Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Hera Point of view
Pinunasan ko ang mga luha kong walang sawang umaagos sa pisngi ko.
"Oy Hera! Nandito ka lang pala!" Isang sigaw ang narinig ko mula sa likuran.
"Kuya?" nasabi ko. Hinawakan niya ako sa braso sabay tingin kay Char.
"Kanina pa kita hinihintay doon sa bahay, tara na." Sabi nito na parang iba ang tono ng pananalita niya.
Naamoy mo agad ang alak sa hininga nito, kahit madilim ay kitang kita ang pamumula ng mga mata nito.
"Teka lang. Ako na maghahatid sa kanya, mukhang nakainom kayo."
"Hoy ikaw! Bakla ka, wag kang sumabat sa usapan pwede!"
Hinawakan ni Char ang kamay ko at inilapit sa kanya pero ako na mismo ang nagbawi nito.
"Tara na po kuya." Nasabi ko na lang.
Ilang minuto ang lumipas ay naglalakad parin kami at hindi parin ako binitawan ni kuya. Dahil sa lalim ng iniisip ko tungkol sa nangyari kanina ay hindi ko napapansin na ibang daan na ang tinatahak namin ni kuya. Madilim at konti lang ang mga taong dumaraan.
Hindi ito ang daan papunta sa amin!
"Kuya? Nasaan tayo hindi dito yung ruta sa bahay."
"Sssh! Tumahimik ka nga!" Singhal nito sa akin at lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko. Huminto ako sa paglalakad.
"Ano ba!"
Itinulak niya ako sa isang pader, dahilan para mauntog ako at naramdam ng pag kahilo.
"Ang ingay mo! Nagmamadali ka ba ha! Malayo pa tayo! Oh baka naman gusto mo na rito!" Galit na singhal nito at hawak sa leeg ko upang itayo ng maayos.
"K-Kuya nasasaktan ako." Nahihirapan kong sabi at pilit na kumalawala sa kamay nito. Inilapit niya ang bibig nito sa tenga ko at sabing....
"Kung hindi ka nagmamadali 'di sana nasa bahay na tayo!" Naramdaman ko ang pag hawak nito sa likuran mo at idinidikit sa katawan niya amoy alak at sigarilyo.
"Tama na po!" Sigaw ko dahil sobrang natatakot na ako sa kung ano man ang mangyayari.
Nalasahan ko ka agad ang dugo sa bibig ko. Sinuntok ako ni kuya sa tiyan kaya napaupo ako at nandilim ang paningin ko.
Hinawakan ako ni kuya at sinubukang itayong muli. At sinampal sa pisngi. Pinilit nitong hawakan ng mahigpit ang mukha ko para iharap sa kanya, pero inipon ko ang lakas ko para umiwas.
"Itikom mo 'yang bibig mo baka ihampas kita sa pader na 'yan!" Sigaw nito. Nanlilisik ang mga mata niya, makikita sa kamay nito ang mga ugat. Sinumulan niya akong halikan sa balikat. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Ilang beses ko bang sinabi sa sarili ko na matapang ako. Hindi ko rin pala kaya, masyado na ako masaktan sa pangaabuso sa akin ng pamilya ko.
Pagod na ako, pagod na lumaban.
Saan ako kakapit para bumangon? Lahat ng inaasahan ko wala na sa tabi ko.
Ano pa ang rason para mabuhay ako?
Baka ito na ang oras ko.
Hanggang sa sinira na nito ang T-shirt na suot ko. Naramdaman ko ang paglilikot ng kamay niya sa likuran ko. Ang paghalik nito sa tenga at leeg ko. Kapag itinutulak ko siya para ilayo sa akin ay sinusuntok niya ako at sinasabunutan. Halos mabali na ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya na parang dudurugin na nito pati ang buto ko.
"Kuya tumigil kana!" sigaw ko, sigaw na sana may makarinig.
Hindi ko na kaya. Nahihirapan na akong huminga ng hangin. Sinakal niya ako ng sobrang higpit sa leeg dahilan para lalo akong malagutan ng hininga.
