Hera Point of view
Hindi ko na kilala si Charwin, masyado na siyang kinain ng alak at impluwensyang dala ng barkada nito. Kung alam niya sana ang limitasyon niya ay ayos lang, pero hindi.
Paano niya magawang sabihin ang mga bagay na 'yun. Tuluyan ko ng binitawan ang iniingatan ko, ang kaibigan ko.
Ito na ang pinakamalungkot na pasko sa buhay ko. Mas gusto mo nalang matulog at hindi na magigising pa.
Sa pagtulog ko nalang idadaan, kahit papaano ay nakakalimutan ko yung sakit na sinabi ni Charwin. Ang akala ko mapapabago ko siya, hindi pala. Nagbago siya sa paraang nasasaktan ako at hindi ko iyon gusto.
Maraming beses na akong nasaktan nang sarili kong pamilya ngayon sarili ko pang kaibigan, ang nag-iisa na ngayon ay wala na. Akala ko manhid na ako, hindi pa pala. Akala ko kaya kong mayakap ang sakit, sinungaling pala ako.
Hindi ko matanggap ang mga salitang 'wala akong karapatan,' naisip ko na baka wala lang talaga ako sa kanya. Tawagan lang pala ang salitang "kaibigan" para sa kanya at walang espesyal doon. Wala iyong laman, hanggang salita lang.
Ilang gabi akong umiiyak. Ilang beses ko ng inuuntog ang sarili ko para kalimutan siya. Masyado ko siyang pinahalagahan kaya masyadong masakit isipin na ibabaon ko ang lahat sa hukay.
Hindi ko malilimutan kung gaano ka talim ang tingin nito sa akin. Gustong kumawala ng puso ko. Gusto kong kunin ito para hindi ko maramdaman yung sakit.
Ipikit ko man ang mga mata para sakaling tumigil ang pagluha ko pero patuloy ang pag agos nito.
***
Nasa palengke ako, oras na para magsara. Tapos na ang pasko ang ilang araw na lang at malapit na ang pag papalit ng taon. Ilang araw ko na ring iniiwasan si Charwin. Itinuring na hangin at wala siya sa aking paningin, hindi siya kilala at hindi kinakausap o magawang lapitan.
Manhid na kung manhid. Bakit ganu'n , ikaw yung tama pero nagmumukhang kang mali?
"Anak ng tokwa!" Gulat kong sabi ng may biglang nag takip ng mata ko. Natigil tuloy ako sa pag-aayos ng tinda para matakpan ko ng trapal.
Hinawakan ko ang mga kamay nito na nasa mata ko. Nakatakip na tila ayaw akong pakawalan. Malambot, malamig at mabango. Nararamdaman mo na walang kalyo ang mga palad nito dahil makinis ang mga ito.
Akala ko si bakla.
Naramdaman ko nalang na dahan- dahan niya itong inalis agad akong humarap sa kung sino man siya.
"Ang gwapo ko namang tokwa, Ms. Alferez." Natatawa nitong sabi.
"Ewan ko sayo, gusto mo bang ihampas ko sayo itong ampalaya ha!"
"Oh relax, masakit 'yan ah! Heto nga pala."
May chocolate box nanaman akong natanggap.
"May gagawin ka pa ba? Pasyal tayo?"
"Wala naman pero kailangan maaga ako bukas dito. Alam mo na ilang araw nalang at bagong taon na, mas kailangan ako ni tita."
"Sabagay, mag pahinga ka na lang muna," sabi nito at hawak sa ulo ko at ginulo ang buhok ko,
Napangiti ako pero biglang nagulat nang may humila sa braso ko at pwesto sa may likod ng isang lalaki. Si Charwin!
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Naasar kong sabi, pinipilit kong alisin yung kanang kamay nitong mahigpit ang pagkakahawak sa kanang kamay ko.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...