SSY 3

74 6 1
                                    

Hera Point of view

Nilalamok na  ako dito at maging mga langaw ay lumalapit na sa akin sa sobrang baho ko. Napangiti nalang ako dahil kahit papaano ay may lumalapit parin sa akin.

"Baliw na nga ako."

Huminga ako ng malalim at tumingala sa langit. Naramdaman ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa basa kong katawan. Kahit balutin ng kadiliman ang buong paligid at ang kalangitan hindi maitatago ang mga bituin. Nagliliwanag sa kalawakan na kahit gaano kadilim ay kumikinang parin para makita ang tunay na ganda ng mundo.

Sana dumating na yung bituin ko, ang bituin na magbibigay liwanag sa madilim kong mundo.


"Nararamdaman ko na ang pagod, gusto ko ng magpahinga. Susuko na ako dahil wala ng pag-asa na mabago pa ang buhay ko. Ilang taon pa ba akong iiyak sa sakit na nararanasan at nararamdaman? Ilang hampas at sampal pa ng ipapadama para sabihin ayoko na, na tama na? Kailan matatapos,gusto ko ng matapos 'to," sabi ko kasabay ng pag-agos ng mga maiinit ko luha sa natutuyong kong pisngi at labi.

Napatingin ako sa aking mga kamay. Nanginginig at marahan ko itong iniangat para abutin ang mga bituin pero—

"Hera," rinig kong sabi ng isang boses. Nasa harapan ko siya.

Natapat sa dibdib nito ang kamay ko, sa tapat ng puso nito.




Hinawakan nito ang pisngi ko sabay punas sa basa kong mukha.


"Kung saan-saan kita hinanap," sabi nito halatang ang pag-aalala sa boses nito.

"I-iwan mona ako." Nauutal kong sabi at umiwas sa kanya.

"Sorry kung wala ako kanina doon para ipagtanggol ka. Hera please, Huwag kang umiyak—"

"PWEDE BA CHARWIN! UMALIS KA NA SABI! BINGI KA BA HA!" Sigaw ko pero niyakap niya lang ako.

"Kahit anong mangyari, kahit ipagtulakan mo ako, Hera, hindi kita iiwan."


***


Kinabukasan nasa may principals office ako. Graduating for grade 12 na. Isasabay ko narin yung 18th birthday ko same day kasi March 28 pero...

"Miss. Alferez kailangan ang signature ng guardian mo para makuha mo yung certificate of your grades, kailangan iyon para sa scholarship mo." Explain sa akin ng principal.

"Ma'am, A-ano po ayaw niya po kasing pirmahan. Ano daw po hihinto na rin daw po ako."

Kahit labag sa loob ko, buo na ang desisyon ni mama na tumigil na ako dahil nasa college na si Ate Stefhany. Malaking pera ang kailangan para makapag-enroll ito next semester.

Wala kasi itong scholarship dahil hindi umabot ang mga grades nito.

"No! Hindi ka titigil Miss Alferez. I will talk to your parents." Explain nito sa akin.

"Ma'am huwag na po. Magagalit si mama. Nagmamakaawa ako.  Ayoko pong suwayin si mama," naiiyak kong sabi.

***

Pumasok na ako ng trabaho sa palengke. Halfday lang  ang pasok ko, tuwing umaga lang. At kapag weekend whole day ako sa palengke. Dito ko narin ginagawa ang mga assignment at projects ko. Hindi narin ako nagbihis.

"Hi bakla! Halika, tulungan na kita." Nakangiti siya sa akin.

"Huwag na Char,"nasabi ko.

"Ayos lang 'yan, akin na." Pagpupumilit parin nito

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon