Hera Point of view
"Ano ba! Hera! Akala ko ba may trabaho ka! Bangon na d'yan!" Rinig kong sermon ni mama, dahilan para magising ako. Nakakunot noo akong bumangon sa higaan ko.
Napatingin ako sa maliit na orasan sa maliit na lamesa sa bandang likuran ko. Alas- singko palang pala ng umaga.
Ang aga naman para mag init na naman ang ulo ni mama. Mamaya pa kayang alas syete ang pasok ko.
Sa may sala ako natutulog, ayos lang sanay naman ako. Malamig ang sahig at tanging unan, kumot at karton ang gamit ko sa pagtulog. Naiintindihan ko naman dahil mahirap lang kami at nag-iisa lang ang kwarto dito. Sila mama at ate yung gumagamit doon.
Ang isa kong kuya ay may trabaho, kada sabado ito umuuwi at aalis ng linggo ng madaling araw.
Wala si Papa dahil bata palang kami ay iniwan na niya kami at sumama sa ibang babae.
Mabilis akong kumilos dahil sunod sunod at hindi na maawat sa kakadada si mama, kesyo tanghali na raw at baka maunahan pa ako ng boss ko.
Marahan akong pumasok sa kwarto para kumuha ng mga pang-alis na damit. Nadatnan kong mahimbing ang tulog ni ate. Buti pa sya prinsesa ang lagay, eh ako turing sa akin parang alalay.
Kumuha nalang ako ng damit at dumiretso na sa banyo. Masikip at tagpi- tagpi lang ang itsura ng banyo, wala pa ngang tubig pagpasok ko. Natataranta na ako sa kakasermon ni mama sa akin.
Agad kong kinuha yung dalawang timba sabay labas ng bahay.
"Tay Estong! Buti gising na po kayo! Pa-igib po ah," sabi ko na hinihingal pa.
Sampung bahay ang layo ng bahay nila tatang Estong madalas dito ako umiigib ng tubig.
Masyadong masusungit at madamot ang ilang kapitbahay namin.
Si Tatang Estong lang ang kakampi ko rito sa barangay namin. Siya lang ang nag-iisang itinuring ako tunay na anak kaysa sa totoong pamilya ko. Kahit na kulubot ang balat nito at halos puti narin ang buhok nito ay hindi mo maiisip na sobrang lakas pa ng pangangatawan para siyang si Superman na matandang version.
May itsura rin kasi siya, mag- isa nalang siya sa buhay wala na na kasi ang pamilya nito dahil sa isang trahedya. Nasa ibang bansa kasi si Tatang Estong nang mga panahon na iyon.
Mga litrato nalang ang tanging kasa kasama nito sa buhay. Madalas ko siyang kasama kapag wala akong ginagawa at may nag aalaga naman sa kanya dito.
"Oh anak. Ikaw talaga hindi kana nasanay lagi naman akong maaga diba?" Natatawang tanong nito.
"Pasensya na Tang! Si mama kasi ayun ang aga aga yung bigbig hindi maawat, alas singko pala oh! Tsaka martes palang ngayon e." Nagmamaktol kong sagot.
Kumunot ang noo ng matanda."Bakit po Tang?" Nagtataka kong tanong.
"Linggo ngayon Hera." Mabilis naman na niyang sagot.
Dahil doon ay halos takbuhin ko ang gripo sa loob ng bahay nila Tang Estong at nang mapuno ang dalawang timba ay agad agad ko itong binuhat pauwi.
"Dahan- dahan 'nak."
Paalala ni Tang Estong.Nakalimutan ko pang mag 'thank you' haist bukas na nga lang.
Papasok ko sa banyo ay dali dali kong ibinuhos ang isang tabo ng tubig sa katawan ko. Parang akong naliligo sa ice water sa sobrang lamig ng tubig.
Sa loob ng limampung minuto ay natapos na ako. Hindi na ako nag almusal.
"Asus lagi naman Hera!" sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...