Pinipigilan ko ang kamay nito hanggang sa maaninag ko na may isang tao sa likuran nito na may hawak ng malaking kahoy at hinampas niya si kuya sa likuran.
Nabitawan ako ni kuya na ngayon ay namimilipit sa sahig at hindi makatayo. Napahiga nalang ako sa basang kalsada sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Isang yakap ang bumalot sa katawan ko. Inalalayan niya akong makatayo kahit na hirap na hirap na ako. Ipinasuot nito ang jacket niya at pinunasan ang dugong umaagos sa bibig ko.
"I'm sorry Hera! I'm sorry."
"Char," bulong ko. Niyakap niya lang ako.
"Kapit ka, okay? Bubuhatin kita para agad tayo maka takas, ilalayo kita rito."
" H-hindi. Umalis kana."
"Hera naman! Kahit ngayon lang pakinggan mo ako. Please makinig ka naman!"
"C-Charwin, umalis kana baka masaktan ka pa ni kuya. Mabuti nang ako nalang ako nalang, mamamatay narin ako."
"Hindi mangyayari 'yon! Halika na umalis na tayo!" Wala na itong pakialam sa laway na tumatalsik mula sa bibig nito.
"S-salamat sa lahat tsaka pasensya na hindi ko na kaya-"
"Tingnan mo ako! Andito ako Hera! Tutulungan kita! Please!"
Sinabi nito at hinawakan ko ang mukha nito. Ramdam ko ang pananakit ng tiyan ko dahil sa ilang ulit na pag suntok ni kuya.
"I miss you." Mahinang sabi ko sa kanya.
"I love you Hera," sabi naman ni Charwin at halik sa noo ko. Dahil doon ay nawala lahat ng pananakit nang katawan ko.
Sinubukan kong yakapin siya, napansin kong nakatayo na si kuya at dahan- dahan niyang itinataas qng malaking kahoy na ihahampas sa likuran ni Charwin. Inipon ko ang buong lakas ko para yakapin pabalik si Charwin. Bahagya akong kumilos para umikot at gawing harang ang katawan ko. Isang malakas ng hampas ng kahoy ang tumama sa ulo ko at sinundan pa ito ng isa pang malakas na hampas sa likod ko. Unting-unti kumakalas ang yakap ko Kay Charwin na natulala na sa bilis ng pangyayari.
Ramdam ko ang mainit na bagay na nakabaon sa likod ko, nalasahan ko muli ang dugong lumabas na naman sa bibig ko. Nanlalabo na ang paningin ko at hinahabol ko na ang hangin. Ang hirap huminga, ang pagbagal ng pagtibok ng puso ko.
"Hera!" Sigaw ni Charwin sa akin na hinahawakan akong mabuti pero nawalan na ng lakas ang katawan ko. Bago pa ako tuluyang matumba isang pagpalo pa sa ulo ko ang nararamdaman ko. Hindi sinasadyang makalapit ang mukha ko kay Charwin at mahalikan ko ang labi nito.
Limang segundo lang pero pakiramdam ko sobrang tagal at gusto ko pang manatili sa labi nito.
At bumagsak na ng tuluyan ang katawan ko sa basa at malamig na sahig. Mga nakakapasong luha ang tuluyang bumagsak mula sa mga mata ko.
Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Bago mawalan ng paningin at pandinig ay napaupo na sa sahig si Charwin at niyakap ako. Umiiyak ng sobrang sakit, pumapatak narin ang mga mainit nitong luha sa duguan kong mukha.
Ayoko pang- iwan siya, ayoko pang mamatay. Pero mukhang oras ko na, nahihirapan na rin ako.
Hanggang sa huling pagkakataon ay narinig ko ang boses ng taong kahit ipagtulakan ko na na iwan ako ay hindi nawala sa tabi ko.
"HERA!"
At tuluyan na akong kinain ng dilim.
</3
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
Fiksi UmumNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...