Hera Point of view
"Hoy! Babae bilis bilisan mo nga d'yan! Gabi na oh!"
sigaw nito.Medyo malayo ang pwesto ng tindahan na binabantayan nito sa akin, mga dalawang tindahan ang pagitan.
Madalas nga na sa pwesto ko siya umuupo para makipagkwentuhan.
Kwentuhan tungkol sa mga lalaki na gusto niya. Ang harot!
"Mauna kana, hihintayin ko pa si tita," sagot ko habang nagtatalop ng sibuyas.
"Jusqo bakla! Dina pupunta 'yun dito kanina pang tanghali umalis. Hindi ka na babalikan nun! Tara na!" Nagsalubong na ang mga kilay nito sa inis.
"Nakakaintindi ho kayo ng Tagalog po?" Tanong ko.
"Bahala ka!" Mabilis na sagot nito at umalis na.
Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko at isinuot ang earphones ko.
Ilang segundo palang ang lumipas ay may tumabi sa akin sa inuupuan ko. Naamoy ko kaagad yung pabango nito.
Charwin
"Oh what happen?" tanong ko.
"Tsk. Hihintayin na kita," mahina na sabi nito.
"Ayan. Ano takot kalang umuwi mag-isa?!" biro ko sa kanya.
"Hoy! Kaya ko no! Inaalala lang kita! Masyado kang nagpapakabayani d'yan!" Sabad niya kaagad.
"Uuwi rin ako,"walang emosyon kong sabi.
Halos isampal niya sa akin ang cellphone nito sa akin para ipakita ang oras.
"Excuse me passed 10 na oh. Nag-text ba si Mayor na ikaw magsasara nitong Public Market ha!" Reklamo niya.
"Char kalma, laway mo oh! Ang baboy lang!" Reklamo ko din.
Biglang umambon eh, laway ng baklang to eh. Eww.
"Grabe ka! Nung makaraan kabayo ngayon baboy?! Baka buong taon masabi mo lahat ng hayop sa zoo n'yan."
Tumayo na ako at isinaksak sa magkabilang tenga niya yung earphones ko.
Magliligpit na ako baka ano pangsabihin ng baklang 'to.
Sa totoo n'yan ayoko pang umuwi sa bahay. Umalis si mama ngayon para mamasukan sa lungsod, tatlong araw siya doon. At naiwan si Ate Stefhany.
Ang ate kong feeling rich kid, nakaka gigil.
"Ay, pwede ka naman matulog muna sa amin," sabi nito at hablot ng hawak kong plastic bag. May lamang mga lumang gulay na pwede pang gawing ulam.
"Ha? Paano mo?"Nagtataka kong sabi.
"Minsan naiisip ko parang hindi tayo magkaibigan? Am I stranger to you? Kanina lang ba tayo nagkakilala?" Sarcastic nitong sabi at nakakunot pa ang noo.
"Hindi, Char. I mean how you—"
"HERA." Heto na naman po siya.
Natatahimik nalang ako kapag sobrang seryoso niya, nagmumukhang lalaki eh. Sana lagi nalang siyang seryoso.
"Natahimik ka na naman. Araw- araw na tayong magkasama, wala ka pa bang tiwala sa akin?"
"Char naman." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang mahuli niya ang mga mata ko, hindi ko na magawang makaiwas.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...