom pero parang tubig lang sa amin ang mga alak. Nasa tamang katinuan pa ako kaya alam ko ang pinagsasabi ng katabi ko na para talagang close kami.


"Alam mo? Masaya ako na ginagawa mo ang lahat para maprotektahan siya. Hindi ko akalain na halos ibuwis mo ang buhay mo para sa kanya."


"Bakit mo pa pinapaalala 'yan ha? Itikom mo nga yang bibig mo pwede?" Naiirita kong sabi sa kanya.


"Ikaw parin siya Charwin, ano?" Sabi ni Alvino at tumawa pa.


"Masungit, suplado at alam mo na... Mahal mo parin siya." Dagdag nito.


"What are saying?" Iisipin ko nalang na lasing na siya dahil sa kung ano-anong pinagsasabi niya ngayon.


"Napansin ko lang, hindi mo kinalimutan ang mga sinabi ko sa iyo noon. Na alagaan mo si Hera at hindi lang pag- aalaga ang ginawa mo. Minahal mo pa siya lalo."

Natulala nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Lagi ko siyang sinusundan nang malaman kong nagka-amnesia siya at hindi na ako maka paniwala na ikaw pala ang lalaking naka-formal attire na may kausap na lalaki na sundan si Hera kahit saan siya pumunta. Hanggang sa isang araw ay sa harapan ko mismo nakita kita. Ikaw pala yung nagpaaral sa kanya at nagpagawa ng bahay nila pati ang magandang trabaho na ibibigay mo sa kanya."


"Gusto ko lang makabawi sa kanya, 'yon lang Mr. Alvino." Nagsalin ito ng alak sa baso ko at maging ang kanya, sunod ay nagsalita itong muli.


"Nagpakilala ako bilang kaibigan, as usual napaka- approachable niya parin. Pero naging sobrang seryoso niya masyado. Kapag lumalabas kami ay minsan nakayuko lang siya at ang tahimik. Suntok sa buwan lang siya kung ngumiti, ang tumawa at maging masaya. " Alam kong malungkot parin ang nangyari noon, kailangan na lang naming na maprotektahan siya lalo ngayon.


She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon